Chapter 30

1.8K 26 0
                                    

"Ohh hi purple.. Sabi na ikaw yan ehh.. Himala gumaganda ka lalo..bagay  na bagay  sayo ang mapuputi mong balat..at actually.. Napapatingin sayo yung mga binatang  doctor dito.." Saad ni nianne habang humagikhik pa agad naman bumaba  ang tingin ko sa tyan  nya at nakita Kong umumbok yun

"B-buntis ka..??!" Gulat na turo sa tyan  nya

"Ahh oo..actually.. 3 months na to' at umaasa akong maging  Babae sana ang kasunod.." Humihiling na saad nya

Agad nadako ang paningin ko kay err.. Thunder ba to'? Wave??

"Mom.. I'm just going to restroom.." Malamig na saad ng bata mukhang alam ko na kung sino to'

"O sige.. Ice.. Alam mo ba kung saan banda?? Kung Hindi pahatid ka na lang Kay daddy.." Tanong ni nianne sa anak at umiling lamang ang bata at dere-deretso nang tinalikuran kami papuntang  banyo

Bumaling naman ang tingin ni nianne sakin at saka ngumiti..nginitian ko rin naman sya

"Congratulations.. Pala sa kasal mo nianne.. Alam mo bang imbitado kami sa kasal mo at nasaksihan ko ang nangyari nung..matagal na Hindi dumating ang asawa mo sa altar.. At ikaw pa mismo ang nag-hintay..purple.. mahal ka ba ng asawa mo??" Walang prenong tanong nito na ikinalunok ko naman

"Ang totoo nyan.. Arranged married lang kami at napilitan lang na pakasalan ako ni Clyde.. Dahil sa nalulugi na rin ang company nila..at ginusto ko na matali  kami sa isat-isa kaya malaki ang galit nya na rin sakin..pero..Hindi pa rin ako susuko.. Sabi nila wala namang masama kung susubokan ng paulit-ulit.. Martyr man pero..ganon ko sya kamahal  kahit ano man ang husga at tingin ng tao sakin wala akong paki-alam sa kanila.." Mahabang saad ko naman tinignan naman ako ng deretso ni nianne na para bang nalulungkot para sakin sa relasyon namin ni Clyde

"Purple.. You're the woman who willing to fight for the love and you should learn to stop if you always hurt..mas  masakit kung bandang huli ay  malalaman mo ang katotohanan na wala na talagang  pag-asa.." Saad nya na ikina-iwas ko naman ng paningin

Ngunit kaagad kaming napalingon na dalawa nang marinig namin ang boses  ng isa sa anak ni nianne

"What the Fuck!!..are you blind.. Why did you!?? Arghh this is my favorite T-shirt.. Your so stupid!!" Galit na galit na saad ni thunder.. Habang pinupunasan ang natapong ice cream sa damit..sya lang naman ang mainitin  ang ulo sa kambal

"S-sorry.. Po.." Nakayukong saad ng batang  Babae habang hawak ang kapa  ng ice cream na ngayo'y wala nang laman  at natapon yun lahat sa damit ni thunder na ngayo'y umuusok na sa galit

"I don't need your sorry..stay away from me.." Galit na saad nito habang tumatawa naman ang isa nya pang kambal na si wave

"Haha..dude..bulag naman talaga sya ehh..kaya pagpasensyahan mo na lang at saka ang ganda nya kaya.. Susungitan mo lang.. Tanga ka rin ehh..ang lawak ng daanan Hindi ka umiwas.." Mapang-asar na saad ni wave Kay thunder at sumama naman ang tingin nito

Napansin ko nga rin ang batang  Babae.. Mukhang bulag nga sya dahil may hawak pa itong tungkod..ngunit maganda ang bata at bagay  na bagay  sa kanya ang natural na kulot na buhok sa bandang balikat nito

"P-purple..pasensya na ha!? Mukhang may aayusin pa akong gulo..natutuwa ako at nagkita  tayo ngayon..pwede bang pakurot muna..mukha kasing pinaglilihian kita..ang ganda mo kasi.." Sabay kurot nya sa pisngi ko na ikinangiwi ko naman sa sakit at sabay na umalis na at pinagsabihan na ni nianne ang anak na sakto naman dumating na rin ang asawa buhat  si winter kasunod doon  si ice

Agad akong tumalikod at napagdesisyonan na balikan muli  si Clyde sa room nya at sakto pagkapasok ko ay  wala na ang barkada ni Clyde at naabutan ko syang hawak lamang ang cellphone at Napa tingin sakin at tinawag  ako para lumapit agad naman akong naupo sa tabi nya

CRAZY LOVE  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon