THE LEGENDARY PRINCESS

109K 2.6K 44
                                    

Maraming taon na ang nakalipas matapos ang paglalaban laban ng dalawang panig. Ang Light Charmwizard at ang mga Dark Charmwizard. Marami ang namatay at marami ang nasugatan. Natatalo na ang mga Dark Charmwizard noon dahil hindi nila kaya ang mga Light Charmwizards. Sa ginta ng labanan napatigil ang lahat ng may nakasisilaw na liwanag ang bumalot sa buong lugar. Ang lahat ay nagulat dahil nakita nila ang babaeng sa libro lang nila nakilala.

Ang Legendary Princess.

Ang Legendary Princess ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Binalot ng nakasisilaw na liwanag na mula sa Legendary Princess ang buong lugar. Muling nabuhay ang mga Light Charmwizards ay patay na. Ang mga Dark Charmwizards naman ay nawala nang parang bula.

Matapos ang labanang iyon, nasaksihan ng lahat ang unti unting pag lalaho ng Legendary Princess sa kalangitan. Nag laho ang siya dahil pinag aagawan din siya ng dalawang panig kaya napag desisyunan niyang mag laho na lang sa mundo. Kasabay ng pag lalaho nito ang permanenteng pagkawala ng alala ng mga nilalang noon. Pinalitan nito ang alaala na ang Legendary Princess ay hindi totoo at kathang isip lamang.                

WORLD OF CHARMWIZARDS

Mag kasamang naninirahan dito ang mga Light Charmwizard at Dark Charmwizard noon. Ngunit dahil sa nais ng mga Dark Charmwizard na sila ang mag hari sa mundong ito kaya nagkaroon ng labanan. Sa paglaho ng Legendary Princess 'yon naman ang dahilan kung bakit nahati sa dalawa ang World of CharmWizards.

Sa Hilaga ang Light CharmWizard, sa Timog naman ang Dark CharmWizard.

May isang gubat na pumapagitna sa Hilaga at Timog. Ito ang gubat na mapanganib. Lahat ng pumapasok dito ay hindi na nakalalabas. Tinatawag itong FORBIDDEN FOREST

May kapangyarihang bumabalot sa lugar ng mga Light Charmwizard kaya walang Dark Charmwizard ang nakapapasok dito. Pinaniniwalaan ng mga Light Charmwizard na pinoprotektahan ang lugar nila ng Legendary Princess kahit alam nilang kathang isip lang ito .

THE LEGENDARY PRINCESS (Revising) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon