Chapter 31

1.7K 22 4
                                    

Pagod  akong umupo sa may waiting shed at agad akong kumuha  sa bag ng panyo para ipunas sa noo ko na ngayon ay  tumatagaktak na ng pawis

nakaramdam ako ng init at pinaypay ko ang sarili gamit ang kamay ko

Maaga akong gumising at umalis dala  ang maleta ko..gaya ng sabi ni Clyde na dapat makaalis na ako sa bahay namin dahil uuwi na ngayon si Medina sa pilipinas at susunduin ni Clyde sa airport si Medina pagkatapos doon  mag-stay sa bahay namin..na ako dapat ang kasama nya sa bahay

Ang sakit lang kasi bakit ang unfair.. Hindi ko alam kung ano ba ang kasalanan ko kung bakit..pinaparusahan nya ko ng ganito

Wala naman akong ibang hinihiling kundi ang mahalin nya lang ako pabalik..

Kinakagalit nya ba dahil pinipilit ko sya?? Nasasakal na ba sya dahil sakin??

Kaagad kong  pinunasan ang luha ko na tumulo na naman..nakakatawa dahil Hindi maubos ang luha ko kakaiyak dahil sa kanya

Muli akong Napa tingin sa relo ko na ngayon ay  alas dose na ng tanghali at hanggang ngayon ay  wala pa rin akong mahanap  na pwedeng tuluyan pansamantala.. Nalibot ko na ang buong subdivision na pwedeng tuluyan

Kaya lang yung iba..malaki yung perang babayaran na Hindi sapat  sa dinalang budget ko..

Kahit Hindi ko na kailangan na mag trabaho at binibigyan lagi ako nila Dad at kuya ay  Hindi ko inaabuso yun at nagtitipid sa perang binibigay nila

Meron namang may nag offer sakin na iba..yun nga lang masyadong malayo..at hassle rin kapag bibyahe ako kapag gusto Kong mabisita ng patago si Clyde

Kaya hanggang ngayon.. Wala pa rin akong napipili na pwede Kong tuluyan..kailangan.. Bago mag gabi at makahanap na ko

Kundi baka sa kalsada na ako nito matulog..

Agad akong napahawak sa tyan  ko at nakaramdam na ako ng gutom..muli  akong tumayo at naghanap  ng pwedeng kainan hanggang sa may makita akong restaurant malapit lang sa waiting shed

Chanzee Restaurant ang pangalan nya at mukhang masarap siguro kumain don..kaya agad akong tumawid at pinuntahan ang restaurant..

Pagkarating ko don..agad akong binati  ng guard at pinapasok sa loob agad akong nag-order ng pagkain at syempre Hindi mawawala ang tingin sa kin ng tao sa itsura..balik kasi ako sa dati at kahit nagbubulungan sila alam Kong nilalait na naman ako..patalikod

Hindi ko na lang sila pinansin dahil Hindi naman mahalaga ang oras ko sa kanila..

Nandito ako para kumain..Hindi para magkaroon  ng kaaway..

Nang dumating na ang order ko..agad ko naman itong nilantakan at agad akong Napa wow ng matikman ko ang pagkain..

Napakasarap kasi at kahit papano nai-enjoy ko ngayon ang sarili ko mag-isa..

Pero kaagad akong napatigil ng makita ko ang familiar na mukha..

"Purple.. I-ikaw ba yan??" Gulat na tanong nya habang papalapit sa pwesto ko

"L-Lester..." Tanging  na sambit ko lang at namalayan ko na lang na naka-upo na sya sa tapat ko

"Anong ginagawa mo rito??" Nagtatakang tanong nya sakin at bumaba  naman ang tingin nya sa may maleta ko

"Lumayas ka ba? O pinalayas ka ng asawa mong gago??" Mariin  na tanong nya at napatungo naman ako dahil Hindi ako makasalita..

"Purple... Please tell me..gusto Kong makatulong sayo.." Saad nya sabay na hinawakan ang isa Kong kamay na ikinagulat ko

"A-ano..n-nakakahiy--"

"No..I insists.. Handa  akong tumulong  sayo..purple.. Basta  sabihin mo lang sakin kung bakit ka may dalang maleta.. Pinalayas ka ba nya talaga??" Naiinis na tanong nya naman na ikinatingin ng ilang tao sa kanya napatungo naman ako at Hindi ko napigilan na mapaiyak  sa harap nya na ikinataranta nya naman

"S-sorry purple.. I just can't.. Arrgghh.." Saad nya habang napasabunot sa buhok at namalayan ko na lamang na hinigit nya na ko papalabas dala ang maleta ko at pinasakay sa kotse nya

Agad naman sya sumunod at pumasok sa loob at hinarap nya naman ako sabay na pinunasan ang luha ko..napatigil naman ako at napaiwas ng tingin

"Pasensya ka na Lester.. Di ko kasi napigilan na maiyak  dahil Kay Clyde.. Pinapahanap nya kasi ako ng pansamantalang matutuluyan..gawa nang uuwi kasi si Medina at doon  manunuluyan sa bahay namin..Hindi kasi nya alam na mag-asawa na kami kaya itinatago  nya ang tungkol saming dalawa.. Pero di ba.. Kalat na sa lahat na mag-asawa kami kaya posibleng mangyaring malaman nya yon.. At saka..--" naputol ang sasabihin ko nang agaran nya Kong niyakap na ikinatigil ko sa pag-iyak naramdaman ko na lamang na dumampi ang labi nito sa noo ko at napasinghap ako akmang itutulak ko sya nang mas  hinigpitan nya ang yakap sakin

"Bakit..Hindi ka na lang umalis sa poder  ng asawa mo purple.. Mas  masakit sakin kung patuloy ka pa rin naghahabol Kay Clyde..kahit alam mong wala na talagang  pag-asa.. Susugal ka pa rin ba? Lalo na't may kinakasama pa syang iba..sa mismong  bahay nyo??" Saad nito sabay na humiwalay ng yakap sakin at hinawakan ang baba ko para matingnan nya ko sa mata

"Sakin ka na lang sumama purple.. Just trust me..sisiguraduhing iingatan kita..at Hindi pababayaan.." Mahabang saad nito na ikinaiwas ko ng tingin

"B-but I love him..even if he didn't love me back.." Naiiyak na naman na sambit ko at narinig  ko namang napamura si Lester at naramdaman Kong umandar na ang kotse na minamaneho nya na paalis

Habang ako ay  patuloy na umiiyak para ilabas lahat ang sakit na nararamdaman ko galing  Kay Clyde at wala akong balak na pigilan pa si Lester kung saan man kami pupunta mas  mabuti na rin siguro na may ilalabas ako ng hinanakit at may masandalan sa oras na to'

CRAZY LOVE  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon