Chapter 27

1.6K 31 0
                                    

Third person:

Agad na napamulat si Clyde at nakaramdam ng hilo, masyado  yatang naparami ang inom nito na parang  pinokpok ng sampong martilyo ang ulo nya sa sakit na nararamdaman nito

Akmang tatayo na sya nang mapansin  nyang may mabigat na nakadagan sa dibdib nya

Bahagya itong nagulat nang makita ni Clyde ang asawa..kahit labag man sa loob nito Hindi naman maipagkakaila na asawa naman nya talaga ito

At kahit anong pagpapahirap na gawin nya rito ay  wala pa yatang balak na sumuko

Napatitig sya sa Babae na hanggang ngayon ay  mahingbing pang natutulog 

Ngayon lang nito napansin na maputi  pala ang balat nito at ang pinagtataka nya ay  kung bakit tinatakpan pa nito ang tunay nyang pagkatao  na meron rin naman palang ibubuga

Nagbaba ang tingin nya sa labi nito na ikinalunok ng lalaki kaagad na inalis  nya ang tingin nya rito at nilibot ang paningin sa ibang bagay 

Siguro kailangan nyang magparaos sa ibang Babae

Ngayon nya lang napansin na nagkalat sa lamesa ang pinaggamitan nitong mga gamot at Band-Aids

Na mabilis naman nyang kinapa ang mukha na ngayo'y may benda ang ilang pasa sa mukha nya

Gusto naman nitong gisingin ang kaso mukhang pagod na pagod pa ito sa pag-asikaso sa kanya kagabi

Kaya minabuti na lamang nito na dalhin sa kwarto at pinabayaan na patulugin ang Babae

Agad syang nakaramdam ng gutom at pumunta ng kusina para maghanap ng pagkain

Laking  gulat nito nang maraming  pagkain sa ref at mukhang masasarap
Naisip nito na baka hinintay na naman sya ng asawa para sabay  sila na kumain

Naisip nya na wala naman sigurong masama kung susubok sya na kumain ngayon ng niluto ng asawa

Total ngayon na syang nakaramdam ng gutom at matatagalan pa kung magpapadeliver pa sya ng pagkain

Agad nya na kinuha sa ref ang dalawang putahe at saglit na ininit  nito para mas  masarap na kainin

Nagtimpla naman sya ng kape para mabawasan ang hangover na nararamdaman nya

.....

Nang matapos na syang kumain agad syang tumungo ng banyo para maligo at pagkatapos ay  nagbihis ng pang-opisina na may i-meet pala silang kilalang investors

Agad na bumaba  sya ng matapos nyang ayosan ang sarili dala  ang briefcase at napalingon sya sa sala  na naka-upo doon  si purple

Na humarap naman ito at nilapitan sya ngayon ay  balik na naman sa dating itsura ang asawa

"M-maayos na ba ang pakiramdam mo??" Tanong nito na ikinaiwas ni Clyde ngayon lang sya nakaramdam ng ilang ng matitigan sa malapitan ang asawa ayaw nyang pagmasdan ang labi nito na natural lang ang rosas  na  kulay  at baka Hindi na nito mapigilang dakmain ang labi nito

Bastos man ay  iniwan na lamang ang asawa at dali-daling lumabas ng Hindi nagpapaalam rito

.........

Purple POV:

Kaagad ako nakaramdam ng lungkot nang  tinalikuran lamang ako ni Clyde na Hindi nagawang magpaalam 

Napabuntong-hiniga na lamang ako at agad na tinungo ang kitchen para tignan sa ref ang niluto ko kung panis na at nang maitapon

Agad ko namang inamoy at napansin kung malapit nang mapanis kaya wala na Kong magagawa kundi ang itapon na lamang kahit marami ang niluto ko para sa kanya

Agad Kong nasapo ang ulo ng maalala Kong graduation na namin shit! Hindi pa ko nagbibihis at isang oras na lang ang natitira para makapunta ako dun

Dali-dali akong nag-ayos at palihim ko na ring kinuha ang susi ng isang kotse ni Clyde para di na ko maghihintay  ng sasakyan

Pasensya na asawa ko! Kailangan ko kasi talaga ehh..

Pababa na sana ako ng muntik ko nang makalimutan ang toga kaya saglit akong bumalik ng kwarto at saglit na humarap sa salamin sabay  na pinasadahang inayos ang contact lens at halos talunin ko na ang hagdan makarating lang ako sa sasakyan na agad ko namang pinaharurot paalis

Sakto tumunog naman ang cp ko at agad ko namang sinagot at ni-loudspeak

"H-hello--"

"Fuck! Purple.. Nasan ka na!? Magsisimula na magbigay ng diploma..wala ka pa rin!!" Singhal ni kuya na ikinangiwi ko

"K-kuya?? Kailan  ka pa--"

"No more question purple.. Kanina ka pa namin hinihintay ni dad..kaya Dalian mo.." Mainitin  na saad nito

"S-sige..papunta na ko dyan.." Saad ko at pinatay ang tawag na mabilis ko namang pinaandar

....

Agad akong bumaba  ng kotse pagkarating ko at kahit gustong-gusto ko nang liparin na lang papunta sa loob makarating lang sa graduation at baka tatawagin na ang pangalan ko sa pagkuha ng diploma

Sakto pagkarating ko ay  tinawag na nga ang pangalan ko at naghihintay na Ron sa unahan sila dad

Kahit na naghihikaos na ko sa pagod ay  tinakbo ko na makarating sa stage at mabilis na lumapit kila dad at kuya na masama ang mga aura

Ngumiti na lamang ako ng pilit  at tinanggap  ang diploma sinuotan naman nila ako ng medal at mabilis na nagpapicture kami sa tapat ng camera

Sobrang saya  ko dahil sa wakas natapos  na rin ang ilang paghihirap ko at nakakapagod din talaga ang maging  studyante

Kaagad naman pumasok sa isip ko si Clyde na sana ay  umattend lamang sya sa graduation ko, siguro nakalimutan  nya dahil palaging sobsob sa trabaho

"Your late purple.." Saad ni dad na ikinalingon ko sa dalawa

"Ang buong akala ko ay  Hindi ka na aabot.." Saad ni kuya habang binubuksan ang mineral bottle

"Napasarap kasi ang tulog ko ehh..pasensya na po.." Saad ko naman na ikinataas ng kilay ng dalawa, gusto Kong mapairap dahil masasabi Kong mag-kaugali talaga sila

"Yan lang ba talaga ang dahilan..?" Nanghihinalang saad ni kuya

"Oo na! Inalagaan ko pa si Clyde kagabi.." Naiinis na saad ko na ikinatawa nito

"Haha! By the way.. A-attend ka ba sa Grad ball nyo??" Tanong uli  nito at saglit ko namang nilingon si dad na may kausap na iba bago ko sinagot si kuya

Ngunit napatigil ako nang tumunog muli  ang cp ko saglit akong lumingon Kay kuya at nagpaalam para sagutin ang tawag

Agad akong tumalikod at pumunta sa lugar na walang maingay dahil sa lakas ng tugtog sa loob

"Hello.." Saad ko habang naglalakad papalayo

"Hello..ikaw ba ang asawa ni sir clyde girl??" Napakunot ako ng noo nang boses  bakla  ang sumagot 

"Oo bakit??"

"Girl..ang magandang  secretary nya to! Dalian mo atey! Na hospital si fafa Clyde..."

Agad akong nabigla at nabitawan ang cellphone nang mabalitaan ko ang nangyari sa asawa ko

CRAZY LOVE  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon