14: Truth

2 0 0
                                    

"The winner is contestant number.."

"5!"

"3!"

"7!"

Todo tili naman ung mga tao habang isa isang sinisigaw ung mga numerong gusto nilang manalo

"Number.." napapikit naman ako at hinigpitan ang kapit sa laylayan ng palda ko

"5! Nicole Parker." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ng host at napuno ng palakpakan ung buong covered court

"Congratulations." nakangiting bati sa akin ng isang judge tsaka iniabot ung hawak niyang trophy at certificate. Napangiti naman ako at tumingin kay Mama na paakyat na ng stage at masayang hinawakan ang kamay ko

Kong hindi dahil Mama, baka hindi ko nagawa to at nanalo

"Smile." sambit ng camera man kaya mas hinigpitan ko pa ang hawak kay Mama at ngumiti sa harap ng camera

-

"Ang galing talaga ng anak ko, saan mo gustong kumain?" tanong sa akin ni Mama habang pinipisil ang pisngi ko

"Sa Jolibee!" masiglang sigaw ko

"Sige." nakangiting sagot ni Mama ng biglang mag ring ung cellphone niya. Nagpaalam naman siya sa akin na sasagutin muna ang tawag at sinabihan na maupo lang ako sa bench at wag aalis

Nilalaro ko lang ang mga paa ko habang nakaupo ng may marinig akong mga batang nagtatawanan. Tumingin naman ako sa diretsyon nila at napakunot noo

"Payatot! payatot!"

"Walis tingting!"

"Kalansay!"

"Ano ka? posteng naglalakad? HAHAHAHAH!"

"Hoy! three little pigs itigil niyo nga yan!" sigaw ko sa tatlong matatabang lalaki. Kong may darna, ako naman si dangga! charoott!

"Anong tinawag mo sa amin?" aba bingi!

"Three little pigs! tatlong matatabang baboy!" mukhang nainis naman sila sa sinabi ko at isa isa nila akong nilapitan

"Sige! subukan niyong lumapit isusumbong ko kayo sa Mama ko." tumawa lang naman sila sa sinabi ko. Akala ata nila nagbibiro ako

"Edi magsumbong ka. Samahan ka pa namin e." aba! samahan pala ah!

"Edi tara!" hinila ko naman ung mga kamay nila papunta sa nakatalikod na si Mama

Nagpumiglas naman silang tatlo "Joke lang un! di ka namin sasamahan." nainis naman ako bigla

"Anong hindi! kakasabi mo lang kaya kanina!"

"Nagbibiro lang kami. aalis na kami." tsaka na sila tumakbo paalis sa harap ko

"Mga duwag!" sigaw ko tsaka tumingin sa lalaking pinagtutulungan nila kanina

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya tsaka siya inalalayang tumayo

"Ayos lang ako, salamat." tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa. Di naman siya ganon kapayat, may laman nga siya eh. Insecure lang siguro ung tatlong baboy kaya inaasar siya

"Ahh.. Nicole nga pala." pagpapakilala ko tsaka iniabot ung kanang kamay ko para makipag shake hands. Mukhang nagulat naman siya sa biglaan kong pagpapakilala kaya napakamot ako ng ulo

"Sorry." masyado ata akong naging feeling close

"A-ayos lang, fist time lang kasi na may nagpakilala sa akin." nahihiyang sagot niya

Nginitian ko naman siya at iniabot ulit ung kanang kamay ko "Nicole." pag uulit ko tsaka siya ngumiti at nakipagshake hands "Levi."

*End of flashback*

"Ayaw mo ba talagang sumabay?" tanong sa akin ni Cora na inilingan ko naman

"Hindi na, magtataxi na lang ako." nakangiting sagot ko. Isa pa, masyado naman na ata akong sumosobra kong pati sa pag-uwi ko ihahatid niya pa ako. Siya na nga bumili at gumastos ng susuotin ko para sa Acquaintance Party namin eh

"Sigurado ka?" tumango naman ako

"Siguradong sigurado ka na talaga? di na magbabago isip mo?" natawa naman ako sa sinabi niya

"Hindi na magbabago ang isip ko." mukhang nakumbinsi ko naman siya kaya bumitaw na siya sa braso ko

"Basta mag-iingat ka."

"Oo naman." nakangiting sagot ko kaya nagpaalam na siya at naglakad papunta sa nag aabang nilang sasakyan

Huminga naman ako ng malalim tsaka tumingin sa wrist watch na suot ko. 6:05pm na. Masyado ata kaming nawili sa kakakanta ni Cora

"Nicole." lumingon naman ako sa taong tumawag sa pangalan ko at nagulat ng makita kong sino ito

"Tita Anne." tawag ko sa nanay ni Levi tsaka kami yumakap sa isa't isa

"Kailan ka pa nakauwi?"

"Last month lang po." nakangiting sagot ko

Nginitian naman niya ako pabalik pero hindi ung ngiting masaya. Kundi, ngiting may kasamang takot at lungkot

"May kailangan kang malaman." seryosong sambit niya na nagpakaba bigla ng dibdib ko

"Ano po un?" hinawakan naman ni Tita ang mga kamay ko at yumuko. Napakalamig ng mga kamay niya

"Sorry, pero sana maintindihan mo."

"Ano pong ibig niyong sabihin." mahinang sagot ko. Nakita ko naman ang pagtulo ng luha niya

"Si Levi.." huminto siya saglit kaya mas lalong nadoble ung kabang nararamdaman ko. Anong meron kay Levi?

"..nagkaroon siya ng amnesia." bigla namang nag blanko ung utak ko at parang nabingi sa narinig ko

"P-po?" nauutal kong tanong ng may tumulong luha galing sa mata ko. Hinawakan naman ng mas mahigpit ni Tita ang mga kamay ko at tinignan ako ng diretsyo

"Sinundan ka niya.. sinundan ka niya nung paalis kayo ng Manila at tinakas ang kotse ng Tito Lucas mo.. at dun siya naaksidente." bigla namang sumikip ang dibdib ko. Dahil sa akin kaya siya nadigrasya at nagka amnesia

"S-sorry po." umiiyak na sambit ko. Akala ko nung time na nagkita kami nagpapanggap lang siyang hindi ako kilala pero ang totoo hindi na pala niya ako naaalala

Niyakap naman ako ni Tita "Wala kang kasalanan anak, kami ang may kasalanan. Dahil sa amin di ka na niya naaalala." umiling naman ako tsaka umiyak ng umiyak. Wala silang kasalanan. Dahil kong ako rin ang nasa posisyon nila gagawin ko ang alam kong makakabuti para kay Levi

Dapat lang akong sisihin sa nangyari

_______,,,,,,_________,,,,,,,__________,,,,,,___

Written by: Nickzyvirusdetected

Now, I Remember YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon