T W O

61.1K 1.8K 63
                                    

◇×◇×♡♡×◇×◇

Kabanata II: Book of CharmWizards and Casters

(Gabrielle’s POV)

Nandito kami ngayon sa tindahan ng wand. Pagpasok namin napatingin agad sa‘kin ‘yung matandang babae. Siya yata ang may-ari ng tindahan na ‘to.

Gabrielle Gwibowskie.

Sabi niya na parang manghang-mangha dahil nakita niya ako. Paano niya ako nakilala?

Isang karangalan ang makita ka.

Kumunot ang noo ko.

Huh? Isang karangalan daw? Eto talagang si Lola kailangan na yata mag pagamot. Kung ano ano na kasi ang pinagsasabi eh.

Kamukhang kamukha mo ang iyong ina.

Bahagya akong natigilan. Ang aking ina? Kilala niya ang aking ina?

Ahm pasensya na po kung puputulin ko muna ang pag uusap ninyo pero kailangan na po kasi naming mag madali baka po pagalitan kami ng Headmaster. sabi ni Sandy.

Naiintindihan ko. Sige sandali lang.

Umalis na ‘yung matandang babae. Pagbalik niya, may dala na siyang maraming kahon.

Ilang sandali pa, nakakuha na sila Sandy ng wand nila pero ako hindi pa.

Sandy mukhang walang wand na para sa‘kin dito.” malungkot na sabi ko.

Ang wand ang mismong pumipili sa magmamay-ari sa kanya. Mabilis lang nakakuha ng wand si Sandy pero ako hindi.

Gab! Ano ka ba? CharmWizard ka kaya imposibleng walang wand na para sa‘yo. Saka ito lang ang nag-iisang tindahan ng wand sa buong lugar kaya wala ka nang iba pang mabibilhan ng wand na magagamit mo.” sabi ni Sandy.

E kanina pa kaya ako kuha nang kuha ng wand pero wala talagang para sa‘kin *pout*

Kapag hinawakan mo raw ang wand, makakaramdam ka raw ng kaunting kuryente sa kamay mo na nanggagaling sa wand na hawak mo, ‘yun ang tanda na ang wand na hawak mo ay para sa‘yo pero wala pa akong nararamdamang kuryente sa lahat ng wand na nahawakan ko.

Sandali lang.

Napatingin kami ni Sandy sa matandang babae na papunta ngayon sa mga lalagyanan ng iba pang wand.

Umakyat siya sa hagdan at kinuha ang isa pang kahon. Mukhang nag aalinlangan pa siyang ibigay sa‘kin ‘yon.

Bumaba na siya sa hagdan at bumalik na.

Ito, subukan mo ito hija.sabi niya sa‘kin habang nakalahad ang kaniyang kamay na may hawak na kahon.

Tiningnan ko ang kahon na hawak niya. Kakaiba ‘to sa mga kahon kanina. Ang kahon na ito ang may nakaukit na kulay ginto sa gilid. Binuksan ko ang kahon at kinuha ang wand na laman nito.

Nang hawakan ko ang wand, may naramdaman akong kakaiba. Parang biglang gumaan ang pakiramdam ko. Akala ko ba may parang kuryente akong mararamdaman?

Humangin bigla ang paligid ko kahit nakasara ang bintana at pintuan ng tindahan. Napasigaw naman si Alison nang biglang kumulog ng malakas. Nakita ko rin na nag liwanag ‘yung wand na hawak ko.

Nagliwanag? E bakit kanina ‘yung wand nila Sandy hindi naman nag liwanag?

“Gabrielle, ‘yung pilat mo nagliliwanag din!” sabi ni Sandy na parang takang taka.

THE LEGENDARY PRINCESS (Revising) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon