S I X

39.6K 1.5K 14
                                    

◇×◇×♡♡×◇×◇

Kabanata VI: Golden Snake

(Gabrielle’s POV)

Gulat na gulat pa rin kami sa nakita namin.

Halos hindi na kami makagalaw sa kinatatayuan namin.

Bakit?

Ano ang nangyari?

G—Girls..”

Napahawak si Alison sa braso ko. Ramdam na ramdam ko ang nanginginig na kamay niya.

W-What happened?” tanong sa‘min ni Alison.

Hindi namin alam Alison. Magkakasama tayo kanina kaya ‘wag mo kaming tanungin.

Si Sandy ‘yung sumagot .

Lumapit ako sa estudyante na nakahiga sa sahig. Inilapat ko ang kamay ko sa leeg niya.

Patay na siya.”

Napasinghap silang tatlo sa sinabi ko. Tinitigan ko ang estudyanteng wala ng buhay. Nakadilat pa rin ang mga mata nito habang hawak hawak pa rin niya sa kamay niya ang wand niya.

Ibig sabihin siya ang nakita ko dito kanina pero bakit siya nandito? Ano ang ginagawa ng isang estudyante dito ng ganitong oras?

Sinundan ko ng tingin ang direksyong tinuturo ng wand niya.

Tumingin ako sa kisame na tinitingnan ng kanyang mata at tinuturo ng kanyang wand.

Imposibleng sa kisame eh.

Hmmm..

Napatingin naman ako sa katapat kong isang pader.

Posible kayang nakatayo siya at nakaharap dito sa pader na ito bago siya mawalan ng buhay? Pero bakit siya namatay? Ano ang ikinamatay niya?

Lumapit ako sa pader at tinitigan ko iyon nang mabuti. May nakaukit doon.

Isang ahas? Para saan ang ahas na nakaukit dito?

Sa pag titig ko pa, napansin kong hindi lang ito basta basta pader lang. Siguro isa itong pintuan? Kinuha ko ang wand na nakasuksok sa bewang ko, umatras ako nang kaunti mula sa pader.

Gabrielle ano ang gagawin mo?”

Hindi ko pinansin si Sandy.

Sinimulan ko nang ikumpas ang wand ko at bumigkas na ako ng spell.

Avraa Kadavra!

Walang epekto ang spell na binigkas ko. Hindi man lang nasira ‘yung pader! Tsk.

Ano bang ginagawa mo ha Gabrielle!? Bakit ka bumigkas ng spell!? Baka maramdaman ng Headmaster ang pwersang pinakawalan mo!

Nginitian ko lang si Sandy na galit na galit dahil sa ginawa ko.

Tch. Wag kang mag alala. Mahinang pwersa lang ang ginamit ko para doon sa spell na ‘yon kaya hindi ‘yon mararamdaman ng Headmaster.

Paano ko ba kasi masisira ‘tong pader na ‘to?

Bakit mo ba ‘yon ginawa?

Naisip ko kase na baka lagusan ‘yang pader na ‘yan. sagot ko habang nakatingin sa pader.

Mukha namang naguluhan silang tatlo sa sinabi ko.

THE LEGENDARY PRINCESS (Revising) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon