6: Levi

4 0 0
                                    

Umayos kami ng upo ng dumating ung prof. namin na sa tansya ko ay nasa 37 years old na. Sakto naman ang pagdating namin ni Cora dahil wala pang isang minuto pumasok na ung magiging prof. namin. Sinundan naman namin siya ng tingin hanggang sa maibaba niya ung dala niyang bag sa mesa at tumingin sa aming lahat

"Good morning everyone." nakangiting bati niya sa amin na binati naman namin pabalik

"I'm Dinah Salvador and I'll be your class adviser this whole semester." seryosong pagpapakilala niya

"So, I will call your name one by one and you need to make a simple introduction about yourself." dagdag niya pa tsaka siya naupo at tinawag na kami isa-isa para magpakilala

-

Nag-inat ako ng kamay matapos ang dalawang oras naming klase kay Ms. Salvador. Di ko nga alam kong klase tawag dun e. Sinabi lang naman niya sa amin ung Rules and Regulations at Mission, Vision ng school

Niyaya ko naman si Cora na mag cr muna bago kami pumunta sa cafeteria. Kanina pa ako naiihi e, feeling ko nga sasabog na ung panubigan ko. Kaso bigla ko ring naalala na pangbuntis lang pala ung panubigan

Pagkatapos kong mag cr, dumiretsyo na kami sa cafeteria at umupo sa pinakadulong upuan kong saan walang masyadong tao. Minsan naguguluhan din ako kay Cora, siya ung maganda't mayaman na napaka simple at ayaw sa atensyon ng mga tao. Wala lang, nagulat lang ako na may mayaman pa rin palang ganyan

"Ang lalim ata ng iniisip mo?" nagulat naman ako ng magsalita si Cora. napunta na ata sa Mars ung utak ko

"Ahhh.. wala, naisip ko lang kong bakit sa dami ng estudyante dito sa school sa akin mo pa napiling makipag-kaibigan." di naman sa ayaw kong kaibiganin niya ako, pero nagtataka lang ako

"Bakit naman hindi sayo?" seryosong tanong niya tsaka humigop ng binili naming milktea. Hindi ko rin alam, bakit nga ba ako? maganda lang naman ako, matalino, at bumubuhat ng sariling bangka

"Di ko rin maintindihan nung una, pero nung nakausap kita ang gaan ng pakiramdam ko sayo. Weird right?" dagdag niya pa habang ngiting ngiting nakatingin sa akin

Napangiti naman ako sa sinabi niya
"Salamat."

"No, ako dapat ang magpasalamat sayo, dahil sayo nakakilala ako ng bagong kaibigan. Di ka naman siguro plastik kagaya ng iba diba?" tumango naman ako

"Good. kaya di ako nagsisisi na naging kaibigan kita or maybe bestfriend." mas lalo namang lumawak ung ngiti ko sa sinabi niya. Kong hindi dahil sa kanya baka naging loner na ako buong apat na taon

"Rydeee! Mahal na mahal kitaaa!"

"I love you Prince charming kooo!"

"Pakasalan mo na akooo!"

Napatakip na lang kami sa tenga ni Cora ng magsigawan ung mga babaeng estudyante dito sa cafeteria. Dinaig pa nila ung 'wang-wang ng ambulansya! Nakakabingi!

Tumingin naman ako sa may pinto at tinignan kong ano bang itsura nung 'Prince charming na tinutukoy nila. Kaso kahit anong tingala ko hindi ko makita dahil nahaharangan siya ng napakaraming babae. Kaya napag-pasyahan ko na lang na tumayo at makipagsiksikan sa mga estudyante kaysa maputol ang leeg ko at magkaroon pa ng stip neck kakatingala

Nasa harap na ako at nanlaki ang mata ng makita ung mukha ng lalaki. "LEVI?" tanong ko sa sarili habang tinititigan ng maigi ung mukha ng lalaki kaso mukhang minamalas ata ako at naitulak ako ng isa sa mga estudyante. Mabuti na lang at may humila sa akin patayo kundi, nahalikan ko na ung tiles ng cafeteria

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Cora kaya tumango ako "Buti na lang at sinundan kita dito, kong hindi baka naka lips to lips mo na yung tiles." ngumuso naman ako at nagkamot ng ulo. Kong nagkataon, ung tiles na nga sana ang makakakuha ng first kiss ko. Ang malas ko naman pag ganun -_-

"Wag mong sabihin na isa ka na din sa mga fans ni Ryde." Ryde? napatingin naman ako sa pinto. Nasaan na sila?

"Wag mo ng hanapin, nakaalis na sila kanina pa." mapang asar na sambit ni Cora "Ano? sasali ka na din ba sa fans club niya?"

"Huh?" yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko dahil biglang lumipad ang utak ko. Si Levi kaya un?

"Wag mo nga akong ma 'huh huh dyan. Sasali ka na din ba sa fansclub ni Ryde kako." fansclub? nino daw? ni Ryde? At dun lang nag sink in sa utak ko ung mga sinasabi niya

"Hindi a!" sigaw ko na nakakuha ng atensyon ng mga tao. Buti na lang at konti na lang ang estudyante dito sa loob. Pero kahit papano may hiya pa rin naman ako

Dali dali ko namang hinila si Cora palabas ng cafeteria at huminto sa gitna ng soccer field. Nakakapagod palang manghatak ng tao lalo na kapag nagmamadali ka

"Wala ka naman sigurong tinatakbuhan diba?" natatawang sambit ni Cora na halatang nag aasar pa

"Nakakahiya kaya un." sagot ko tsaka ngumuso

"HAHAHAH!" yan na naman si Cora sa tawa niyang pang mental hospital "Bat kasi masyado kang defensive, yan tuloy."

"Uyy! di kaya ako defensive." di naman talaga e! maissue lang talaga siya

"Hindi daw, pero kong makasigaw ng 'Hindi a!" ginaya niya pa ung ginawa ko kanina tsaka na naman siya tumawa ng tumawa. Jusko! isang araw pa lang kaming magkasama sobrang lakas na ng tama niya. Paano pa kaya sa mga susunod pang araw diba?

Inirapan ko na lang siya at nagsimula ng maglakad palayo ng bigla niya akong hilain

"Joke lang e, tara na nga." sambit niya tsaka kumapit sa braso ko

Hindi ko alam kong bipolar lang ba siya o may lahi talaga silang sira ulo. -.-!

_______,,,,,,_________,,,,,,,__________,,,,,,___

Written by: Nickzyvirusdetected

Now, I Remember YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon