Chapter 29

1.7K 28 2
                                    

"A-anong ginagawa nyo rito??" Nagtatakang tanong ko sa kanya na ikinataas  nya ng kilay nya

"Ano ka ba pamangkin..ano bang ginagawa pag nasa  hospital.." Mataray na saad nito habang napabuntong hininga na lamang ako

"Akala ko ba tita..nasa  States ka..kailan  ka pa umuwi..??" Nagtatakang tanong ko sa kanya habang matamang  ko syang pinagmamasdan at napansin ko na tumataba sya ng kunti di tulad noon napaka-sexy nya tignan at napaka-sosyal kung manamit, pero ngayon simple na sya ngayon manamit at Hindi mo mahahalata na may tinatago tong katarayan at sadista

"Mabuti at nagkita  tayo purple.. And bagay  sayo ang kulay  mo..My Gosh ha! Pwede wag mo na lagyan ng black foundation ang balat mo.. Mas  bagay  sayo..nang Hindi ka mag mukha kang  talunan.. Tandaan mo.. Wag kang  papayag na banggain ka nila matuto kang  lumaban..gayahin mo ang mama mo..walang inuurongang laban!" Saad nito

"Salamat tita.. Pero..yung mismo ang mama ko ang nag sabi na wag daw lumaban sa kapwa.. Pabayaan na lang daw sila.." Paliwanag ko sa kanya na ikinakunot ng noo nya

"What?? Is that true..?? She said that! Kilala ang mama mo sa pagiging  maldita at mas  brutal sakin kaya imposible  ang sinasabi mo purple.. Simula nung inampon sya ni papa at mama naagaw nya na ang atensyon ng lahat para sakin at pati mana  na dapat sakin binigay  rin nila sa kanya..mabait bang matatawag don.." Siguradong saad nito habang nakataas ang kilay at nakapameywang

"Pasensya na ho..tita..pero..wala naman pong nabanggit sakin si mama na may nag-ampon sa kanya..sa katunayan nga po nyan lumaki raw sya sa bahay-ampunan at nang nagdalaga na sya..saka na po sya pumasok sa iba't-ibang trabaho para buhayin ang sarili..kaya Hindi ko po alam ang sinasabi nyo tita.." Paumanhing saad ko sa kanya at magsasalita pa lamang si tita nang may tumawag sa kanya na ikinahinto nito

"Honey!!.." Saad ng lalaking papalapit Kay tita at nilingon kaming dalawa nang makita nya Kong kausap

"Mirna..may inaaway ka na naman ba??" Mahinahong saad nito na ikinagulat ko..siguro asawa ito ni tita.. Ngunit..kailan  pa??

"Of course not!! Pamangkin ko sya Jayson.. Nangangamusta lang.. At saka bakit ba! Ang tagal mo! Nagugutom na kami ni baby!! Hindi mo ba alam..nakakainis ka!!" Saad ni tita habang naiiyak na..may anak na pala sila at Hindi ko akalain na ganito inaasta ni tita..parang  naging iyakin na sya pagdating sa asawa nya

"Hush..honey..kinausap lang ako ng doctor about sa baby natin at bumili lang ako ng vitamins para mas  lalong maging  healthy si baby..uuwi na rin naman tayo ehh..ano bang gusto mo??" Tanong ng asawa

"Gusto ko ng strawberries, raspberry, kare-kare, adobo, mangang hilaw na may bagoong, afritada, menudo, lugaw at lomi hon..at saka dagdagan mo na rin ng burger sa jollibee..Hindi ko pa kasi yun natitikman hon..bumili na tayo..gutom na ko ehh.." Nagrereklamong saad ni tita na ikinalaglag ng panga  ko.. What the?? Napakadami ng pinabili ni tita makakaya nya ba yun??

"A-ahh.. Ang dami naman yan hon..baka naman Hindi mo yan maubos lahat.." Nagugulat na saad rin ng asawa nya na ikinahikbi ni tita sabay  hampas

"Deretsohin mo na kasi ako..na baka ayaw mong tumaba ako at ipagpapalit mo lang ako tama!?" Naiiyak na saad ni tita na kulang  na lang ay  popcorn para sakin.. Para kasing nanonood lang ako ng isang palabas

"Of course not.. Hindi iyon ang iniisip ko hon..kaya wag kang  mag-isip ng kung ano-ano..okay kung gusto mo talaga lahat yun..ibibili kita..at wag ka nang sumama hon..mas  mabuti kung magpapahinga ka na lang..para sa baby natin.." Saad nito na ikinangiti  ko naman dahil ang swerte ni tita sa asawa nya.. Yan din kasi sana ang pangarap ko para samin ni Clyde pero Hindi nya naman kasi seneseryoso ang pagiging  mag-asawa namin kaya hanggang tingin na lang ako sa magandang  relasyon ng ibang couple

Paalis na sana ang dalawa ng biglang humarap ulit si tita at nag salita ulit bago sila umalis

"Believe me..purple.. Hindi ako ang pumatay  Kay Lessie at aaminin ko na maraming  beses ko na syang pinapatay pero masamang damo..yun..Hindi basta-basta namamatay.. Ang babaeng yun.. kaya Hindi ako naniniwalang patay  na sya at kung patay  nga sya..ibang tao yun at Hindi ako..kaya humihingi ako ng sorry sa lahat ng panggugulo ko noon sa inyo..patawarin mo sana ako purple.." Saad nito at tuluyan nang umalis

Sandaling natulala ako..at napapikit ng mariin  dahil Hindi ko alam kung..kaya ko syang patawarin agad hangga't Hindi lumalabas ang buong katotohanan kung nasan ang totoong  pumatay  sa Kay mama

Agad akong naglakad paalis papunta sa isang restaurant.. Pagkapasok ko dun Hindi maiiwasan ang pagtinginan ako ng tao dahil sa itsura ko lahat sila napapatulala at nililingon ang mga leeg na kulang  na lang mabali kakasulyap sa kin

Agad akong nag-order ng pagkain na ikinatulala rin sakin ng cashier na lalaki bahagya  naman akong natawa at ano kaya ang magiging  reaction nila kapag tinanggal ko ang salamin at contact lens ko.. Matutulala pa ba sila??

Siguro oo?? Matutulala at matatakot..

"1 please milk tea Berry bursts and 1 slow roasted lamb with salmon.." Saad ko habang napapitlag naman ang lalaki at agad na sumunod

Mabilis naman dumating ang order kaya lang..naiilang akong kumain dahil napapasulyap pa rin ang iba sakin kaya napagdesisyon na lang na i-take out ko sya at sa bahay ko kakainin

Bumalik ulit ako sa hospital para tignan ulit si Clyde at papasok pa lang ako ng marinig ko ang usapan nila ng kaibigan nya at tanging  naka-awang lang ang pinto na Hindi ko sinasadyang marinig

"Pare..pano na tayo nyan?? Tayo na lang yata ang Hindi pa nakaka-graduate dahil Hindi pa nyo natatapos ang thesis!" Reklamo ni chase at binatokan naman ni turk

"Lol..grupo tayo..at Hindi dapat kami lang ang gumagawa  ni rain..marami na rin kaming nagagawa kalahati  na lang ang KULANG kaya please lang tumulong naman kayo.." Frustrated na saad ni turk

"I'm busy.." Bored na sambit ni Clyde

"" ako rin busy rin ako.."saad naman ulit ni. chase na ikinataas ng kilay nila turk at rain

"Gago!! San ka busy?? Sa Babae mo??" Saad ni turk habang binato ng mansanas at nasalo naman ito ni chase sabay na kinagat iyon

Agad kong sinara  ang pinto nang malaman ko na kaya pala Hindi kami sabay na mag graduate dahil sa thesis nya

Agad naman akong napaigtad ng may tumawag sa kin at walang iba kundi si nianne Cervantes Dee habang kumakaway sakin

At nagtataka ako dahil bakit maraming  nangyayari ngayong  araw na to'

CRAZY LOVE  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon