F O U R T E E N

37.9K 1.3K 82
                                    

◇×◇×♡♡×◇×

Kabanata XIV: Peculiaduine

(Gabrielle’s POV)

Mabilis akong tumalon palayo sa malaking gagamba para maiwasan ang pag atake nito.

Kinikilabutan ako dahil sa napaka laki niya, kulay itim at punong puno pa siya ng balahibo.

Umatake muli ang gagamba pero mabilis kong ikinumpas ang wand na hawak ko at bumigkas ng spell.

“Clipeus!”

Nagkaroon ng malaking harang sa harapan ko na nagsisilbing proteksyon kaya‘t nasalag nito ang atake ng gagamba, sa muling pag atake ng gagamba ay nabasag na ito. Ikinumpas ko muli ang wand at muling bumigkas ng spell.

“Omdanne Verto!”

May lumabas na asul na liwanag sa dulo ng wand ko at dirediretso ito papunta sa malaking gagamba. Nang matamaan ang gagamba,  nabalot ito ng asul na liwanag. Nang mawala ang liwanag na iyon, ang kaninang malaking gagamba ay naging isa na lamang kahoy.

Naramdaman ko na may tumitingin sa‘kin nang masama kaya tumingin ako sa bandang likuran ko. Nakita ko si Drey Zoldyck na masama ang tingin sa‘kin. Ano na naman ba ang problema niya? Inirapan ko na lang ang lalaking ’yon dahil hanggang ngayon masama pa rin talaga ang tingin niya sa‘kin.

Tatakbo na sana ako papunta kila Sandy na nilalabanan ang nag iisa na lang na Death Eater pero napahinto ako nang biglang may lumabas na itim na usok sa harapan ko. Nang maglaho ang usok na iyon ay isang napakalaking ahas ang bumulaga sa‘kin. Pulang pula ang mga mata nito at itim na itim ang mga balat.

Napatitig ako sa pulang mga mata ng malaking ahas na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang nanghihina ako habang nakatitig ako sa mga mata nito.

“GABRIELLE! UMALIS KA NA D’YAN!”

Rinig kong sigaw ng Headmaster. Ramdam ko ang takot sa boses niya. Gusto ko mang umalis pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko. Parang ang buong katawan ko ay nanigas.

Unti unting inilapit ng ahas ang ulo niya sa akin hanggang sa maging dalawang metro na lang ang layo nito.

Dahan dahan akong lumayo habang nakatingin pa rin sa ahas .

“Ssss..Ssss...Sss.. ”

Tunog ng malaking ahas. Hindi na ako nagulat nang maintindihan ko ang sinasabi niya.

“Malapit na...Malapit na.”

“GABRIELLE!

Hindi ko pinansin ang sigaw ng Headmaster. Tinitigan ko lang ang ahas at kinausap siya.

“Sss..Ssss...Ssss...”

[Ano ang ibig mong sabihing malapit na?]

“Sssss..Sssss..Sssss..”

Hinihintay ka na niya..”

Napakunot ang noo ko.

“Ssss..Ssss..Ssss..”

[Sino ang naghihintay sa‘kin?]

Hindi na nasagot ang tanong ko nang biglang naging itim ang mata ng ahas na kanina ay kulay pula.

                         ◇×◇×♡♡×◇×◇

(Third Person’s POV)

Ang lahat ay takang taka kung ano ang ginagawa ni Gabrielle. Lahat sila ay nakatingin sa kanya maging ang Four Kings.

“Kinakausap niya ang ahas? Akala ko ba si Serpentin lang ang kaya niyang kausapin?” tanong ni Alice.

“Si Gabrielle ay isang Peculiaduine.” maikling sagot ni Sandy.

“Ano naman ‘yon?” tanong ulit ni Alice .

“Peculiaduine ang tawag sa mga tulad ni Gabrielle na may kakayahan na wala sa iba o sa lahat, isa na roon ang kayang intindihin at makipag usap sa ahas o iba pang hayop.”

“Ang cool!sabay na sagot ni Alice at Alison.

 ◇×◇×♡♡×◇×◇

Nagulat ang lahat nang biglang atakihin ng malaking ahas si Gabrielle. Naglabas ito ng likido mula sa bibig nito. Hindi naman nakaiwas agad si Gabrielle kaya nagkaroon ng likido ang kasuotan niya. Nagulat naman sila Sandy nang makita nilang nalulusaw ang dulo ng kasuotan ni Gabrielle.


“Ang ahas na ’yan ay tinatawag na Xerpentia, ’yan ang kambal ahas ng Seryapente na pagmamay-ari ng Light Charmwizards. Ang Xerpentia naman ay pagmamay-ari ng mga Dark Charmwizards. Ang likidong galing sa bibig ng ahas na ’yan ay isang matinding asido. Nagagawa ng asido na iyon na tunawin ang lahat ng bagay sa loob lamang ng tatlong segundo.” paliwanag ni Sandy.

Gulat din ang makikita sa mata ni Gabrielle. Biglang naging agresibo ang ahas na kahit anong oras ay handa na siya nitong kainin nang buhay.

Tinitigan muli ni Gabrielle ang mata ng ahas. Kahit anong pilit na pag iwas niya ng tingin ay hindi na niya magawa. Habang nakatitig siya sa itim na itim na mata ng ahas ay nakikita niya ang mga pangyayari na nangyari na noon.

Maraming nag aagaw buhay na nakahiga sa lupa. Marami rin ang patay na. May mga nakikipag laban at pinapatay pa lang.

Naikuyom niya ang mga kamay niya.. Alam niya ang pangyayaring ’yon. ’Yon ay noong nagkaroon ng digmaan ang mga Charmwizards labat sa isa‘t isa.

Mas lalo naman niyang naikuyom ang kamay niya nang makita niya ang isang lalaki na nakahiga sa damuhan. Hindi siya maaaring magkamali. Alam na alam niya ang mukhang iyon ng lalaki. Kilalang kilala niya iyon. Iyon ang lalaking laging nasa panaginip niya.

“Ama...” ang salitang tanging lumabas sa kanyang bibig.

Kitang kita niya kung paano mag hingalo ang kanyang ama hanggang sa mamatay ito.

“Ilayo n’yo si Gabrielle sa Xerpentia! Lalasunin ng ahas na ‘yan ang pag iisip ni Gabrielle! ’Wag na ’wag n’yong hahayaang matitigan niya nang matagal ang itim na mata ng ahas!”

Sigaw ni Agustus. Mabilis namang tumakbo papalapit sila Stevan sa kinaroroonan ni Gabrielle ngunit napahinto sila nang biglang gumalaw ang lupa.

“LUMILINDOL!!”

Sigaw ng isang estudyante. Napatingin sila Sandy kay Gabrielle na ngayon ay unti unting lumulutang.

“Mauulit na naman ba ang nangyari sa cafeteria?” takot na tanong ni Alice.

Palakas nang palakas ang pagyanig ng lupa habang pataas nang pataas ang pag lutang ni Gabrielle. Matinding lungkot at galit ang nararamdaman niya.

Kitang kita rin niya kung paano namatay ang kanyang ina nang tinitigan niya muli ang itim na mata ng ahas.

Ang Xerpentia ay isang uri ng ahas. May itim na itim na balat ito na kumikintab. May dalawang kulay ang mata nito, ang totoong kulay ng mata nito ay pula. Ang ikalawang kulay ay itim. Ang itim na mata nito ay nagagawang lasunin ang isipan ng nilalang na makakakita ng matang iyon. Nagagawa rin nitong ipakita ang nakaraan. Ang likido naman na lumalabas sa bibig nito ay matindi pa sa asido ang epekto. Sa loob lamang ng tatlong segundo ang lahat ng bagay o nilalang na matatamaan ng likidong iyon ay matutunaw.

Patuloy lang ang malakas na pagyanig ng lupa. Mas lalo pang lumakas ang yanig na iyon nang sumigaw si Gabrielle dahil sa sobrang galit at lungkot na lumalamon sa kalooban niya.

◇×◇×♡♡×◇×◇


Published on 20th of November, 2017.
Revised on 8th of July, 2021. 11:23PM
                                  
    
                          ◇×◇×♡♡×◇×◇

THE LEGENDARY PRINCESS (Revising) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon