E L E V E N

38.7K 1.3K 23
                                    

◇×◇×♡♡×◇×

Kabanata XI

(Gabrielle’s POV)

Umalis na si Alison pero nanatili pa rin akong nakaupo at nakayuko. Hindi ko pa rin talaga matanggap kung bakit nagawa ’yon ni Sandy. Alam kong para sa iba napakababaw ng dahilan ko para magalit sa kanya pero ano ang magagawa ko?

Uubusin mo ba talaga ang luha mo sa kaiiyak mo?”

Napaangat ang ulo ko at tumingin sa nagsalita. Tinitigan ko lang siya. Medyo brown ang buhok niya at ganoon din ang kanyang mga mata.

Teka! bakit ko ba siya tinititigan? Yumuko ulit ako at niyakap ko ang mga tuhod ko.

“Oh. Kunin mo ’to. Sa‘yo na yan.”

Tiningnan ko ang binibigay niyang lollipop.

Sige na kunin mo na ’yan bago pa magbago ang isip ko.”

Binuksan niya ang lollipop at inabot niya sa‘kin. Kinuha ko naman at isinubo iyon.

Alam mo ba na kapag nalulungkot ako kumakain lang ako ng lollipop?”

Tiningnan ko siya na para siyang baliw. Tinawanan niya lang naman ako.

Nakatutulong kasi ang lollipop para mabawasan ang lungkot na nararamdaman ko. Minsan ice cream o kaya chocolate ang kinakain ko. Subukan mo ’yon kapag malungkot ka. Malay mo effective ’di ba?”

Nginitian niya ako. ’Yung ngiti niya kulang na lang umabot sa may tenga niya.

“Ako nga pala si Elrick Zardia. Ikaapat sa Four Kings.”

Inilahad niya ang kamay niya, tinanggap ko naman iyon.

Gabrielle Sapphire Aphrodite Amethyst Gwibowskie.”

Nginitian niya ulit ako. Lumipat siya ng pwesto at tumabi sa akin. Humiga pa siya sa damuhan habang kinakain niya ’yung lollipop niya.
Wala bang sira ngipin ng lalaking ’to?

Alam mo ba na kilalang kilala ang mga magulang mo?”

Tumango naman ako.

Ang iyong ama ang hinahangaan ko sa lahat. Magaling siya sa lahat ng bagay sabi sa akin ng aking ama, naging magkaibigan din kasi sila.”

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kaya hinahayaan ko lang siyang magsalita.

Siguro nabalitaan mo na ang tungkol sa Four Kings?”

Naalala ko ’yung kwento ni Alice sa‘min tungkol sa apat na lalaking pinagkakaguluhan dito sa Light Magic.

Sabi nila hilig n’yo raw pag-tripan ang kahit sino.”

Ngumiti siya at ipinikit ang kanyang mga mata.

Oo totoo ’yon. Ginagawa nga namin yon.”

Pero bakit?”

Idinilat niya ang mga mata niya at tumingin sa akin.

Ang buhay ng kabataan ay hindi kompleto kapag walang ganoong pangyayari sa buhay. Ginagawa namin silang pagtripan hindi para sa pansarili naming kaligayahan. Pinag ti-tripan lang namin ang mga tulad nating estudyante na hindi maganda ang pag uugali.”

THE LEGENDARY PRINCESS (Revising) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon