AN: Hello guys! I know that this is such a late late update and I don't know if someone will read this pa but I hope there is. I just want to say that I'm thankful for all the support you gave in this story. I love you all. I hope you enjoy this chapter.
****
Serenity's POV
"Where are you going madam?" tanong ni Selene sakin. Nagulat ako bigla siyang nag-aya mag BGC para gumala.
"May business" sagot ni Cielle. Ngumiti nalang ako sakanya.
"A-anong business? Bakit hindi ko ito alam? Grabe, thank you for being a friend ah" sabi ni Selene.
"Makikipagkita ako kay Jungkook" sabi ko.
"What!" sigaw niya sakin habang inaayos ko gamit ko. 8:30pm na at magkikita kami ng 9:30. I have one hour nalang para pumunta sa venue.
"Serenity, seryoso ka ba?" sabi ni Selene sakin. She's serious.
"Uh, yes? Seriously, hindi ko rin alam. Nagulat nalang rin ako na umagree ako na makipagkita. I'll just take what I left and that's it."
"Is it really because of what you "left" or may iba pang reason? I know you Serenity, I know you."
" I have to go"
" You know where to find us. Magreready nalang kami ng tissue para sayo" sabi ni Selene at pumasok sa kwarto ko.
Ningitian nalang ako ni Cielle at sinamahan na ako sa venue. Siya na rin ang nagdrive. Nagsuot nalang rin ako ng shades para maiwas sa issue. I know how popular they are and ayoko mapunta sa spotlight nila. Nakakatakot.
***
"Just call me if anything happens. Goodluck." sabi ni Cielle bago umalis.
Nandito na ako sa tapat ng venue ng concert nila. All I can hear is the loud cheers from their fans. Huminga ako ng malalim at pumasok na sa loob.
Sobrang daming tao and puno talaga. Rinig na rinig mo yung sigawan sa loob. Hinanap ko yung upuan ko at nanood nalang.
***
"And I almost lost ya
But I can't forget ya
Cause you were the reason that I survived"
"You were there for me through all the times I cried
I was there for you and then I lost my mind
I know that I messed up but I promise I
Oh-oh, I can make it right"Napangiti ako nang onti dahil naalala ko yung kanta nila. Iyan yung kanta na kinanta nila sa audition para sa banda. Tinignan ko yung paligid. Grabe na talaga narating nila. Sobrang dami nang nagmamahal sakanila. All I want to say is I'm proud of them.
"Hello! Fan ka??" tanong ng babae sa gilid ko na may hawak na banner at lightstick.
"Uh, I guess?" sagot ko. Hindi naman pwedeng sabihin ko na pumunta ako dito para makipagusap sa idol nila.
"Bakit ka nakashades? Alam mo, ikaw lang yung fan na nakita ko na parang hindi nageenjoy sa concert." sabi niya pa pagkatapos ay tinuon niya na yung pansin niya sa stage.
Hindi ko nalang siya pinansin at tinignan nalang yung relo ko. 10pm na.
"Kilala mo ba yung narurumor kay Jungkook? Isang model daw. Nakita na magkasama sila. Pero kahit na anong mangyari, I'll support him. Hindi ko naman control life niya. He deserves to be happy rin" sabi ulit nung babae kanina na nasa tabi ko.
Ang tanging nasa isip ko nalang, diary ba ako? Mukha bang interested ako sa buhay niya at lalo sa buhay ng idol niya? Kinuha ko nalang yung phone ko at nagreply sa mga emails.
***
"Thank you so much! We hope to see you all again! WE LOVE YOU ALL! MAHAL NAMIN KAYO!" sabi ni Namjoon at nagbow na sila.
Finally.
Jungkook's POV
Tumakbo na ako sa backstage para ipasundo si Selene. Anong oras na rin pala. Nagulat rin ako na pumayag siyang makipagkita sakin knowing our situation.
"Sir, andito na po siya" sabi sakin ng manager ko at pagkaharap ko nandun na nga siya. Nakashades at halatang inip na inip na. Ngumiti nalang ako at pumunta sakanya.
"Sorr-"
"Cut the nonsense. Where's my items" sabi niya. Tipid nalang akong ngumiti at kinuha ang braso niya. Pinunta ko siya sa private room dahil hindi kami pwede magusap sa madaming tao.
"Oh, what are we doing he-"
"I'm sorry" I cut her off. Halata sa mukah niya ang lito.
"I'm sorry for everything. I know that you'll not forgive me sa mga nangyari at nagawa ko but I just want to say sorry."
"That's it? Okay, forgiven. Akin na mga gamit ko." madiin na sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Naiinis na.
" Can you just give me a chance to explain?" pagmamakaawa ko.
"Para saan pa ba? I didn't wait for hours para lang dito. Ang sabi mo ibibigay mo mga gamit ko at hindi yang explanation mo" sunod- sunod na sabi niya.
"Fine. Eto na" sabi ko sabay abot sa isang bag na laman ng mga naiwang gamit niya.
Kinuha niya iyon at akmang bubuksan ang pintuan nang magsalita ako.
" Minahal kita"
Natigilan siya doon. Halatang humigpit ang hawak niya sa doorknob.
"Minahal? mo? ako? Tanga nalang maniniwala diyan." sabi niya at lumabas na ng pintuan.
Napaupo ako sa pagod. Pagod sa lahat- lahat ng nangyayari sa paligid ko.
"Jungkook? Tara na po, interview niyo na" sabi ng isang staff kaya inipon ko lahat ng natitira kong lakas para tumayo at ngumiti.
Siguro nga tama sila na hindi ko na dapat ilagay ang mga taong mahal ko sa ganitong sitwasyon.
Nakakatakot.
Konting galaw, pwedeng mapagusapan.
Konting galaw, pwedeng maging masama ang sitwasyon.
Ayaw ko na sila mapunta sa ganoong sitwasyon.
Lalo na siya.
BINABASA MO ANG
Bangtan Gang and Me ( Tagalog BTS Fanfic )
Teen Fiction"1.2.3 Hello! We are Bangtan Gang. "