S E V E N

44.3K 1.5K 89
                                    

WARNING: Ang Chapter na ito ay punong puno ng mga hindi angkop na pananalita (mga mura). Paalala lang sa mga reader na bata pa.

◇×◇×♡♡×◇×◇

Kabanata VII: Seryapente

(Third Person's POV)

Pumasok na sina Gabrielle sa loob na bahagi ng misteryosong silid. Nang marating nila ang kaloob-looban ng bahaging iyon, nagkaroon ng liwanag ang mga sulo na nasa pader. Pare-pareho silang nagulat sa biglang pag liwanag ng paligid. Nasa loob sila ngayon ng isang underground chamber na may puro malalaking bato ang nasa paligid, puro tubig na rin ang dinaraanan nila.

"Girls...Ako lang ba o nafi-feel n'yo rin na there's something bad will happen to us sa pag enter natin here?" kinakabahang tanong ni Alison sa mga kasama.

"Oo nga. Pakiramdam ko rin na may kakaiba dito sa bahagi ng silid na ito. Alam rin kaya ito ng mga professors at ng Headmaster?" tanong naman ni Alice.

"Let's get out of here na lang kaya. Let's go back na lang sa dorm natin. I'm scared na talaga e!"

"Wag ka ngang mag inarte d'yan Alison. Nandito na tayo sa loob."

Saway ni Sandy sa kaibigan na halatang naiirita na.

Tinuloy na lang nilang apat ang paglalakad sa loob ng lugar na iyon.

Sssss .. Ssss ..

"Sandali.."

Nilingon nila Sandy si Gabrielle na ngayon ay huminto sa paglalakad.

"Bakit Gabrielle?" tanong ni Sandy sa kaibigan na ngayon ay iginagala ang paningin sa paligid.

"Narinig n'yo ba iyon?" tanong ni Gabrielle.

"What is that, Gabrielle? Wala kaming naririnig." sagot ni Alison.

"Isang tunog. Tunog ng ahas ang narinig ko."

"Baka si Serpentin lang ang narinig mo?"

"Hindi Sandy. Sigurado ako na hindi si Serpentin iyon. Iba ang tunog niya kay Serpentin."

Ssss..Sss..Ssss..

Tinakpan bigla ni Gabrielle ang kanyang magkabilang tenga.

"Baby Gabby what is happening to you?" nag-aalalang tanong ni Alison sa kaibigan.

"May iba pang ahas dito. Aaarrghh! Ang sakit sa tenga ng ginagawang tunog niya!"

Natatarantang sigaw ni Gabrielle. Bakas ang pag-aalala sa mukha nila Sandy ngunit hindi nila alam ang kanilang gagawin. Maging si Serpentin ay natatarantang gumagapang sa leeg ni Gabrielle.

"Ssss.. Sssss.. Ssss.."

Huminto sa pagkataranta si Gabrielle nang marinig niya ang tunog ni Serpentin. Unti unti siyang kumalma at tinanggal na niya ang kanyang mga kamay na nasa magkabila niyang tenga.

"What happened ba Baby Gabby? May sinabi ba si Serpentin?" tanong ni Alison.

"Ang tunog na iyon ay nakatulong para pakalmahin si Gabrielle." sabi naman ni Alice.

Nakatingin lamang sila kay Gabrielle na ngayon ay habol ang kanyang hininga.

"Ang narinig ko kaninang tunog ng ahas, napakasakit non sa pandinig ko. Nagagawa rin ng tunog na iyon na tarantahin si Serpentin."

THE LEGENDARY PRINCESS (Revising) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon