12: Mall

3 0 0
                                    

Free time namin ngayon dahil busy ang mga teacher namin sa gaganaping Acquaintance Party nextweek. Kaya ito kami ngayon ni Cora nakaupo lang at nakapalumbaba

"Nicole, labas tayo." napatingin naman ako sa kanya ng bigla siyang magsalita

"Saan naman tayo pupunta?"

"Sa MOA." nagtaka naman ako sa sinabi niya

"Hindi pwedeng lumabas diba?"

"Pwede yan, akong bahala." kinindatan niya pa ako tsaka niya ako hinila patayo

Pinunta ako ni Cora sa likod ng school kong saan mayroong nagsisitaasang pader. Di ko naman mapigilang di mapalunok habang nakatingin dito

"Wag mong sabihing aakyatin natin yan." tanong ko kay Cora tsaka ulit lumunok ng laway. Baka di na ako sinagan ng araw pag inakyat ko yan

"Ganon na nga." nanlaki naman ung mata ko sa sinabi niya

"Seryoso ka?" tumingin pa ako sa kanya na mukhang seryoso talaga sa sinabi niya. Jusko! kahit kailan di ko pinangarap na sa ganitong paraan ako mamamatay

Tumingin ulit ako sa pader. Kaya ko ba to?

"A-ah e-h mauna ka ng umakyat." sambit ko kay Cora

"HAHAHAHAH!" kunot noo naman akong lumingon sa kanya ng bigla siyang tumawa. Nasapian na naman ata siya ng kaabnormalan -.-!

"HAHAHAHA! ang epic ng mukha mo." halos mangiyak ngiyak pa siya habang nagsasalita. Kaya minsan naiisip ko ng tawagan ung hotline number ng mental hospital eh

Napanguso na lang ako at naupo sa bato. Hintayin ko na lang na matapos siyang tumawa

*1 minute later*

"Anong ginagawa mo diyan, tumayo ka nga." utos niya sa akin pagkatapos niyang tumawa ng halos isang minuto

Tumayo naman ako at pinagpagan ang paldang suot ko

"Tara na." sambit ni Cora tsaka iniabot sa akin ung kanang kamay niya. Wag niyang sabihing lilipad kami?

"Lilipad ba tayo?" tumawa na naman siya sa sinabi ko. Sige, puro tawa na lang ang chapter na to

"HAHAHAHA! hindi."

"Ano pala?" naguguluhan kong tanong pero di niya ako sinagot at hinila na naman ang kamay ko. Konting konti na lang mapipilayan na ako

Huminto kami sa isang pader kong saan mayroon ding matataas na damo at halaman na inalis naman ni Cora. Nung una naguguluhan pa ako sa ginagawa niya pero sa huli tinulungan ko na din siya

Nagulat naman ako ng matapos naming maalis ung mga damo at may nakitang gate palabas ng school. Napanguso naman ako, niloko ako ni Cora. Akala ko naman aakyat talaga kami sa pader at mag aala spider man

May inilabas naman siyang susi sa bulsa niya tsaka niya sinusian ung padlock ng gate para mabuksan. Kong nagtatanong kayo kong saan niya nakuha ung susi. Aba! malay ko ba, baka hiniram niya kay Camille

A/N: Sira-ulo din po ang ating bida kaya pagpasensyahan niyo na

Ng makalabas kami, dahan dahan niyang sinara pabalik ung gate tsaka kami naghintay ng masasakyan. Halos tatlong minuto din kaming naghintay bago makasakay ng taxi papuntang MOA

Ng makarating kami, niyaya agad ako ni Cora sa isang shop na di ko nakita ang pangalan

"Anong gagawin natin dito?" naguguluhang tanong ko

"Bibili ng dress natin." diretsyong sagot niya tsaka kami nilapitan ng isang sales lady

"Ano pong hanap niyo ma'm."

"Pwedeng makita ung best seller niyong gowns and dress dito."

"This way ma'm." sinundan naman siya ni Cora pero di na ako sumunod. Walang din naman akong alam diyan -.-!

Naglibot libot muna ako sa loob ng shop tsaka tumingin ng mga damit at sapatos. May nakita naman akong itim na heels na 3 inches ang haba

"Gusto niyo po bang sukatin ma'm?" nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ni ateng sales lady sa likuran ko

"Hindi po, tinitignan ko lang." sagot ko tsaka binaba ung hawak kong heels. Nakakagulat si ate, muntik na akong atakihin sa puso dahil sa kanya

"Nicole! halika dito." lumapit naman ako kay Cora ng tawagin niya ako

"Anong gusto mo dito sa dalawa." pinakita naman niya sa akin ung dalawang long gown na kulay red at silver

"Diba mahal yan?"

"Wag kang mag alala 10,000 lang to." nasampal ko na lang ung noo ko. Iba talaga pag mayaman

"Dali na, anong gusto mo? ung red o silver?"

"Ahh.. ung red na lang." sagot ko

"Wag ung red, ung silver na lang. Kunin ko itong silver ate." tsaka niya binigay kay ateng sales lady ung damit

Nasampal ko na lang ulit ung noo ko. Pinapili niya pa ako -.-!

Pagkatapos naming pumili ng damit este! pagkatapos pumili ni Cora ng damit dumiretsyo naman kami sa shop ng mga sapatos

"Nicole, ito bagay sa gown mo." pinakita naman niya sa akin ung 5 inch. na heels na kulay silver. Gusto niya ata akong mapilayan

"Baka di ko kayang ilakad yan."

"Kaya mo yan, halika dito." pinaupo naman niya ako sa mahabang upuan tsaka niya pinasuot sa akin ung heels

Ng masuot ko ung sapatos dahan dahan akong tumayo at binalanse ung sarili ko. Sana nga lang hindi ako matapilok

Huminga muna ako ng malalim tsaka dahan dahang ginalaw ung mga paa ko at diretsyong lumakad. Ng sa tingin kong hindi naman ako natutumba mas bilisan ko pa ang paglalakad kaya lang na out of balance ako at natumba

Ang sakit ng pwet ko!

To be continued..

_______,,,,,,_________,,,,,,,__________,,,,,,___

Written by: Nickzyvirusdetected

Now, I Remember YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon