F I V E

44.2K 1.6K 29
                                    

◇×◇×♡♡×◇×◇

Kabanata V

(Gabrielle's POV)

Iminulat ko ang mga mata ko, napatingin ako sa malaking orasan na nasa pader.

7:00pm na?!

Teka...

Nasaan ako?

Puting kisame ang bumungad sa'kin.

Nasaan ba kasi ako? Patay na ba ako?

"OHMYGOSH! SANDY! ALICE! BABY GABBY IS AWAKE NA!"

Napatakip na lang ako sa tenga ko. Ang sakit sa tenga ng sigaw ni Alison.

"Kamusta na ang lagay mo Gabrielle?" tanong sa'kin ni Sandy paglapit niya.

"A-ayos na. Nasaan ba ako? Ano ba ang nangyari sa'kin?" tanong ko sa kanila.

Nasaan ba kasi ako?

"Nasa ospital ka ng school." sagot sa'kin ni Sandy.

Ospital?

"Bakit ako nasa ospital?"

Wala akong maalala. Ano bang nangyari?

"Hindi mo ba naaalala? Tumakbo ka palabas ng room natin kanina dahil natapunan mo si Drey ng tubig tapos matagal kang nawala hmm.. Mga 30 minutes yata. Tapos nagulat kami kasi nagpunta ka sa cafeteria tapos nung sesermonan ka na ni Sandy nagulat na lang kami bigla kang hinimatay."

Napatingin ako bigla kay Alice. Ako hinimatay?

"Saan ka ba kasi nag punta? Alalang alala na kami sa'yo kanina." sabi ni Sandy.

Sa pag iisip ko bigla ko na lang naalala 'yung death eater na nakalaban ko kanina.

"Death Eater." sabi ko.

Napatingin naman bigla sa'kin sila Sandy.

"DEATH EATER?!" sigaw ni Alison.

Napalingon ako kay Alison. Hindi ko siya masisisi kung OA ang reaksyon niya. Sa pag kakaalam ko kasi hindi nakakapasok ang mga Death Eater o kahit ang mga Dark Charmwizards mga lugar na hindi nila nasasakupan kaya imposibleng makapasok sila lalo na dito sa Light Magic.

"Oo Death Eater nga. Nakalaban ko siya kanina."

"P-pero paano? Bakit? Paanong nakapasok ang Death Eater dito? Protektado ang lugar na ito ng spell ng Headmaster kaya imposible." sabi ni Alice.

"Hindi ko rin alam kung paano." sagot ko. Tumayo ako sa pagkakahiga ko.

"Teka Gabrielle! Saan ka pupunta?" tanong sa'kin ni Sandy.

"Sa Headmaster's Office. Dapat malaman niya na nakapasok ang Death Eater dito sa school."

"Sasama kami sa'yo Gabrielle."

◇×◇×♡♡×◇×◇

*HeadMaster Office*

Pinapasok na kami ni Lucious dito sa office ng Headmaster.

"Gabrielle nabalitaan ko ang nangyari sa'yo. Ayos ka na ba?"

"Opo Headmaster. Nagpunta lang po kami dito dahil may dapat po kayong malaman." panimula ko. Nakita ko naman kung paano sumeryoso ang mukha ng Headmaster.

THE LEGENDARY PRINCESS (Revising) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon