Chapter 9

1.4K 40 11
                                    

A.N 

Hii guyss!!! Thank you for the 2k readers!! Di ko talaga inexpect na magugustuhan ito ng maraming tao. I'm very sorry kung palagi akong late na nag-uupdate ha. Madami kasing ginagawa si author hehe. So let's make it 3k readers!! Enjoy reading!!


Cielle's POV

"Tinatawagan ko na nga si Selene dibaa!!" halos sigaw kong sabi kay Andrew dahil ang kulit niya. BTW, nandito kami sa clinic sa school.

"Ayaw ba sumagott???" sabi ni Andrew. 

"Satingin mo ba, tatawagan ko pa siya ng tatawagan kung sumagot na ha?!"  

"WHAT HAPPENEDD????" sigaw ni tito na ikinagulat ko. Nandito na pala ang daddy ni Serenity at kasama niya si Selene. Dali dali siyang pumunta sa anak at tinignan kung okay lang ba ito. 

"Ano ba kasi nangyari sa anak ko ha? Cielle?" tanong ni tito.

"Kasi ganto po iyan, bumalik ako sa school dahil may nakalimutan po ako. Thenn, inapproach ako nung guard, si Serenity daw po ay nasa clinic so nagmadali na ako. Hindi ko naman alam kung ano pinaggagawa sa buhay niyang kaibigan ko at umabot pa sa ganyan." sunod sunod kong sabi. 

"Nakabalik ka na pala Andreww??" tanong ni Selene at tumango tango si Andrew. 

Btw, siya si Andrew Veid Castro, isa sa mga kaibigan namin. Galing siyang States. Doon kami nagkakilala halos kasama si Serenity.

"Nice to see you ag-"

"Serenity????!!!!" sigaw ni tito. 

Nagulat ako ng biglang sumigaw si tito at nagmadali kaming pumunta sa tabi niya. 

"Nasaan ako? Bakit ako nandito?Nasaan si Jungkook?" sunod-sunod niyang tanong at napatulala kaming lahat. 

"Ohsh*t, don't tel-" 

"Ehemmmm!!" putol ko sa sinabi ni Andrew. "Kami ang dapat magtanong niyan, bakit ka andito?" tanong ko at parang napaisip siya. 

"And why are you looking for my ex boyfriend? huh? That's w-weird" sabi ni Selene at siniko ko siya ng mahina. 

"Naalala ko pa, pauwi na ako dahil naparusahan pa ako ni sir nung last sub. Then, biglang sumakit na naman ulo ko and basang basa na ko sa ulan dahil wala akong payong. A-and, pinupulot ko gamit ko nun nang maalala ko yung mukha ni j-jungkook sa likod ko." explain niya at napatango kaming lahat. 

"So, okay just rest and I will get you out of here" sabi ni tito at tumango nalang si Serenity. 

Hinila ako palabas ni Selene at Andrew. 

"Anooo??" sabi ko. 

"What's happening??? Pwede bang iexplain niyo saakin ito?Bakit nasa eksena si Jungkook Kala k-"

"And the hell?? Posible bang tinulungan ni Jungkook si Serenity?" putol na tanong naman ni Selene kay Andrew.

"Okay, Andrew and Selene, ieexplain ko na sainyo lahat"


Serenity's POV 

"Iha, papasok ka ba?" gising sakin ni Nanay at nagkusot ako ng mata. Tinignan ko yung orasan at nanlaki yung mata ko. MALALATE NA AKO!!!!

"Ohmy... Yes po!! May pagkain na po ba?" tanong ko at tumango siya. Dali dali akong naligo at nag-ayos ng sarili ko. Siguro akala ni Daddy hindi ako papasok, urgh! 

***

Dali dali akong tumakbo sa hallway para makaabot pa ako. Tumingin ako sa loob ng classroom at naglelesson na si Mam. Shocks. Dahan dahan kong binuksan yung pintuan.

"Goodmorning po.Sorry Mam, I'm late" sabi ko ng nakayuko. 

"Oh, Miss Lopez, i thought you will absent today. Your dad told us about it." sabi niya at umiling na lang ako. Napatingin ako sa Bangtan Gang at mukhang nagtataka sila, lalo na si Taehyung. Tinignan ko si Jungkook at walang ekspresyon yung mukha. Umupo na ako. 

"Baliw! Dapat nagpahinga ka nalang! May sasabihin ako sayo mamaya" bulong sakin ni Cielle at tumango nalang ako. 

*** 

"Ghoshh gurll!! Bakit ka pa pumasok?" tanong ni Selene. 

"Ayaw niyo ba ako makita ha?" tanong ko na patawa. 

"Ay, eto, alam mo ba kanina, nagtanong yung Bangtan Gang kung bakit ka wala" sabi ni Cielle at nagulat ako. 

"Ha? Tatanong? Diba napakalaki ng galit nung mga yon saakin? Kailangan pa ba silang magalit saakin para maging concerned sila sa isang tao? Diba walang pake yung mga yon?" sunod-sunod kong sabi at nakatingin lang silang dalawa sa likod ko. Napakunot naman ako ng noo. 

Tumingin ako sa likod ko at nakatayo don ang Bangtan Gang na may hawak hawak na tray. Napasinghap nalang sila at tumalikod na. Walang ekspresyong nakatingin saakin si Jungkook bago tumalikod. 

"Sh*T??? Narinig nila yon?" tanong ko at tumango sila. Napa face palm nalang ako.

Tumingin ulit ako sakanila at nga-uusap usap na sila ngayon.May kukumpirmahin pa ako mamaya. 

*** 

"Okay, may meeting kaming teachers. Ramorez, please lead na class. When the ring bells, you can go home." sabi ni Sir at umalis na.

Si Cielle natutulog na lang. Kunin ko na nga lang sa bag ko yung binabasa ko.

Pagkabukas ko ng bag ko, may nakalagay doon na sticky note. 

" minsan, may mga taong naisasantabi muna ang galit kapag may nangangailangan" 

todavía nos importa

- :)) 

Napakunot yung noo ko doon sa huling sentence. Ano naman ibig sabihin nun? Tumingin tingin ako sa classroom ng dahan dahan at nadako yung tingin ko sa Bangtan Gang. Nung napansin nilang nakatingin ako sakanila, di nila ako pinansin. Pshh, sungit. 

"Hepp!! Ano to?" sabi ni Cielle at kinuha yung note. 

"Ghash! What is the meaning of thiz? " sabi ko at  nagkibit-balikat ako. 

"Malakas kutob ko na sila nagsulat nito kasooo hindi nila ito handwriting." sabi niya.

"Pati handwriting alam mo?" 

"Syempre, fan kaya nila ako dati,nung nagba-, ay yong ano, bakit nga pala nasabi mo pangalan ni Jungkook?" 

"Basta"..

****

"Sige bye!! Ingat pauwii!!" 

"IKaw! Umuwi ka na Serenity ha! Baka kung ano na naman mangyari sayo" sabi ni Selene at tumango ako. May kailangan pa akong tanungin. 

Umikot ako sa buong campus. Ayunnnnnnnn!!!

"Jungkook!!!!" sigaw ko sakanya at napatingin sakin ang Bangtan Gang na nagulat. 

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko at umoo naman siya. Gumilid kami ng onti. 

"What?" tanong niya. Gwapo rin pala siya. 

"Uhmm ano kasi, ano yung kahapon" 

"Ano nga?!" 

"Okay, ikaw ba yung nagligtas or nagdala sakin sa clinic kahapon? Ikaw ba yung nagpayong sakin sa ulan?" natigilan siya sa pag-inom ng tubig. Natagalan siya bago sumagot.

"Huh? Wala akong alam sa sinasabi mo. So my answer would be no" at umalis na siya. 

Impossiblee! Siya yung nakita ko.. Kung hindi siya... sino yon??


Bangtan Gang and Me ( Tagalog BTS Fanfic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon