Chapter 7

1.3K 42 11
                                    

Serenity's POV
"Alam mo, haystt! Ewan ko sayo" sabi sakin ni Selene at napahawak sa ulo niya. Pauwi na kami galing sa school.

"Bakit baa?? Anong ba mali don? Kaya naman nila yon eh" sabi ko at natatawa pa.

"Hindi maganda kutob ko diyan Serenity ah. Bahala ka. Sige mauna na ko" sabi ni Cielle at tumango ako. Umalis narin si Selene.

Umuwi na ako sa bahay.

***
"Kain ka na Nak, may pinuntahan lang daddy mo pero babalik rin daw siya agad" sabi ni Nanay at ngumiti nalang ako sakanya.

"Maayos naman pakiramdam mo?" tanong ni Nanay at tumango ako.

"Mam, may letter pong nakalagay sa labas. Para sayo daw po" sabi ng isang yaya at sabay abot sakin ng sobre.

"Thanks." sabi ko at umalis na siya. Kumain ako ng mabilis dahil parang iba ang kutob ko sa letter na ito.

Umakyat na ako sa kwarto ko. Nagbihis muna ako at binuksan ko na yung sobre. Binasa ko na iyon..

Dear Serenity,
Hindi mahaba ang sasabihin ko dahil alam kong ayaw mong makatanggap ng sulat ng galing sa akin. Gusto ko lang sabihin na malapit na kitang makita. Kung ako, ayaw mong makita, ako gustong gusto ko na. Mahal na mahal kita. 

-

Walang nakalagay kung sino. Pero malakas ang kutob ko na galing to sakanya. Di ako papayag. Mangiiwan siya tapos babalik? Kapal rin naman. Tinapon ko nalang ito sa basurahan at natulog na ako. Sumasakit na naman kasi ang ulo ko.

***
JIN's POV
"Anong sasabihin naten??" tanong ni Jimin pero pinapahinahon ko silang lahat.

"Kailangan bang may sabihin?! Hindi ba pwedeng bumisita lang tayo ha?" sabi ko at tumango nalang silang lahat. Nandito kami sa bahay ni Jungkook dahil hindi na siya sumasagot sa mga tawag namin at text.

"May nangyari kayang masama?" tanong ni Namjoon pero sinamaan ko nalang siya ng mukha. Nagdoorbell na si Taehyung at naghintay kami.

May nagbukas ng pinto. Paanong???!!

"Tito?!" sigaw naming lahat at tipid siyang napangiti.

"Oh kayo pala. Uhm, ano pinunta niyo dito?" tanong niya saamin.

" Si Jungkook po sana. Nandyan po ba siya?" tanong ni Suga at natahimik si tito.

"May dala po kaming mga inumin at pagkain" sabi naman ni J-Hope sabay pakita nung mga dala niya.

"Wala siya dito. Umalis siya. Di ko alam kung saan nagpunta. Magandang gabi nalang" sabi niya at sinara na yung gate at pumasok na sa loob. Natira kaming nakatulala nalang dito.

"Parang alam ko na kung saan!" sigaw ko at pumunta na kami sa sasakyan. Huwag kang mag-alala Jungkook, sasamahan ka namin sa pag-iisa mo.

***
KINABUKASAN
Serenity's POV
"Bye Dad" sabi ko at pumunta na sa school.

***
Pumasok na ko sa room.
"Hi Serenity!" sigaw ni Cielle at ngumiti ako sakanya. Napatingin ako sa likod at nandoon na ang pito.

"It's a Miracle! Ang aga niyo. Anong nakain ng mga to?" sabi ko sa pito at natawa nalang. Pero mga walang reaksyon ang mga mukha nila. Napatingin ako kay Jungkook na nakatingin lang sa board. Nyare don?

"So class, meron ditong 5 mag aaudition para sa Contest" sabi ni Miss at nagkatinginan kami ni Cielle.

"R&J, Music Jammers, Wilo's Band, Rocking Star, at Ang Bangtan Gang. Himala, buti nalang ay naisipan niyo. Goodluck to all. So start na tayo ng lesson" sabi ni Miss at tumango kaming lahat.

Napatingin ako sa likod at hindi sila makapaniwala. Hmmmm... This would be exciting.. Hindi lang kayo ang pwedeng manakit o mangtrip sakin cause I will make sure na kayo rin.

***
"Diba sabi ko hindi nga pwede! Sana naman maintindihan niyo ako" sabi ni Jungkook. Recess na at nakikinig ako sa usapan nila. Nasa likod sila ng building at nagtatago naman ako.

"Eh hindi nga kami nagsulat non! Nirerespeto naman namin disisyon mo eh" sabi naman ni Jin.

"Kahit gustong gusto na namin, hindi kami nagsulat don dahil alam namin na hindi mo magugustuhan" Sabi naman ni Taehyung.

"Eh sino nagsulat don?!" sabi naman ni Jungkook at nagkibit balikat silang lahat.

"Maniwala ka naman samin. Hindi talaga kami yon" sabi ni Jimin.

"Alam namin na ayaw mo. Na nagagalit ka, pero asan na yung tiwala mo? Akala ko talaga maniniwala ka saamin pero hinde." sabi naman ni J-Hope at nagwalk out. Omg.

"J-Hopeee!!!" sigaw ni Suga pero patuloy parin sa paglalakad si J-Hope.

"Aayusin natin to. Hanapin nalang naten kung sino nagsulat non. Patay talaga satin yon." sabi naman ni Namjoon at tinatapik ang likod ni Jungkook.

"Pasensiya na. Nagkaroon kasi ng problema sa bahay kahapon tapos dumagdag pa to. Buti na nga lang pumunta kayo kahapon. Si Da-"

"KLANGG!! KLANGGG!!"

Omg..

"Sino yang nandyan?!" sigaw ni Suga at alam ko na palapit na sila.

Ano ba naman kasing tong yero na to..
Jusko.. Tulungan niyo po ako..

"Serenity??!!" Sigaw ni Jungkook at halong halong emosyon ang nakita ko sa mata niya at silang lahat ay gulat na gulat rin.

Itutuloy.....

Bangtan Gang and Me ( Tagalog BTS Fanfic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon