N I N E

42.9K 1.3K 51
                                    

(Sandy Crandei)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Sandy Crandei)

◇×◇×♡♡×◇×◇

Kabanata IX: Sandy Gren Crandei

(Third Person’s POV)

Sa kalaliman ng pag-iisip ni Sandy habang nakatingin sa kawalan, bigla na lang may nag salita sa kanyang likuran.

Mukhang napakalalim yata ng iyong iniisip Miss Crandei?”

Mr. Agustus.”

Bumaling siya sa kanyang likuran at nakita niya roon ang kanilang propesor na nakasandal sa pader.

Ano po ang kailangan n’yo Mr. Agustus?

Umayos ng tayo ang propesor at bumuntong hininga.

Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa kailangan ko ang tulong mo Miss Crandei. Tulungan mo ako sa ibibigay kong pagsubok kay Gabrielle.”

Tinitigan ni Sandy ang kanilang guro sa mga mata nito at muli siyang nagsalita.

“Pagsubok? Bakit? Nababahala na ba kayo dahil lumalakas na ang mga Dark Charmwizards at Dark casters?

May pang-uumay na tanong niya.

Hindi ko gusto ang tono ng pananalita mo Miss Crandei.”

Naikuyom ni Sandy ang kanyang dalawang kamay.

Hindi ko rin gusto na isugal n’yo ang buhay ng kaibigan ko.”

Napatawa ng malakas ang propesor sa narinig.

“Kaibigan? Kung kaibigan mo siya bakit inililihim mo sa kanya ang tunay mong pagkatao?

Nanlambot ang mga tuhod ni Sandy dahil sa tinuran ng kanilang propesor.

“Bakit Miss Crandei? Tama ba ako?”

Tumahimik ka!”

Nanggigigil at nagtatangis ang bagang na wika ni Sandy. Itinutok niya ang kanyang wand sa kanyang propesor.

“Bakit Miss Crandei? Hindi mo ba matanggap ang katotohanan?” pang iinis pa ng propesor habang may ngisi sa labi nito.

TAMA NA! WALA KANG ALAM!”

Napa-upo na lamang siya sa sahig. Walang tigil ang pag tulo ng mga luha niya. Ramdam din niya ang bigat sa loob ng kanyang dibdib.

Tulungan mo ako Miss Crandei. Tulungan mo ako sa pagsubok na ibibigay ko kay Gabrielle at kapag tinulungan mo ako, tutulungan din kita.”

THE LEGENDARY PRINCESS (Revising) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon