Chapter 14

935 38 27
                                    

AN: Thank you sa 11k readerss!!! Love you all! Enjoy this chapter guys :))

**************************************************************************

Cielle's POV

"Ano po dessert nila?" tanong saamin nung waiter.

"Ano gusto mo?" tanong niya saken. Tumingin naman sa menu at tinuro kung ano ang gusto ko. Sinabe niya na rin yung sakanya.

"Okay po. I'll be right back po" sabi nung waiter at ningitian nalang namin siya. Nandito ako ngayon sa isang medyo fancy na restaurant. Di ako sumama kela Serenity dahil dito pero okay lang worth it naman ito at babawi nalang ako sakanila next time.

After umalis nung waiter ay napatingin ako sa lalaking kaharap ko ngayon.

Nilagay ko ang aking dalawang kamay sa baba ko at pinagmasdan siya habang nagscroscroll sa cellphone niya.

How can he be like this? Wala namang ginagawa pero ang gwapo gwapo parin. Naka white polo lang siya na nakabukas ang 2 butones sa taas at black ripped jeans. May suot na silver watch at maayos ang buhok. Damn, too handsome.

"Baket?" tanong niya nang mapagtanto niya na nakatitig ako sakanya. Pero hindi ko siya sinagot, nanatili lang akong nakatingin at nakangiti.

"Kung yelo lang ako, kanina pa ako tunaw dahil sa titig mo" dagdag niya at umiling iling naman ako.

"Wala, sarap mo lang titigan" sabi ko at kumunot naman ang noo niya.

"Oo na, sobrang gwapo ko na" sabi niya at nagtaas naman ako ng kilay.

"Ay grabe, nagyabang na siya oh"

"Etong gwapong to, ikaw lang gusto neto" sabi niya at kumindat sakin. Uminit naman ang pisngi ko don. Luh kilig ka na ghorl? HAAHHAHAHA.

"Alam na ba nila na nagdadate tayo?" tanong niya at umiling ako.

"Hindi pa. Pero sasabihin ko rin naman sa madaling panahon kaya don't worry"

Natigil ang pag-uusap namin dahil dumating na yung dessert. Tahimik naman kaming kumain non. Ilang minuto ang lumipas ay napatingin ako sa bag ko dahil nag ring ang phone ko. Kinuha ko yun at nakita ang pangalan ni Andrew sa screen. Ano meron?

"Sino yan?" tanong niya.

"Si Andrew. Sagutin ko lang" sabi ko at sinagot yung tawag.

"Oh Andrew? Bakit ka napatawag? May nangyari ba?"

[ "Pumunta ka ngayon sa condo ko bilis!"]

"H-ha? Baket? Ano meron?"

["Basta pumunta ka nalang! Kasama ko si Selene. Nasaan ka ba kasi?! Bilisan mo]

"Sige sige, papunta na ko. Hintayin niyo nalang ako diyan"

[Sige! Ingat ka papunta dito] sabi niya at binaba na ang tawag.

"Ano daw meron?" tanong niya sakin at inayos ko na ang bag ko at nilagay sa balikat ko.

"Kailangan ko pumunta sa condo ni Andrew. Nagkaproblema ata" sagot ko at tumayo na.

"Ihahatid na kita. Hintayin mo ko sa sasakyan, magbabayad lang ako" sabi niya at tumango naman ako.

****

"Chill ka lang diyan" sabi niya habang nagdridrive. Hindi ako mapakali kanina pa simula nung tumawag si Andrew. May nangyari ba kay Serenity? Kay Selene? Ano? Urgh.

"Kakaliwa ba ko?" tanong niya at tumango ako. Nandito na pala kami. Inayos ko na yung bag ko at tinext si Andrew na nandito nako.

****

Bangtan Gang and Me ( Tagalog BTS Fanfic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon