F O U R

46.6K 2.4K 36
                                    

◇×◇×♡♡×◇×◇

Kabatana IV: Agustus

(Agustus’ POV)

Magkahalong pagkagulat at saya ang naramdaman ko nang makita ko siyang pumasok sa loob ng silid aralan na ito.

Gabrille Sapphire Aphrodite Amethyst Criffin-Gwibowskie.

Ang batang matagal na naming hinihitay.

Ang batang babae sa propesiya.

Kamukhang kamukha niya ang kanyang ina.

Nakuha naman niya ang asul na mata ng kanyang ama.

Alam ko na sa kanyang pagdating dito sa lugar na ito, magsisimula na ang laban.

Laban na iniiwasan ng lahat ng mga Light Charmwizards.

Hanggang saan ba ang kanyang kakayahan? Magagawa niya bang matalo ang kasamaan? Malalagpasan niya ba ang mga pagsubok na darating sa kanyang buhay?

Napatingin ako kay Gabrielle na sinusubukang palutangin ang baso na may tubig hanggang sa lumutang na nga iyon.

Nagawa niya.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa notebook na hawak ko.

D*MN!!”

Napatingin ako agad sa direksyon ni Gabrielle. Nakita ko naman si Drey Zoldyck, basa siya ng tubig.

Ah hehe *gulp* Naku! Lagot! WAAAH!! MR.ZEWINSKIE!

Sinundan ko ng tingin si Gabrielle na patakbong lumabas sa silid.

BUMALIK KA DITO!!”

Sunod namang tumakbo si Drey Zoldyck.

WAAAAH!” napangiti na lang ako habang napapailing ng marinig ko ang malakas sa sigaw ni Gabrielle.

Namana niya rin pala ang pagiging lapitin ng gulo ng kanyang ama.

Kinuha ko ang litrato na nakaipit sa notebook ko. Litrato ng kanyang mga magulang, kasama ako.

Ngayon ko na sisimulan ang pangako ko. Pangako ko sa kanyang ama bago ito bawian ng buhay.

*Flashback*

KADILIMAN.. ‘yan ang tanging lumulukob sa buong Light Magic.

Makikita mo rin na puno ng mga namatay at sugatan ang buong paligid matapos ang labanan sa pagitan ng dalawang magkaibang panig.

“A-Agustus...

Mabilis akong lumapit sa taong tumawag sa‘kin.

Ingatan m-mo ang anak k-ko. Nasa ligtas na lugar na siya ngayon p-pero *cough*

Umubo siya kasabay nang paglabas ng dugo sa kanyang bibig.

Alam ko n-na darating ang araw...na muli siyang babalik dito kapag nasa tamang edad na siya para mag aral. Sa kanyang pagdating dito nais ko s-sanang alagaan at bantayan mo siya. Ituring mo sana siyang parang tunay mong anak. Alam ko na babalik muli si Valdemir para patayin ang anak ko. Turuan mo sana siya kung paano niya maipagtatanggol ang sarili n-niya at kung paano niya matalo ang kasamaan.

Makakaasa ka. Ipinangaangako ko na ako na ang bahala sa iyong anak. Pangako ko sa iyo yan.

Salamat Agustus.. Masaya ako at naging matalik kitang kaibigan. Ngayon handa na akong lisanin ang mundong ito dahil alam kong mapupunta sa pangangalaga mo ang anak ko.

THE LEGENDARY PRINCESS (Revising) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon