AN: Thank youu sa 8k readers!! Sorry kung matagal ako mag update hehe. So enjoy!! Love you all!!🤗❤️
***
Serenity's POVWala na masyadong gagawin ngayong week kaya masaya lahat ng mga students. Puro events and activities lang pero may mga lessons parin.
"So saan tayo mamaya?" tanong ni Selene habang naglalakad kami sa hallway.
"Nag-aya si Andrew sa Borderline Food Park ah" sabi ko sa kanila.
"Ay oo nga pala!! Ngayon pala yon!! Nakalimutan ko na" sabi ni Selene.
"Nawala na sa isip ko yon ah" sabi naman ni Cielle.
"Iba kasi ang nasa isip pshhh" sabi ni Selene at siniko naman siya ni Cielle.
"Baket? Sino ang ano netong si Cielle ha??" tanong ko sakanila.
"Uyyy!! Punta kayo sa auditorium!!" sambit ng isang grupo ng babae saamin.
"Baket? Ano meron? May artista ba?" tanong ni Selene.
"Ngayon audition ng mga bandaa!! Magsusupport kamii waaaahhh" sagot nila at lumaki mata ni Cielle.
"N-ngayon pala yon!" sabi ni Cielle.
"Oo oo!! Sige bye!! Una na kami" sabi nila at tumango nalang kami.
"Gusto ko manood!! K-kaso.." sabi ni Selene at tinignan niya ako. Ayaw ko naman pigilan yung gusto ni Selene dahil sakin.
"Okay lang. Tara na nood na tayo" sabi ko at lumaki yung ngiti niya.
"Mauna ka na Selene, bibili lang kami ni Serenity ng pagkain. Mabilis lang promise" sabi ni Cielle at hinatak ako.
"Sige!! Reserve ko nalang kayo upuan!!!" sigaw niya saamin at kumaway nalang ako.
Namjoon's POV
"Oy!! Yung gitara ko!!" sigaw ng isang lalaki sa kabilang grupo.
Nandito kami ngayon sa isang classroom. Ngayon na kasi ang audition. Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung matutuwa ba dahil pangarap na namin ito dati pa o manghihinayang dahil nga kay Jungkook.
"Yung gitara at piano okay na?" tanong ko kay Jin at Suga. Nagthumbs- up naman sila saakin.
"Ano ba uunahin nating kantahin?" tanong ni Taehyung at umakbay sakin.
"Tanong mo si Jungkook" sagot ko at turo kay Jungkook na nakaupo sa gilid at parang ang lalim ng iniisip. Sinenyasan ko yung iba na pumunta kami kay Jungkook.
"Ano? Tuloy pa ba natin?" tanong ni Jin kay Jungkook at bigla namang napatingin si Jungkook sakanya.
"Nandito na tayo eh. Eto rin naman gusto natin diba" sabi niya at tumango tango kami.
"Dati pa" dugtong niya at nagbuntong hininga at ngumiti ng onti.
"So we're backk!!!!" sigaw ni J-hope na medyo napalakas kaya napatingin ang ibang mga grupo sakanya.
Pinag-usapan na namin ang una naming kakantahin at mga gagawin.
"Selene?" sabi ni Jimin sa likod namin. Tumingin kami at nandun nga si Selene. Lumapit siya samin at nakipag high-five.
"Gusto ko lang mag goodluckk!!! Grabe!! Ang tagal na rin nung last na marinig ko kayo kumanta ha!" sabi ni Selene na may malawak na ngiti.
"Support ka ulett samin ha!" sabi ni Jin na tumatawa.
"Oo naman!! Sige una na ko! Goodluck" sabi niya at akmang lalabas na ng nagtanong si Taehyung.
"Sila Serenity at Cielle? Manonood?" tanong niya at napaangat naman ng tingin si Jungkook. Nagkibit balikat lang si Selene at lumabas na.
BINABASA MO ANG
Bangtan Gang and Me ( Tagalog BTS Fanfic )
Dla nastolatków"1.2.3 Hello! We are Bangtan Gang. "