T W E L V E

39.4K 1.4K 69
                                    

◇×◇×♡♡×◇×

Kabanata XII

(Gabrielle’s POV)

Agad akong naligo pag gising ko. 10 minutes late na rin kasi ako. Paglabas ko ng kwarto nakabihis na rin sila Alison.

“Good Morning Baby Gabby.”

“Good Morning Gabrielle.”

Bati nila Alison at Alice sa‘kin. Nginitian ko lang sila. Nang mapansin kong lalapit sa‘kin si Sandy agad akong dumiretso sa pintuan.

“Ge, una na ako.”

Nakita ko kung paano lumungkot ang mukha ni Sandy at napaupo siya sa sofa. Agad naman siyang nilapitan ni Alison.

“Okay lang ’yan Sandy Babe.”

Sorry Sandy pero wala pa akong lakas ng loob para kausapin ka.

Dumiretso ako sa classroom namin.

“Good morning Sir Agustus.” bati ko kay Sir. Nginitian niya ako bago mag salita.

“Nasaan sila Miss Crandei?

“Nasa dorm pa po.”

Lumakad na ako papunta sa upuan ko nang bigla akong natalisod.

*BLAAAAAG !!*

“HAHAHAHAHAHA!!”

Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa nangyari.

“Oh! Gabrielle? What happened to you? Ayan kase hindi ka nag iingat.”

Sabi ni Halley Iyzoni.

“Gabrielle are you hurt?” tanong ni Sir Agustus sa‘kin.

“Sir! Ano bang klaseng tanong yan? Malamang na-hurt po ako. Try n’yo po kaya ’yung nangyari sa‘kin tapos tatanungin ko po kayo kung na-hurt kayo? Ano Sir gusto n’yo subukan?”

Napangiti lang si Sir at naiiling. May gana pa siyang ngumiti kahit na pinilosopo ko siya? Ibang klaseng professor naman ’to.

GABRIELLE!”

Lahat kami ay napatingin kay Jeyrick na tumatakbo palapit sa‘kin.

“What happened? Are you okay?

Isa rin pala ‘tong si Elrick. Malamang hindi ako okay. May nasaktan bang okay?

“Tatanga tanga kase yan.” sabi ni Halley na ngayon ay umupo na sa upuan niya.

“Ikaw ang may kagagawan nito ’no?!” galit na tanong ni Elrick kay Halley.

“ME? *turo sa sarili* Oh c'mmon! Of course not!maarteng sagot niya na may kasama pang pag irap. Kung nasa kondisyon lang ako, kanina pa nakatikim sa‘kin ang babae na ’to e.

“TELL ME THE TRUTH! IKAW ’DI BA?!” sigaw ni Elrick.

“Okay! Fine! Ako na ang may gawa but it‘s not my fault! Kasalanan ko bang tanga siya? Siya ’yung hindi tumitingin sa dinadaanan niya. At ano ba ang pakialam mo ha Elrick Zardia? Sa pagkakaalam ko hindi dapat nakikialam ang Four Kings sa mga ganito so MIND.YOUR.OWN.BUSINESS.”

Kitang kita ko kung paano naikuyom ni Elrick ang mga kamay niya. Lumapit naman si Sir Agustus kay Jeyrick at tinapik ito sa braso.

“Tama na ’yan Mr. Zardia. Miss Iyzoni, pumunta ka sa Guidance ngayon din.”
Parang wala namang narinig si Halley dahil nakangisi pa rin siya na nakatingin sa‘kin.

THE LEGENDARY PRINCESS (Revising) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon