chapter 4

2.4K 32 0
                                    

Matapos kung maligo kaagad Kong sinuot and roba at sabay  na pinunasan ko ang basa  Kong buhok..kaagad akong napatitig sa salamin at tinignan ang itsura ko

Kaagad akong napabuntong hininga at Hindi ko talaga maitatanggi na magkamukha nga kami ni  mama..naalala ko nung panahon na buhay pa sya, palagi sya ang naghahanda ng mga gamit  ko at sya na rin mismo ang pumipili ng damit na susuotin ko..kaya  natutuwa ako kapag sya na ang nag-aayos sakin

Ngunit Hindi na yon  mangyayari pa dahil matagal nang  patay  si mama at sa ngayon unti-unti ko naman tong tinanggap at ganon  din si dad na sya na lang ang natitira saking pamilya ang lolo  at Lola ko naman nasa  America at bibihira lamang bumisita rito kung may okasyon.

Kaagad Kong inihanda ang dadamitin ko at kinuha ko ang floral dress  na color White at ipinares ko ito  sa sandals na puti na Hindi gaanong mataas ang takong 

Muli akong umupo sa tapat ng salamin at sinimulan ayosin ang itsura ko una Kong kinuha ang cream foundation na ang kulay nya at pangmorena since maputi  talaga ako at tinatakpan ko rin sya at ayoko rin ilabas ang porselana Kong kutis bukod sa mukha nilagyan ko rin sya sa kamay at binti nang pumantay ang kulay ko sa pagiging morena at kaagad Kong nilagyan ng contact Lens ang mata ko at sabay  na isinuot ko ang brace Kong itim at sumuot na rin ako ng salamin

Naka-ayos na ko ngunit may halong kaba, dahil ngayon kasi ang dinner namin kasama ang parents ni  Clyde kaya  dobleng kaba ang nararamdaman ko ngayon.

Muli  Kong tinignan ang kabuuan ko sa salamin at kaagad akong napalingon sa pintuan ng pumasok si manang Rosi at nakangiting lumapit sakin at inayos ang pagkakaribon ng aking damit

Si manang rosi ang nagsisilbi ko na ring pangalawang ina  sya kasi ang nag-alaga sakin Simula nung ipinanganak ako ni  mama hanggang sya ay  namatay at Hindi sya umalis sa tabi ko kadamay ko sya kahit na anong  dumating na problema  at sa kanya rin ako lumalapit kapag nalulungkot ako

"Iha..kahit ano pang tago ang gawin mo sa itsura mo..halata pa rin ang tunay mong ganda..maswerte ang taong  makakapansin sayo at makita  ang tunay mong ganda kahit sa loob man ito  o sa labas.. kahit na pangitin mo pa ang itsura mo sa paggamit ng kung anong  bagay..ang inilalagay sa mukha mo.. Maganda ka pa rin..bat Hindi mo ilabas..nang sa ganon magustuhan ka talaga ng lalaking  Mahal mo.." Mahinahon nyang saad habang sinusuklay ang buhok ko at sya na ang nagpresintang iterentas ito 

Agad akong napabuntong-hininga at hinarap si manang rosi na ngayon hinahaplos ang buhok ko.

"Manang..alam  nyo naman po siguro ang dahilan di ba??"

Muli  syang ngumiti at tumango

"Pero..Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong itago ang pagkatao mo..malalaman rin ng lahat ang tunay mong pagkatao iha.." Mahinahong saad nya

Kaagad akong napayoko at bahagyang sinilip ang litrato ni  mama kung saan katabi ng lampshade

Alam  ko naman na mabubunyag din ang katotohanan ngunit..Hindi ako tulad ni  mom na matapang at kayang harapin lahat..

"Halika na iha..bumaba na tayo at siguradong nag-hihintay na ang daddy mo sa baba.." Saad ni  manang rosi

Tumango na lamang ako at kinuha ang bag sabay  na lumabas at naabutan Kong nag-hihintay na nga si dad at ang driver namin kasabay ang tatlong guard na bantay ko na sanay na ako at Hindi na ko nag-rereklamo sa desisyon ni dad..

Kaagad akong napahawak sa kwintas na binigay ni mom at kumukuha ng lakas  na sana maging  maganda ang dinner namin kasabay ng parent ni Clyde..

CRAZY LOVE  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon