AN: Yung si Yeza at Cielle po pala ay iisa lang. Baka po malito kayo eh. Happy Reading❤️
Taehyung's POV
"My Mom gave it to me and also inside that necklace is a heart stone. That is my only remembrance of Grandma which is now dead! My Mom? Ayun! Ewan ko kung nasaan! That is my only remembrance of her! So stop this bullsh*t and give that back to me!" sabi niya at napatulala ako habang hawak hawak yung necklace.
"Just please. G-give that bac-" hindi pa natatapos ang sabihin niya ng bigla ko siyang niyakap. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko pero wala. Sinenyasan ko si Jungkook na umalis na muna.
"Bakit?" sabi niya sakin na walang boses.
Sinenyasan ko siya na "basta , ako na bahala dito" at tumango naman siya at umalis na."Shhh, eto na yung necklace mo. Sorry. We're very very sorry" sabi ko at tinapik ulit yung likod niya.
Pumiglas siya sa pagyayakap ko at sinuot yung necklace.
Tumalikod siya sakin at umalis na. Hindi ko nalang siya sinundan.
Urgh! Ano ba tong ginawa namin!
Hindi ko alam kung bakit ko siya bigla niyakap. Dahil naawa ako? Hindi eh. Dahil siguro sa sinabi niya...
"That is my only remembrance of my Grandma, which is now dead!"
Naalala ko sakanya ang grandmother ko. I miss him so much. So much.....
Pinahid ko nalang yung luha ko sa pisngi at umuwi na.
Jungkook's POV
Matamlay akong pumasok sa bahay. Wala naman akong kaalam alam na ganun pala ang kwento ng necklace na yon! Kung alam ko naman eh, hindi nalang namin kinuha! Argh!
"Kuya! Kuya!" sigaw sakin ni Julia habang kumakain at pumunta sakin at yumakap.
"Hello Julia. Sorry, late si Kuya ah" sabi ko habang pumupunta kami sa dining area.
"It's okay. Kuya, Dad bought me a gift. Ang ganda niya. Papakita ko sayo later sa room ko" sabi niya at nagulat ako.
"N-nandito si Da, I mean nandito siya?" tanong ko kay Julia at tumango siya.
"Umalis po sila ni Mam.Magdadate ata hihi" sabi ni Yaya at napabuntong hininga ako.
"Mauna na ako Julia ha! Pagod kasi si kuya at madami pang gagawin eh. Goodnight" sabi ko at hinalikan siya sa pinsgi at umakyat na sa kwarto ko.
***
"Sabi ng hindi ko nga alam diba!" sigaw ko sa video call. Kausap ko ang Bangtan Gang at nakwento na ni Taehyung yung nangyari."Teka nga, asan ba si Suga ha?" tanong ni J-Hope at nagkibit balikat kaming lahat.
"Kasama ata ang ka "MU" daw niya" sabi ni Jimin at napairap nalang ako.
"Anong gagawin naten?" tanong ko sakanila.
"Bakit kami? Kaninong idea ba to? Sayo dba?" sabi ni Jin.
"Pero kasama parin kayo sa plano. Walang labas dito, damay tayong lahat. Diba nga" sabi ko.
"Damay isa , damay lahat. Damayan to" sabi ni Namjoon at tumango ako.
"Guys. Nagtext sakin si Serenity" sabi ni Taehyung.
"Ano sabi?!" tanong namin lahat.
"Uhmm.." pabitin ni Taehyung.
"Wag ka ng pabitin! Bugbog sarado ka sakin pag nagkita tayo tignan mo!" sabi ni Jimin at nagpeace sign naman si Taehyung. Mga pacute pa!
"Tinanong kung si Jungkook daw ba ang may pakana at sabi ko oo" sabi niya at napahawak ako sa ulo ko.
"Bakit ako lang sinabi mo?!? Bakit hindi mo sinabi na desisyon nating lahat?" sabi ko at nagpeace sign ulit siya sakin.
"Patay tayo diyan" sabi ni Jin na nakahawak narin sa ulo niya.
Suga joined the video chat
"Wassup! Ano ganap?" sabi ni Suga na may malaking ngiti sa labi niya. Hay nako.
Nakapoker face lang kaming lahat."Wala!" sigaw naming lahat at nagoff na. Natawa ako ng onti.
Loko loko rin talaga kaming lahat. Hoping ganto palagi. Masaya....KINABUKASAN
Serenity's POV"Uy! You find your necklace na?" tanong ni Selene at tumango ako. Nasa canteen kami dahil recess na.
"Yieee happy na ulit siya" sabi ni Cielle at napangiti ako. Buti nalang talaga at binalik nila. Naginarte lang ako sa pag-iyak para makuha yon. Nagulat nga ako ng yakapin ako ni Taehyung eh. Tsk.. Kiniwento ko sakanila yung buong storya.
"Attention students. Today is the last day for signing in the The Band/Group. Just write your name in the poster that we paste in the walls and we will take it before lunch. Thank you. Have a good day students." sabi sa speaker at namatay na ito.
"Oi ikaw. Wala ka manlang bang gagawin pangganti or anything like grabe ang ginawa nila sayo ha" sabi ni Serenity at napaisip ako.
"Ano namang gagawin ko?" tanong ko sakanila.
"Sus. Si Serenity? Isang ordinary student? Gaganti sa Bangtan Gang? Nevermind hahahahaha" sabi ni Cielle. Wala din naman akong maisip. Wala pa naman akong nakikitang kahinaan nila eh.
"Ay bat absent si Jungkook? Akala ko late lang kanina" sabi ni Cielle at napatingin ako sa table nila. Wala nga siya. Buti lang sakanya yan. Siya pa pala pasimuno don. Nakakainis.
"Concern ka?" tanong ni Selene at sinamaan ko siya ng tingin.
"Joke lang.. Joke lang hehehe" sabi ni Selene at tumuloy nalang sa pagkain niya.
***
Habang naglalakad kami papunta sa room ay nakasalubong namin ang Bangtan Gang na nakatingin sa poster nung "The Band/Group". Para silang nagtatalo na ewan ko ba?"Kayo diyan! Sumali na nga kayo!" sabi ni Selene sakanila at napatingin silang lahat sakin.
"Ang pangit mo pala Serenity HAHAHAH" sabi sakin ni Suga at napatigil ng tawa ng walang tumawa sa Bangtan Gang kundi siya lang. Napatingin siya na parang hindi niya alam yung nangyari. Wala ba siyang alam?
"Tumigil ka nga" suway sakanya ni J-Hope at pumunta siya sa likod nila na para bang naakward.
"Gustuhin man namin, hindi pwede" sabi ni Jin at napakunot ang noo ko. What are they saying?
"Huh? What do you mean na hindi pwede?" tanong ko sakanila.
"Nevermind. Bye" sabi nila at umalis na. Weird.
Tumingin ako sa poster at may isa pang slot na natitira. Hmmmmm...
"What are you planning?" tanong sakin ni Cielle.
"Ballpen please" sabi ko at inabutan nila ako ng ballpen.
This will be exciting...
BINABASA MO ANG
Bangtan Gang and Me ( Tagalog BTS Fanfic )
Fiksi Remaja"1.2.3 Hello! We are Bangtan Gang. "