Chapter 3

1.3K 33 0
                                    

Serenity's POV
" Louise" sabi ni Daddy at napatingin ako sakanya.

"Dad. I told you na diba?" sabi ko at tumango siya.

"What if yung Mom mo ay kamustahin ka manlang?" tanong ni Dad sakin.

"Uhm pakisabi nalang kay kuya kapag tumawag na black na pala yung gusto kong sweater hindi blue" sabi ko at sumakay na ko ng sasakyan. That topic... Tsk..

***
" Hoy! Anong nangyari diyan sa siko mo?" tanong ni Cielle sakin.

"Wala. Okay lang ako" cold na sagot ko at tumango nalang siya.

"Ano ba! Ang kulit niyo talaga! Never akong papayag diyan! Alis!" sigaw ni Selene. Sinisigawan ang pitong lalaki na naman.

"Ay eto pala si Serenity. Kala ko pa naman iiyak ka na. Wala palang epekto. Tibay!" sabi ni Taehyung at natawa silang lahat except kay Jungkook.

Tinignan niya ako ng masama kaya ginantihan ko siya ng mas masamang tingin.

"Humanda ka samin o pedeng sakin lang mamaya" sabi ni Jungkook at pinagtaasan ko lang siya ng kilay at umalis na sila.

"Anong nangyari na naman Serenity!?" tanong ni Selene habang nakahawak sa ulo niya.

"Wala. Uminit na naman siguro ulo. Bad for him" sabi ko at tumango nalang sila. Dahil na naman siguro sa kahapon yon. Dahil din sakanya kaya nagkasugat ako sa siko.

***
"So class eto yung pinasagutan ko sainyo kahapon. I will give the results" sabi ni Miss at tumango kaming lahat.

"Rezara,Deliqa, Erando, Pilar, Karreon, Lopez" tawag ni Miss sa apelyido ko at tumayo ako.

"Miss Lopez is the highest. Good job Miss Lopez. Keep it up" sabi ni Miss sakin at ngumiti nalang ako sakanya.

"Hays. Bangtan Gang. What happened to all of you? Tsk, eto papers niyo" sabi ni Miss at tumayo ang pito at kinuha ang papel nila.

Tinignan ko sila at ang sama ng tingin nila sakin. Baka mamaya ako na naman ang sisihin ng mga to.

"So our lesson today is.."

***
"Congrats! Ang talino mo talaga!" sabi ni Cielle sakin at nagsmile lang ako. Recess na namin at nilibre nila ako ahahaha.

"Dati pa naman talaga matalino yan. Ano ka ba? Hahahahaha" sabi ni Selene at napakunot ang noo ko. Mukhang kilala niya nga ako matagal na.

"Ano na naman ginagawa niyo dito?" tanong ni Selene sa likod ko. Tumingin ako at ang pito na naman ang nakita ko.

"Hindi talaga mabubuo ang araw niyo ng hindi niyo ko nakikita eh noh?" tanong ko sakanila at natawa nalang sila.

"Aray! Makabatok ka akala mo close tayo ah! Close tayo?!" sigaw ko kay Jimin. Binatukan ba naman ako!

" Dahil sayo ang baba ng nakuha naming grade! Kulang pa yan!" sabi naman sakin ni Namjoon.

"Wow! So it's my fault now? Kasalanan ko bang mga walang laman yang mga utak niyo? Aray! Bwiset!!!!!" sigaw ko sakanila ng binatukan na naman ako ni Suga.

"Tibay mo talaga. Siguro mga bukas o sa susunod na araw, iiyak ka na" sabi ni Jungkook at umalis na sila.

Ang sakit. Dalawang malakas na batok ba naman.

"Gusto mo ba dalhin ka namin sa clinic?" tanong ni Cielle at umiling ako.

"Wag na. Okay lang ako. Baka sabihin nila na weak ako eh at pagtripan pa ako lalo" sabi ko at tumango nalang sila. Tumuloy nalang kami sa pagkain.

***

"We will go to the field and discuss volleyball. Line up" sabi ni Sir at nagline up na kami sa labas.

***
"So sige, magpractice nalang muna kayo. May 10 minutes pa naman eh. Be careful ah! Baka makatama kayo" sabi ni Sir at tumango kami.

Nakaform kami ng circle at receive receive lang kami ng bola.

***

" Mine! Aray!!" sigaw ko at napaupo ng may bumato ng bola sa ulo ko. Tumingin ako sa likod at nakangiti ang Bangtan Gang sakin.

"Sir! Pasensiya na po! Napalakas lang po talaga yung bato ni Jungkook!Sorry Serenity!" sabi ni J-Hope at ngumisi sakin si Jungkook.

"Sir! Okay na yan! Magbebell na rin. Dalhin nalang namin sa clinic mamaya" sabi ni Taehyung at tumango nalang si sir. Impossibleng hindi nila sinasadya yun.

Tumayo ako at nagpagpag ng damit. Mga ayaw talaga tumigil!

***
"Ano okay ka- Aray!" sigaw ni Jungkook ng sinampal ko siya.

"Paniguradong ikaw ang may pakana ng lahat kaya bagay lang sayo yan" sabi ko at umalis na.

"Lagot ka talaga saken!"  sigaw niya sakin pero hindi ko na pinansin at umuwi na ako.

***
"Eto na po yung milk at yung cold compress" sabi ni Yaya at nilapag yon sa side table ko.

"Thank you" sabi ko at umalis na siya sa kwarto.

Nilagay ko na yung cold compress sa part na kung saan ako binato. Nagkabukol eh. Nanghihina pa ako ngayon at may sinat ako. Ayoko nalang sabihin at baka mag worry pa sila sakin.

" Bakit kang pupuntang states? Iiwan mo ko? Kala ko ba walang iwanan, dito ka lang, dito lang ako, magpakailanman?"

"Ohmyghod" sabi ko ng biglang sumakit yung ulo ko.

"Serenity? Are you alright? May masakit ba?" tanong ni Dad habang hawak yung kamay ko.
Inalis ko agad yung kamay ko sakanya. Baka malaman niya pa na may sakit ako.

" Yes. Sumakit lang ulo ko" sagot ko and tumango nalang siya.

"Sige papadalhan nalang kita dito ng gamot. Make sure you will drink it okay?" sabi ni Dad at tumango ako at umalis na siya sa kwarto.

Pumikit na ako para matulog..

"Please.. wag kang aalis.."

Bangtan Gang and Me ( Tagalog BTS Fanfic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon