Chapter 5

1.2K 38 2
                                    

AN: Eto na po! Sorry kung matagal hehe. Comment po kung nagugustuhan niyo yung story. Borahae💜

***

Serenity's POV

Wala akong ganang tumayo mula sa kama.

"Serenity, kain na sa baba. Pinagluto kita ng fried rice" sabi ni Nanay sakin at hindi ako kumibo. Siya yung kasambahay namin na pinakaclose ko at pinagkakatiwalaan ko. Mga nasa 61 na siya pero malakas parin siya.

"May masakit ba sayo? Bakit parang nanghihina ka?" tanong ni Nanay at kinapa ang noo ko.

"Hala anak! May lagnat ka? Alam ba to ng Daddy mo?" tanong niya at umiling ako.

"Ah sige. Wag na muna natin sabihin pero magpagaling ka ha. Papabaunan kita ng mga gamot. Tara kain na." sabi niya at inalalayan ako.

***
"Oh! Nyare sayo?" tanong ni Selene sakin at umiling iling lang ako.

"Dahil prin ba sa necklace?" tanong ni Cielle at hindi ako sumagot kahit ang sagot ay oo.

"Ah okay. Hahanap ako ng paraan para mahanap yan. Tatanungin ko ang mga janitors okay?" sabi ni Selene at ngumiti ako sakanya.

"Hey Miss Serenity! Goodmorning!" bati ni Jungkook sakin at inirapan ko lang siya. Wala ako sa mood makipagbangayan sakanila ngayon.

" Bakit ang sungit mo naman?" tanong ni Jimin.

"Lagi naman masungit yan eh! Hahahaha! Naging mas masungit lang ngayon" sabi ni Suga at nag-apir sila ni Namjoon.

"Please? Wala ako sa mood makipagbangayan sainyo ngayon. Next time nalang" walang gana kong sagot at umalis na kami don.

***

"Bakit parang naiiyak ka ngayon? May nawawala ba sayo?" bulong sakin ni Taehyung mula sa likod at mahinang natawa din yung iba niyang kasama sa likod. Mga bwiset.

"Paki niyo ba?" sabi ko sakanila.

"Bakit parang nawawala yung necklace mo?" sabi ni J-Hope at doon na ako napatingin.

"Kung nasa inyo, ibalik niyo na" sabi ko at ngumisi si Jungkook.

"Pano kung ayaw namin?" sabi ni Jungkook.

"Ibalik niyo na sabi!" napalakas kong sabi at napatingin samin si Miss.

"What's going on there? Miss Lopez?" sabi samin ni Miss na nakapamewang na at nakataas ang kilay.

"Nothing Mam. Sorry po" sabi ko at tumango nalang siya sakin. Sinamaan ko ng tingin yung Bangtan Gang at natawa sila.

***
Habang naglalakad papuntang canteen ay may napansin kami sa mga walls.

"OMG! Meron ng Band or GroupContest ulit! I love it!" sabi ni Selene at napatingin ako doon.

Band or Group na marunong sumayaw at kumanta. Pwede ding naman plus points kung may itsura ang mga kagrupo mo o kabanda. See you in the auditorium.

"Gusto niyo sumali?" tanong ni Selene at umiling kaming dalawa ni Cielle at natawa kami.

"Eh kayo?" tanong niya sa likod namin. Napatingin ako at nandoon ang Bangtan Gang.

"Talented ba yang mga yan?" tanong ko at tumango si Selene.

"Lalo na yang si Jungkook." turo niya kay Jungkook na may seryosong mukha na nakatingin doon sa poster.

"Sali na tayo bilis! Gustong gusto ko na sumali. Sisikat tayo niyan." sabi ni Namjoon at naunang umalis si Jungkook na sinundan ni Jin at Taehyung.

"Hindi pa kayo nakakasali diyan? Like hindi pa talaga ever?" tanong ni Cielle at umiling si J-Hope, Suga, Namjoon, at Jimin, at umalis na sila. Napakunot ang noo ko doon. Bakit naman kaya?

***
"Diba nung naging Bf ko yang si Jungkook, madalas naming kasama ang grupo niya and they are talented, seriously." sabi ni Selene habang kumakain kami. Lunch na kasi namin.

"Describe mo nga" sabi ni Cielle. Hindi nalang ako kumikibo pero nakikinig ako sa mga sinasabi nila. Iniisip ko parin kasi yung necklace ko.

"Okay eto. Si Jungkook,Jimin,Taehyung, at si Jin ay ang gagaling kumanta. Sila Namjoon,J-Hope at Suga naman ay ang gagaling mag-rap. Lahat sila ay magaling sumayaw pero para sakin si Jimin at J-Hope ang nakakaangat sakanila. Mga gwapo pa" sabi niya at napatingin ako sakanya.

"What? Sabihin mong hindi sila gwapo?" tanong ni Selene at umiling ako ng onti.

"Kung gwapo nga, oo sige. Pero ang ugali naman. No thanks. I will prefer a guy na mabait na hindi masyadong gwapo than a guy that is handsome nga pero ang ugali. Ewan ko nalang" sabi ko at tumango tango sila.

Napatingin ako sa table ng Bangtan Gang at wala silang lahat doon. Baka nagpapractice na. Tsk.

***
"May tatapusin lang ako sa library. Bye" sabi ko kela Selene at Cielle at umalis narin sila.

Pumunta ako sa library at inayos yung kailangan kong ayusin.

***
Jungkook's POV
"Sama ako sayo" sabi ni Taehyung at tumango nalang ako sakanya. Umalis na silang lahat at naglalakad na kami pauwi.

"Serenity!" sigaw ni Taehyung at nakita nga namin si Serenity na naglalakad. Sinisipa sipa ang mga bato.

It's time HAHAHAHAHA.

***
"What?" walang kagana gana niyang sagot.

"Uhm" sabi ni Taehyung at tumingin sakin at ngumisi.

"Bahala kayo diyan. Wala ako sa mood" sabi niya at tinalikuran kami.

"Hmmm ang ganda naman ng necklace na to" sabi ko at napatingin siya at nanlaki ang mata niya. Pinasa ko kay Taehyung nung palapit na siya sakin.

"Akin na yan!!!!" agaw niya kay Taehyung pero ayaw ibigay ni Taehyung. Funny.

Inaabot parin niya pero wala.

"Akin na please" sabi niya sakin ng nakayuko. Para siyang white lady. Gabi pa naman.

"Ganda ganda eh. Ganda suotin" sabi ko at tumabi sakin si Taehyung.

"Gaano ba kahalaga sayo to? At gustong gusto mo kunin? Regalo ng boyfriend mo noh? Hay nako." sabi ni Taehyung at nagtaas na ng mukha si Serenity.


"My Mom gave it to me and also inside that necklace is a heart stone. That is my only remembrance of Grandma which is now dead! My Mom? Ayun! Ewan ko kung nasaan! That is my only remembrance of her! So stop this bullsh*t and give that back to me!" sigaw niya samin na u-umiiyak.

Bangtan Gang and Me ( Tagalog BTS Fanfic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon