chapter 6

2.1K 28 0
                                    

Abot-kaba ang nararamdaman ko nang  makita ko sa malapitan ang magulang ni Clyde kung titignan mo  sila Parang ang bata pa rin  nilang  tignan
at Hindi halatang may edad na sila, lalo na yung  mama ni Clyde na nakangiting nakatingin sakin tanging ngiti na rin ang naitugon ko sa kanila dahil sa hiya

"Halina  na kayo sa mesa..meron akong  hinandang masarap na pagkain.." Alok samin ng mama ni Clyde at napatianod naman akong  sumunod nang  higitin nya ko papunta sa hapag-kainan kung saan nakahanda rito ang iba't-ibang putahe  kaagad naman nila kaming pinaupo at sinandukan na rin ako ng mama ni Clyde ng pagkain..

"A-ako na po t-tita.." Nahihiyang saad ko at inagaw sa kanya ang sandok para ako na magkuha ng pagkain

"No..Dapat Mama na ang itatawag mo  sakin total magkapamilya na tayo..dahil magpapakasal rin naman kayo ni Clyde.." Mahabang saad nya

"S-sige po..." Saad ko at dahan-dahang sumubo ng pagkain na muntikan ko naman mailuwa nang  makita ko si Clyde na papalapit dito at agad na tumabi sakin

seryoso lamang sya at Hindi ngumingiti at alam  kung tutol talaga sya sa kasal namin 

"Ohh..anak nandito ka na pala..para ka namang kabute na sumusulpot na lamang basta..magbigay galang ka sa bisita lalo na sa papa ni Purple.." Sermon naman ng papa ni Clyde

Nakita  ko syang napaikot ng mata at biglang tumayo at bahagyang tumungo para batiin  si  dad sabay  na umupo at uminom ng alak

Napansin nya yatang nakatingin ako sa kanya kaya  naman sumulyap naman sya sakin na ikinabigla ko naman..agad akong  napa-iwas ng tingin at itinuon ko na lamang ang paningin ko sa pagkain

"Tungkol pala sa kasal  nyo..napagdesisyonan namin  na sa susunod na linggo na kayo ikakasal.." Nabigla ako nang  magsalita ang mama ni Clyde

"Tskk.." Nasambit naman ni Clyde at paniguradong napaikot na naman ito ng mata sa kawalan

"Anong  masasabi mo  ron  iha..alam  Kong masyadong mabilis pero kasi..excited na akong  maka-apo.." Segunda pa nya sabay  humagikhik at napatikhim na lamang si  dad at ang papa ni Clyde

"At Gusto ni Clyde na ikasal kayo sa America imbes na dito sa pilipinas..sumasang-ayon ka ba ron??" Tanong naman sakin ng papa ni Clyde

Sumulyap muna ako Kay Clyde at nagulat ako nang  makita Kong nakatingin sakin ng masama, na tila hinihintay ang sagot ko

Bahagya muna akong  lumunok bago sumagot

"A-ayos lang po sakin.." Nakangiting tugon ko

"Kung ganon..Ayos ang usapan..kami nang  bahala ang mag-ayos sa kasal nyo tanging  ang gagawin nyo lang ay  masanay na kayong mag-sama na dalawa lalo na titira na rin kayo sa iisang  bubong .." Saad pa ng papa ni Clyde na ikinakaba ko naman ngayon dahil sa sinabi nya

At dito na siguro mag-sisimula kung paano ko pa mas  lalong minahal si  Clyde kahit na saktan nya pa ko ng paulit-ulit..

CRAZY LOVE  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon