Chapter 8

2K 25 1
                                    

"Hi purple..nag-kita na naman tayo..small world no!?" Sarcastic na sabi nya

"Oo nga..kaya nga sawang-sawa na ko sa napaka-pangit mong pag-mumukha.." Sabad naman ni  Jayne na ikinakunot ng noo ni  Verna

"Wag ka ngang maki-epal dito bitch!!.." Inis na saad nya at narinig Kong sumang-ayon rin ang  dalawang  alepores nya sa tabi

"Makikialam kami dahil kami ang  kaibigan nya..ano na naman ang  plano mong bulok na gagawin ngayon!!" Naiinis na tanong ni  cherry Mae

"Well..pasalamat ka purple..dahil wala ako sa mood na pag-tripan ka..nandito ako para sabihin sayo na..pinapatawag ka ni  Clyde.. At alam mo bang gusto kitang sabunutan!! bakit ikaw lang ang  pinapansin nya!!" Nang-gigigil na saad nya

"Gusto mo bang malaman..kasi pangit ka!!" Segunda naman ni  Jayne

"Oo nga..Hindi kasi kapansin-pansin ang  ganda mo kahit kumapal pa ang  make-up mo..but sad to say wala namang  ikakaganda sayo.." Mataray na saad naman ni  cherry Mae

"At kanina pa kayong  dalawa!! Talagang  sinisira nyo talaga ang  araw ko..!!" Akmang susugurin nila kami ng may tumikhim sa likuran namin

nakita namin ang guidance councillor at sabay  kaming  napayukong tatlo para batiin, sila Verna naman nanatili lamang nakatayo at humakbang para umalis na pero bago muna yun Inirapan nya ko at sabay  na binangga sa balikat papaalis, mabuti na lamang at naalalayan ako ng dalawa kundi tuluyan akong  natumba.

.........

"Why you took so long??" Bungad sakin ni  Clyde nang pumasok ako sa room ng tambayan nilang barkada

Nagulat naman sila ng makita  nila ako at nag-paalam sila Kay Clyde para umalis nang makapag-usap kaming  dalawa..

"Sige bro..mamaya na lang.." Saad ni  Rain ang  tahimik sa kanila 

"Clyde.. Pumunta ka dun  ahh.." Saad naman ni  chase ang  babaero sa kanila 

"Gago! Chase mambabae ka na naman.." Napapailing na saad ni  Turk

Nang makalabas na yong tatlo, kami na lang ang  naiwan sa loob at halo-halo ang  nararamdaman ko dahil ngayon, kaharap ko na naman si Clyde

"Nerd...wag kang  umasa  na ihahatid kita gaya ng sinabi nila dad..wala akong  pakialam kung mapahamak ka! Mas  mabuti nga yun..nang Hindi matuloy  ang  kasal!! Narinig mo naman yata na may pupuntahan ako at wag mo nang tanungin kung uuwi ako sa bahay natin dahil wala kang   maaasahan..umuwi ka mag-isa mo.." Malamig na turan nya at sabay  nag-lakad palabas ng pinto at iniwanan ako rito sa loob

Kaagad Kong nakapa ang  pisngi ko na ngayon tumutulo ang  mga luha  ko
Hanggang kailan nya ba ako matatanggap??

CRAZY LOVE  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon