AN: SHOCKS GUYS!! SUPER THANK YOU PO SA 10K READERS KO HUHU!!🤩❤️😔✊ THANK YOU SA PAGBABASA SA STORY KO. LOVE YOU ALL!! ENJOY THIS CHAP!!!
*************************************"Kala ko hindi na kayo dadating eh!" sabi samin ni Andrew at tumayo sa upuan at pumunta sa amin. Isa isa niya kaming niyakap. Maraming tao dito ngayon kaya buti nalang nauna si Andrew at nasave kami ng upuan.
"Eh may pa keme pa itong si Serenity eh tapos traffic ren" sabi ni Selene at umupo na rin kami.
"Pasalamat kayo mahal ko kayo at inintay ko pa kayo tss" sabi ni Andrew sabay irap. Natawa kami ng onti don.
" Edi THANK YOU" sabay naming sabi ni Selene at tinawanan lang kami ni Andrew.
"Si Cielle ba nandito? Di ko feel eh" sabi ni Selene at tinignan si Cielle na tutok na tutok sa cellphone niya at nagtytype.
"Sino ba kasi ang kausap ng babaeng to?" sabi ni Andrew at akmang kukunin ang cellphone ni Cielle ng tinignan siya nito at iniwas ang phone.
"Ano? Baket?" sabi niya at tinaasan siya ng kilay ni Selene.
"Edi ayun, nagsalita at pinansin mo rin kami" sabi ko at nagpeace sign naman siya.
" Jusko ka. Tara na nga bili na tayo ng pagkain. Nagrereklamo na tiyan ko" sabi ni Selene at tumayo na kaming lahat. Napatigil lang kami ng hindi tumayo si Cielle.
" Di ka kakain?" tanong ni Andrew at kinuha ni Cielle ang bag niya. Nagtaka naman ako.
"Ah guys, may kailangan lang akong puntahan hehe. Sorry!! Babawi ako next time promise" sabi niya at nagulat kami doon.
"Seryoso ka diyan? First time ha. Importante? Jowa mo ha?" sunod sunod na tanong ni Selene pero ngumiti lang si Cielle at kumaway bago umalis.
"Wag niyo na ijudge malay niyo naman importante talaga" sabi ko at nagkibit-balikat nalang sila at tumingin na kami ng mga pagkain doon.
***
"Next time dapat kasama na kami sa States ha! Sarap mo sapakin kapag nangiingit ka eh tss" sabi ni Selene kay Andrew.
"Well, di ko pa alam kung kailan balik ko doon" sagot naman niya sabay higop ng juice niya.
"Oh baka naman ayaw pang bumalik kasi baka maalala ang pait ng kahapon" sabi ni Selene at umaktong masakit ang puso. Natawa naman ako ng onti doon.
"Wag ka nga. Okay na ko. Limot na yun" sabi ni Andrew pero duda ako don.
"Back then sabi mo samin siya na makakasama mo sa altar. San na ngayon? Anana" sabi ko habang hinihiwa yung manok.
"Izza prank lang pala HAHAHHAHHA" sabi ni Selene.
"Sometimes, things don't end up the way you want them to" sabi ni Andrew at tipid na ngumiti. Nagkatinginan kami ni Selene at umaktong umiiyak iyak. Hinampas naman siya ni Andrew at tumawa.
"Ikaw Serenity makapagsalita akala mo hindi naging katulad ko" banggit ni Andrew at kumunot ang noo ko don. Anong hindi naging katulad niya? Wala naman akong naalala na naheartbroken ako.
"Wait, cr lang ako" sabi ni Andrew at tumango nalang kami.
***
"Uy!! Doon oh! Tapos na sil-, Selene? Serenity?" tawag saamin ng pamilyar na boses. Nakita ko ang Bangtan Gang na papalapit samin.
Bakit sila nandito? Nakita ko ang table na katabi namin na umalis na ang mga kumakain kanina. Madami rin kasing tao kaya maswertehan ang pagkuha ng upuan.
"Ginagawa niyo rito?" tanong ni Selene sakanila.
"Baka magsisimba, malamang kakain hay nako Selene" sabi ni Jin at napairap nalang si Selene.
Napatingin ako kay Jungkook at nakatingin na pala siya sakin. Tipid lang akong ngumiti.
Bangtan Gang and us are okay naman na satingin ko? Hindi na katulad ng dati. I don't know. Nagising nalang ako na ang civil na namin sa isa't isa. Siguro dahil pantay na, may nagawa na kaming mali sa isa't isa and napatawad naman na siguro. Hindi naman kami magiging ganto if may galit parin diba. Hindi man verbally pero sa pinapakita namin towards each other is sapat na.
"Biliss!! Nagutom ako don sa kanina grabe" sabi ni J-Hope at umupo na sila. Tinignan ko sila at ngayon ko lang napansin na wala pala si Jimin.
"Tara Suga, samahan moko, bili na tayo pagkain" sabi naman ni Namjoon at tumayo na silang dalawa. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain ko.
"Hmmm parang dati lang ah" sabi ni Taehyung at nag- angat ako ng tingin sakanya. Napakunot noo ko doon. Baka palagi sila dati dito.
"Parang dating magkakasama nga tayo pero hindi n-"
"Tumahimik ka diyan" suway ni Jungkook kay Jin na para bang may mangyayaring masama kapag pinagpatuloy niya pa iyon. Napatingin si Selene sakin pero tipid lang siyang ngumiti.
***
"Sorry natagalan ng onti. Daming tao eh" sabi ni Andrew at agad- agad na umupo. Napatigil lang siya ng nakita niya ang Bangtan Gang sa katabi naming table.
"Andrew????" tanong ni Taehyung na para bang gulat na gulat sa presensya niya.
Magkakilala pala sila? Ay baka napakilala ni Selene dahil ex nga pala niya si Jungkook.
"K-kayo pala" sabi ni Andrew at tumango sakanila. Tumingin siya sakin at tinignan ko siya na nagtatanong ng "bakit?" pero umiling lang siya.
"Kilala mo sila? Close ba kayo?" tanong ko sakanya.
"Oo, pero hindi ko sila medyo close" sagot niya at tumango nalang ako. Napadpad ang tingin ko kay Jungkook na ngayon ay tahimik na nakayukong kumakain. Inangat niya ang ulo niya at napatingin siya sakin, nag-iwas naman agad ako ng tingin.
"Tagal na ah! Kamusta?" tanong naman ni J-hope.
"Ayos lang. Hindi ko inakala na makikita ko ulit kayo" sagot naman niya. Nagpatuloy lang ako ng pagkain habang nagkakamustuhan sila.
***
"Shocks!!! Oo nga gurl!! Ang galing nila nakita ko sa sinend saking video!! San na ba tayo uupo urgh" rinig ko ang isang babae sa likod ko. Di ko nalang pinansin yun at nagpatuloy sa pagkain."Jungkook?? Is that you?? Omg Taehyung?" sabi nung babae at napakunot ang noo ko. Tinignan ko ang Bangtan Gang sa kabilang table at halatang nagulat sila sa presensya nung kung sino mang babae na iyon.
"Di niyo ba ako namiss?" sabi nung babae at napatayo naman si Jungkook.
"Bakit ka andito?" tanong ni Jungkook.
"Well, kakain kami ng mga friends ko. Naghahanap ng upuan. Btw, sino tong mga kasama niyo?" sagot ng babae at doon na ako lumingon sakanya.
Her face looks familiar. Parang nakita ko na pero hindi ko maalala kung saan at kailan. Why did I suddenly feel annoyed at her? For what reason? Wala naman akong naalala na nagkainteract kami.
"Omg. What are you doing here? Matagal ka nang wala diba?!" sabi niya na napalakas pa ang boses kaya napatingin ang mga tao sakanya.
"Lia..." sambit ni Jungkook sakanya.
Biglang kumirot ang ulo ko pero nakayanan ko pa naman. Napatayo ako at ganun na rin sila Selene at Andrew.
"Bakit ka pa bumalik? I thought-"
"Lia, enough!" putol ni Jungkook sa sinabi nung Lia at nagulat ako ng hinawakan ni Jungkook pulsuhan ko at inalis ako doon.
Wala na ako sa sarili dahil sa kirot ng ulo ko at naramdaman ko nalang ang sarili na sumusunod sakanya..
BINABASA MO ANG
Bangtan Gang and Me ( Tagalog BTS Fanfic )
Teen Fiction"1.2.3 Hello! We are Bangtan Gang. "