Chapter 10

1.9K 34 1
                                    

"Yan Girl Ang Ganda  mo na.." Saad ng bading na syang sumusukat at pumipili ng gown para sakin

"Could you please tell me a truth na Hindi talaga ako maganda! Tanggap ko naman.." Medyo naiinis na sabi ko sa kanya Hindi kasi maganda ang mood ko ngayon sa babaeng merong dalaw sabayan pa ang biglang-alis kaagad ni Clyde nang maihatid nya lamang ako rito at sinabing  kaya ko na raw mag-isa at may mas  importante  pa syang pupuntahan gusto Kong promotesta pero anong  magagawa ko..magagalit  lang sya kapag pinigilan ko sya sa mga gusto nya

"Aba! Girl..nagsasabi ako ng totoo  maganda ka talaga..bat mo pa kasi tinatago at huhulaan ko yang mata mo tinatago mo lang ng contact lens bat mo naman tinatago girl.." Hirit pa ng bading habang may nililista at muling sinusukat  ang bewang ko

"A-ayoko..Ayokong  ilabas may dahilan ako kung bakit ko tinatago ang katauhan ko.."

"At ano naman akets..share mo naman yan atey!!"

"I'm sorry Hindi ko maaring sabihin sayo.."

"Aww..its okay..lang..alam mo ang gago rin ng asawa mo..dapat sinasamahan ka nya rito..na turn off tuloy  ako..Gwapo pa naman sya.." Nanghihinayang na saad nya sabay  hawak sa heart na kunwaring iiyak

Napabuntong-hininga  na lamang ako at napayuko medyo marami na rin akong nasukat na gown at napili  ko rin ang gown na babagay sakin simple lang sya pero magandang  tignan Hindi masyadong bongga ang mga design

Marami kaming napag-usapan ng bakla at Alex ang pangalan nya pero Mas gugustuhin nya raw na tawagin syang Alexa kasi pusong Babae raw sya..

Pagkatapos nun kaagad akong nagpaalam para umalis na padaan na ako sa parking lot pero naalala ko na dala pala ni Clyde ang sasakyan kaya no choice kundi maghihintay na lang ng taxi

Sa pag-hihintay ko kaagad akong kinabahan dahil feeling ko may nag-babantay sakin at nararamdaman ko yun agad akong napahawak sa kwintas at muntik na akong mapasigaw ng may humila sa damit ko at nakita ko ang batang babaeng may dalang teddy bear

Luminga-linga ako at nagtaka kung nasan ang parents nya kaagad akong lumuhod para mapantayan sya

"Hello baby girl..where's your parents? Are you lost??" Tumango naman sya at marahang umiyak

"Shhh..don't cry baby hayaan mo tutulungan kitang mahanap sila... Ok  ba yun??" Bahagya naman syang ngumiti at tumango

"So..what is your name??"

"Winter.."

Magsasalita pa sana ako ng may tumawag na Babae at nanlaki ang mata ko nang mamukhaan ko sya..

"Winter.. I'm so worried san ka ba lumusot at nawawala ka na lang..at kayong tatlo bat Hindi nyo kasi sya binabantayan.."

"Mom..kasalanan ba namin na tanga sya.." Masungit na saad ng batang  lalaki at nakakabigla ang sinabi nya

"Yeah..sumasang-ayon ako sayo thunder.. Hindi naman namin kasalanan yun mom.." Sang-ayon naman ng isa

"Tsk..." Napangiwi naman ako sa sagot ng isa feeling ko ang tahimik nito  at Hindi mo makaka-usap ng matino 

"Tumigil kayo..lagot kayo sakin sa bahay at makakrating to sa papa nyo.."

Tumingin naman sakin ang Babae at humingi ng tawad at nagpasalamat

"Naku ok  lang yun..ahmm..actually familiar ka i-ikaw ba si  nianne Cervantes??"

"Ahh oo..kilala mo pala ako..pano mo nalaman?" Natutuwang tanong nya

"Ahhmm..ako si purple...--"

"Ohh..ikaw yung mapapangasawa ni Clyde Vermondo.." Pagpuputol nya sakin

"Napaka-swerte mo girl..ang hot nun..Grabe.." Swerte?? Kung alam nya lang

"Lagot ka mom..lumalandi ka pa.."

"Tumigil ka wave..nagpopogian lang ako at Hindi lumalandi..at baka nakakalimutan nyong may kasalanan pa kayo sakin.." Saad naman ni nianne at kaagad namang tumahimik ang bata at nagpipigil ng tawa

"Oh sya girl..uuwi na kami..pasensya na sa abala ha!.."

"Naku wala yun..actually, ang cute nila..sana magkaroon din ako ng anak katulad nila.."

"Naku..wag mo nang hilingin..sasakit  ang ulo mo..kung gaano sila kapasaway.." Natatawang sambit nya at tuluyan nang nagpaalam para umalis

Napangiti naman ako at napa-isip makaka-anak kaya kami ni Clyde.. Ano kaya magiging  reaksyon nya..tatanggapin nya ba??

Mapait akong napangiti at napatingin sa ulap..tingin ko malabong mangyari yun...

CRAZY LOVE  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon