chapter 3

2.5K 31 1
                                    

Nakatayo kaming  apat sa tapat ng Guidance councilor kanina pa nya tinatanong kung sino ang naunang nag-simula ng gulo ngunit walang makuhang tamang  sagot sa kanila

dahil Panay turo ang tatlo at sisihan sabay  bato  ng masasakit na salita para lang mapatunayan nila Jayne at cherry Mae na si  Verna talaga ang may pakana ng lahat at syempre Hindi naman nag-patalo si Verna at sa akin rin nya sinisisi na ako raw ang nag Simula ng gulo ngunit Hindi ko na ito  pinansin at pinatulan

Napahawak na lamang sa sentido ang guidance councillor namin at napagdesisyonan nya na bigyan kami ng parusa lahat total ayaw talaga umamin kung sino talaga ang nag-simula kaya  ang parusa...

Kasalukuyan kaming  nasa  banyo ng boys para linisin ito  at Hindi na ako mag tataka kung madumi ang banyo nila.

diring-diri silang tatlo dahil may nakita kaming  nagkalat na condom na Hindi man lang inilagay sa basurahan meron rin kaming  nakitang  ilang tissue na nagkalat rin at parang  ang tatamad nila tumapon sa basurahan
ang salamin ay  puro may sulat na pentelpen na animoy parang  walang mga papel at napagtripan nilang sulatan ang salamin

Napailing na lamang ako at ini-lock ang pinto para walang makapasok sa loob na lalaki mahirap na baka  Hindi kami matapos agad kung may iihi ritong  lalaki habang nag lilinis kami

Sinimulan ko nang  kumuha ng desk pun at walis  para linisin ang mga kalat todo  reklamo naman si Verna at napipilitang linisin ang salamin habang sila Jayne at cherry Mae walang humpay na ilang mura habang inililinis nila ang bowl

Paminsan-minsan naririnig ko na nagtatalo na naman ang tatlo at ibinabalik na naman ang nangyari kanina at Panay sisihan nila na kesyo dahil Hindi sana kami ngayon naglilinis na tatlo kundi si Verna lang sana. umuusok naman sa galit  si Verna dahil sa pagrereklamo ng dalawa

Nagkibit-balikat na lamang ako at ipinagpatuloy ko na lang ang Gawain ko gusto ko na rin kasi to matapos at Hindi na ako mag tataka kung makakarating ito  Kay dad at siguradong sesermonan nya na naman ako.

......

"Ano na naman tong nabalitaan ko na pinatawag ka na naman sa guidance office?? May ginawa ka na naman bang kahihiyan Purple??" Salubong sakin ni  dad pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay 

Naabutan ko syang naka-upo sa sofa habang umiinom ng kape

Kaagad akong napatungo sabay   napakagat labi dahil sa tingin ko Hindi nya nagustuhan ang nang-yari kanina

"Dad..believed me..Hindi ako nag-simula lahat..si Verna po ang nagsimula  ng lahat.." Mahinahon Kong saad at nakita ko naman si manang rosi na papalapit sakin at nakangiting kinuha sakin ang bag at pabalik na nginitian ko sya at binigay ko na sa kanya ang bag

Nabaling naman ang tingin ko Kay dad na hanggang ngayon seryosong nakatingin sakin napabuntong hininga na lamang ako

"Sorry..dad..kung sakaling guluhin pa ako ni  Verna iiwasan ko na lang po sya, ng sa ganon Hindi na po ako mapunta sa guidance sa susunod .." Paghingi ng paumanhin ko

Napabuntong hininga sya sabay  na tumayo at agaran na niyakap sinyales na pinatawad nya na ako napangiti naman ako at niyakap ko rin sya pabalik

" bukas na bukas may dinner tayo kasama ang parents ni  Clyde at pag-uusapan natin ang tungkol sa kasal  nyo.."

Pilit  akong napangiti dahil pakiramdam ko Hindi yata ako magugustuhan ng parents ni  Clyde dahil ngayon kinakabahan na kaagad ako at handa  akong tanggapin sa oras  na maging  asawa na ako ni  Clyde kahit na ipagtaboyan at saktan nya pa ako basta  para sakin Mahal ko sya..

CRAZY LOVE  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon