◇×◇×♡♡×◇×◇
Kabanata XIII: The Battle
(Third Person’s POV)
Pumasok na ulit si Gabrielle makalipas ang tatlong araw na pananatili niya sa ospital ng Light Magic, ngunit pansin niyang parang ang lahat ay hindi mapakali.
“Bakit ba lahat sila ay hindi mapakali?”
“Ngayon ang araw na pinaka hinihintay ng lahat.” masayang sagot ni Alice.
“Pinakahinihintay? May buffet ba? Eat all you can ganon? ’Yon lang kasi ang naiisip kong pwedeng pinakahinihintay ng lahat e.”
Natawa naman sila Sandy dahil sa sinabi ng kaibigan nila. Nagkaayos na rin silang dalawa.
“Oo nga pala! Three days kang nag sleeping beauty.” sabi naman ni Alison. Tumingin si Gabrielle kay Sandy na ngayon ay nagbabasa na ulit ng libro.
“Sandy, ano ba ang meron?” tanong niya.
“Ngayon gaganapin ang battle.”
Ang kaninang kunot na noo ni Gabrielle ay mas kumonot pa.
Anong battle? Makikipagbakbakan ba kami? Kalalabas ko lang ng ospital, makikipagbakbakan naman ako ngayon? Nahihibang na ba ang Headmaster?
“Tara na nga lang.” sabi ni Alice . Hinila niya sina Alison at Gabrielle papunta sa battlefield.
Pagdating nila sa battlefield, halos lumuwa na ang kanilang mata dahil sa kanilang nakita.
Ang malawak na battlefield ay punong puno ng mga estudyante. Halos lahat ng upuan ay may nakaupo na.
Inilibot pa ni Gabrielle ang kanyang mga mata sa buong battle field.
“Ang daming tao..” namamanghang sabi niya.
“Natural lang na marami ang tao. Ngayon kaya ang pinakahinihintay ng lahat ng first year class. Kaya marami ang tao dahil lahat ’yan ay mga Second Year Class, Third Year Class at Fourth Year Class. Panonoorin nila ang battle ng mga first year class.” paliwanag ni Alice.
“Para saan ba ang battle na ’to?” tanong ulit ni Gabrielle.
“Para magkaroon ka ng medal. Ang medal ay may limang klase. Una ay ang gold medal, ikalawa ay silver medal, ikatlo ay black medal, ikaapat ay red medal at ang ikalima ay white medal.”
“Para saan ang medal?”
“Kailangan natin makakuha ng medal para makapasa sa battle class natin. Kapag white medal ang nakuha mo may 75% ka na. Kapag red medal 150%. Kapag black medal 225%. Kapag silver medal 300% at kapag gold medal 500%. Kapag white medal ang nakuha mo kailangan mo pa mag sanay nang todo. Kapag gold naman sikat ka agad sa buong Light Magic.”
“May nakakuha na ba ng gold medal?” si Sandy na ang nag tanong.
“Wala pa pero silver medal meron na. May silver medal na ang Four Kings. Kapag may gold medal ka o silver medal, member ka na ng High Class. Si Halley nga member na kasi may silver medal din siya. Second Battle na ’to . Wala pa kasi kayo dito noong first battle dati eh.” sagot ni Alice .
(Ang High Class po ay mga estudyanteng nakatataas. Tinitingala ng lahat dahil sikat.)
“Magandang araw mga First Year Class! Alam n’yo namang lahat na ngayon gaganapin ang inyong pinakahinihintay. Ang Battle Of The Magic!”
BINABASA MO ANG
THE LEGENDARY PRINCESS (Revising)
FantasíaSiya si Gabrielle "Gabby" Sapphire Aphrodite Amethyst Criffin Gwibowskie, ang babae sa propesiya na nuknukan "daw" ng ganda. ×××××× First Version: Started on 1st of October, 2014 Finished on 21st of December, 2017 Revised Version: Started on 4th of...