3: Result

3 0 0
                                    

*1 week later*

Excited na kinakabahan naman naming binuksan ni Havana ang website ng Staples University para makita ung naging resulta ng exam. Di ko alam kong anong mararamdaman ko, para akong maiihi na ewan

"Couz, ito na." sambit ni Havana habang hinihintay naming matapos mag loading ung website. Naghawak kamay pa kami na akala mo sumali sa Miss Universe at hinihintay na lang kong sino sa aming dalawa ang tatawagin at tatanghaling Miss Universe 2019

Ng matapos mag loading ung website, una naming hinanap ung apelyido ko. Di naman ako mapakali habang pababa ng pababa ung mga letra sa screen. Paano pag di ako nakapasa?

95. Pandez, Blake Andrew A.
96. Parker, Aaron S.
97.Parker, Sheneia A.
98.Parker, Nicole F. ***
99.Quinsay, Clarianne F.
100.Ray, Ria D.

Halos tumalon ako sa tuwa ng makitang kasama ung pangalan ko sa mga nakapasa. Niyakap ko pa si Havana tsaka siya pinag yoyugyog

"Couz! nakapasa ako! nakapasa ako!" sigaw ko tsaka pumunta sa kama at nagtata-talon. Oo na, minsan may pagka isip bata din ako. Napahinto naman ako sa pagtalon ng makita ung mukha ni Havana

Bakit ang lungkot niya?

"Couz, okay ka lang ba? sorry kong nayugyog kita kanina." pero ang lungkot talaga ng mga mata niya. Tinignan ko naman ung computer na nasa harap namin at sinubukang hanapin ung apelyido niya

21.Gonzales, Xander L.
22.Gray, Kevin S.
23.Gray, Sophia H.
24.Green, Philip R.
25.Ho, Cristine D.
26.Hope, Xyrll F.

Pero wala akong nakita

"Couz." niyakap ko lang siya. Alam kong sobrang lungkot niya ngayon. Ganun din naman ang mararamdaman ko kapag nangyari sa akin to

"Okay lang yan couz, alam ko namang ginawa mo ang best mo." pagco-comfort ko sa kanya

Hinarap naman niya ako tsaka pilit na ngumiti "Andrama mo couz." natatawang sambit niya na halata namang peke

Mahirap talagang magpanggap na masaya lalo na kapag malungkot ka

Nagulat naman ako ng bigla siyang tumayo at nagpunas ng luha "Di ako susuko! mag eexam ako sa Stoneville University." napangiti naman ako sa sinabi niya. Yan ang kilalang kong Havana Cezane Go!

-

Apat na araw na din ang nakalipas ng malaman namin ang naging resulta ng exam namin sa Staples University. At sa maniwala kayo sa hindi, nakapasa si Havana sa isa sa pumapangalawang sikat na school dito sa Manila. Ang Stoneville University

"Sabi ko sayo couz, makakapasa ka e." sambit ko kay Havana matapos naming makita ung resulta ng exam niya sa Stoneville University

"Magkaiba naman tayo ng school." oo nga no? bat di ko naisip un -.-! masyado din ata akong naapektuhan nung di nakapasa si Havana sa Staples University

Malulungkot na din sana ako kaso bigla kong nakita ung pout niyang mala dog style. Nag eemo ako dito e. panira!

"Couz, seryoso to a. makinig ka." sumeryoso naman ung mukha niya

"Pwede bang tigil tigilan mo na ang pag nguso?" takang taka naman ung mukha niya sa sinabi ko

"Huh? bakit naman?"

"Maliban kasi sa nagmumukha kang aso, nakakasira din ng pag eemote." ansama ko ba? atleast di ako plastik. Nagsasabi lang ako ng totoo

Napakunot noo naman ako ng tumawa siya ng malakas. Eh? "Couz, nagdru drugs ka ba?" tanong ko ulit sa kanya. Kong oo, kailangan na namin siyang ipa tokhang

Binatukan naman niya ako "Hoy couz a! masyado ka ng judgemental."

"Eh.. sorry naman, malay ko ba kong nagdru dr--" binatukan naman niya ako ulit. Pero ngayon mas malakas na!

"Aray couz a! nakakadalawa ka na." hinawakan ko naman ung ulo ko na binatukan niya. Ang sakit a! naalog ung mga brain cells ko

"Napaka judgemental mo kasi, hinayaan ko na ngang sabihin mo na mukha akong aso pag ngumu-nguso e." inirapan niya pa ako

Pwede ko din bang sabihin sa kanya na ang pangit niyang umirap?

_______,,,,,,_________,,,,,,,__________,,,,,,___

Written by: Nickzyvirusdetected

A/N: Spread labss lang kahit masyadong harsh ung part na to.
Hehe!~

Now, I Remember YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon