Chapter 1

2.2K 50 3
                                    

Serenity's POV

"Bye Dad!" sabi ko kay Daddy and pumunta na sa school. May driver naman kami and siya ang naghahatid sakin at ako na umuuwi mag-isa.

***
"Grabee!! Ang gwapo talaga nilaa!!" sigaw ng mga babae sa hallway habang naglalakad ako. Ang lalandi pala ng mga tao dito? Hahahaha.

"Hey Yeza! Bakit ba ang ingay? May dumating ba na artista? Ano meron?" tanong ko sakanya at umupo kami sa bench.

"The Bangtan Gang is coming" sabi niya at napakunot ang noo ko.

"Bangtan? What?" tanong ko at napatingin ako sa sahig. May pitong sapatos. Okay. I knew it. Umakyat ako ng tingin at hindi nga ako nagkakamali. Sila. Yung mga mayayabang na pitong lalaki kahapon.

"May kasalanan ka pa samin" sabi ng isa sakanila. Purple hair? Really? Cool.

"Uhm. I don't think na may kasalanan ako sainyo. Baka kayo, ang may kasalanan sakin" sabi ko at tumayo na ako at hinarap sila.

"Kami? Kung makasagot ka akala mo ang tagal mo na dito ha. Wag na wag mo kami susubukan dahil baka sa dulo umiyak ka lang" sabi ni Jungkook. Napairap nalang ako.

"As if I care! Makaalis na nga." sabi ko at hinatak si Yeza paalis doon. Pumunta nalang kami sa garden.

***
"Ang tapang mo! Natatakot na ako sayo Serenity. Baka kung anong gawin nila sayo" sabi ni Yeza at natawa nalang ako.

"Why? As if those seven boys will kill or eat me. Hahahaha" sabi ko at nagseryoso ang mukha niya.

"Gusto mo malaman kung sino sila?" tanong niya at tumango ako.

"Mamaya. Recess." sabi niya at tumango nalang ako.

***
"So there will be check up tomorrow at the clinic. Tatanggalin lahat ng mga accesories sa katawan niyo okay? Goodbye" sabi ni Miss at napahawak ako sa necklace ko. Wala naman sigurong kukuha dito.

"Aray!" sabi ko ng may bumato ng binilog na papel sa ulo ko. Napatingin ako sa likod at tumatawa na yung pitong lalaki.

"Kala mo ha. Hindi kami titigil hanggat hindi ka namin napapaiyak! Loser!" sabi nila at natawa ako ng onti. They call me a loser? Funny. So funny.

"Anong tinatawa tawa mo diyan?" sabi ni Taehyung. Pamilyar kasi yung boses dahil sa kahapon.

"Paki niyo ba?" bulong ko at natawa parin ng onti. Inisin mo lang Serenity. Inisin mo lang.

***
"Kala ko ba papakilala mo sakin yung mga mayayabang na pito na- Ay sorry!" sigaw ko at pinulot yung mga papel sa sahig na nahulog ko. Tinulungan na ako ni Yeza. May nakabunggo kasi ako.

Pagkatayo ko.

"Ikaw?!?!" sigaw sakin ni Jungkook.

"Sorry ah! Sorry talaga!" sabi ko at napasingahap sila.

"Baka naman kami na naman ang pagbintangan mo?" sabi nung isa sakanila.

"Ay hindi na. It's my fault. Ako yung nakabunggo. Ako yung may kasalanan. Ako yung tatanga-tanga dahil hindi tumitingin sa dinadaanan. So pasensiya na." sabi ko kinuha ni Jungkook yung mga papel na hawak ko.

"Ano ba! That's mine!" sigaw ko pero pinigilan ako ng 4 sakanila. Hinawakan din nung 2 si Yeza.

"Dahil sa ngayon, at dahil sa kahapon. Eto sayo." sabi niya at pinunit yung mga papel na hawak ko at iniwan sa sahig. Wtf!?!?! Kailangan ko yon!

"Very nice! Sorry, sorry, sorry, sorry! Baka kulang pa eh at sa susunod ay patayin niyo na ko!" sigaw ko sakanila at binitawan na ako at umalis na sila.

Tinulungan ako ni Yeza pulutin yung mga napunit na papel.

***

"So. Yung kaninang nakabunggo mo ay eto." May pinakitang picture si Yeza. Wow! Talagang may pictures pa ha.

"Si Jungkook Jeon. Pinakamaangas sakanilang lahat. May utak rin naman at mayaman. Siya ang pinakabata sakanila"

"Eto naman si Taehyung Kim. Eto naman si Jimin Park. Eto si Namjoon Cruz. Eto si J-Hope Jung. Eto si Suga Min at ang pinakamatanda ay si Jin Lopez.Sila ang mga nangunguna sa kagwapuhan dito sa school at mayayaman rin. Hindi naman bobo, hindi rin naman sobrang talino. Sakto lang.Hindi mo alam kung anong pwedeng gawin nila sayo kaya takot mga students sakanila"

"Okay. Kilala ko na lahat. Akala nila mapapaiyak nila ako don? Hindi lang nila kasi ako kilala" sabi ko at napangiti nalang siya. Wala kayong mapapala sakin. Bangtan Gang.

Jungkook's POV
"Sige bro. Una na kami ha! Business pa eh. Hehehehe" sabi ni Jin at tumango ako. Kami nalang natira ni Taehyung dito sa school. May training kasi kami kaya gabi na kami nakakauwi.

"Punta nga tayo sa library. Manghihiram ako ng libro para sa kapatid ko." sabi ko kay Taehyung at tumango siya.

"Hi Miss!" greet ko at nagsmile lang siya. Wala na palang tao.

"Dito lang ako sa sofa. Bilisan mo ha! May gagawin pa ko!" sabi ni Taehyung at tumango nalang ako.

Pumunta na ako sa children's book.
Cinderella? Beauty and the beast? Pocahontas? Rapunzel?

Ahh eto nalang kaya. Disney Princess. Wow ha. May CD pa. Eto nalang.

Papunta na sana ako sa librarian ng may makita akong tao sa computer banda. Natutulog ba to?

Ang sipag naman niya. Gabing gabi na eh nandito pa sa library.

Nagising siya kaya nagtago ako sa shelf. Tumingin siya sa orasan. Nagmadali siya sa pagtype at sinave sa USB.

Bahala na siya diyan. Pumunta na ako sa libririan.

"300 para sa CD" sabi ni Miss at nag abot ako ng 300 pesos.

"Naprint na po ba?" sabi ng isang babae habang kinukusot ang mata.

"Ikaw si Serenity diba? Yung kanina?" tanong ni Taehyung at napatingin si Serenity saamin.

"Eto na" sabi ni Miss at nilagay na ni Serenity yung mga papel sa bag niya at umalis. Wow! Hindi manlang kami pinansin. Nainis na siguro ahahhaha. Buti nga sakanya.

"Grabe yung babae noh? Nagulat nga ako, may tinatype pa kaya tinanong ko. Sabi niya may pumunit daw kasi sa gawa niya kaya kailangan niya magstart sa simula. Eto na pala. Next week mo ibalik ha" sabi ni Miss at nagkatinginan kami ni Taehyung at lumabas.

"Working hard siya ha. Mukhang hindi tatabla ang mga pahirap natin sa babaeng yon!" sabi ni Taehyung.

"Don't worry. Ako bahala. Let me take care of it" sabi ko at napangiti kaming dalawa.

Bangtan Gang and Me ( Tagalog BTS Fanfic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon