Chapter 23

1.7K 30 0
                                    

Matapos ang kasalang  iyon..
Napagdesisyon ni Clyde na umuwi na kaagad sila sa pilipinas dahil marami pa raw syang trabahong naiwan roon 

Wag na raw mag honeymoon dahil nauna naman daw yun sa kasal na lalong ikinagalit ni dad kaya ang nangyari umuwi kami sa pinas ng may pasa sa mukha ni Clyde

At mas  lalo pa siguro madadagdagan ang pasa nya kung nakapunta sa kasal ko si kuya kaya, pasalamat na lang dahil Hindi ito nakadalo at maraming  inaasikasong trabaho

Tulad pa rin ng dati ako na naman ang mag-isa sa bahay at palagi akong iniiwasan ni Clyde na mas  lalong nasasaktan ako sa trato nya sakin Hindi ko lamang maramdaman  na asawa nya ko kahit kasal na kami

Nalinis ko na ang buong paligid sa loob ng bahay at masasabi Kong napakalungkot mag-isa parang  walang buhay ang bahay kapag Hindi masaya  ang nakatira dito lalo na si Clyde na bibihirang  umuwi dito dahil 2 beses sa isang linggo kung umuwi

At kung uuwi man sya naaabutan Kong lasing at palagi nya Kong pinagbubuhatan ng kamay kahit wala naman akong ginagawa sa kanya sadyang ayaw pa rin nito matanggap na ganap na mag asawa na sila

Agad akong naupo sa lamesa at inilapag ang pagkain ko roon  kaagad nag-init ang sulok ng mata ko nang mapansin  ko na ako na naman kakain mag-isa sa lamesang to'

Nakakatawa pero, pinangarap ko rin na sana makasabay ko si Clyde sa hapag-kainan na Hindi nya pa nararanasan na kumain kasama si Clyde dahil ni ayaw nito na kumain ng niluto nya at palaging  idadahilan na busog na raw ito kaya naman Hindi nya na ito pinipilit

Pero kahit ganon palagi nya paring ipinagluluto si Clyde at nilalagay nya na lamang ito sa lamesa at tinatakpan baka kasi biglaan itong umuwi at magutom at wala pa itong nagagalaw sa pagkaing  niluluto nya kahit isa kaya araw-araw rin syang napapanisan ng pagkain at itinatapon nya na lamang

Kaagad syang napalingon sa labas  nang makarinig sya ng doorbell,
dali-dali syang pumunta sa pinto at binuksan iyon at buong akala nya na si Clyde ang dumating kaya napawi ang iniisip nya at nagulat kung sino ang pumunta

"L-Lester..." Nagugulat Kong sambit habang pinagmamasdan ko syang nakangiti  sakin

"Hi..long time no see..purple.. Maputi  ka pala..at Hindi ako nagkamaling maganda ka.." Agad akong napatingin  sa braso at nagulat ako dahil nakalimutan  Kong maglagay ng foundation na katamtaman lang ang kulay ng di lumitaw ang maputi  Kong balat pero mukhang wala na yata akong dapat itago sa kanya , ang tanging  Hindi nya na lang nakikita ang tunay Kong mata na naka-contact lens habang naka salamin ako

"P-pano mo nalaman na dito ako nakatira??" Nagtataka  na tanong ko sa kanya

"I have many connection.." Nakangising saad nya

"So..stalker ka na nyan..ganon?!" Nakataas na kilay na tanong ko sa kanya na ikinatawa nya naman

"Your so funny purple.. By the way Hindi mo man lang ba ako papapasukin sa loob??"

"Kailan  pa ko naging clown aber..at pano kung ayoko.."

"Wow.. Maldita ka rin pala.. At bakit ayaw mo ko papasukin ang gwapong tulad ko.." Mahangin na saad nito

Magsasalita pa sana ako nang biglaang  pumasok na lamang ito at naupo sa sofa

"Ano ba! Sinabi ko bang pumasok ka agad..?!"saad ko at natawa naman sya sabay  na ipinatong ang paa  sa maliit na lamesa

" wala ka nang magagawa purple..nakapasok na ko ehh.. Tagal mo kasi ehh.. At balita  ko na kasal ka na kamusta naman ang buhay may asawa??

Agad akong natahimik  sa tanong nya at nalungkot sa totoo lang sobrang lungkot kahit napasakin  na sya ngunit Hindi ko pa rin sya maabot-abot

CRAZY LOVE  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon