19: Update

1 1 0
                                    

*Ting!*

Dali dali naman akong tumingin sa cellphone ni Shiela ng tumunog ang notif. niya. Kaso mukhang mali ata ung ginawa ko dahil pinag tinginan nila akong tatlo

"Bakit ganyan kayo makatingin?" tanong ko sa kanila dahil di ko nagugustuhan ang mga titig nila sa akin

"Sabihin mo Nicole, fans ka din ba ni Ryder?" naniningkit matang tanong sa akin ni Ria kaya napa face palm ako

"Ano bang pinagsasabi mo." sagot ko sa kanya. Kahit kailan di ko naisip na maging fans ni Levi

"Bakit pala nung tumunog ung cellphone ko mas nauna ka pang tumingin sa amin sa screen?" naniningkit mata ding tanong ni Shiela kaya peke akong tumawa na parang baliw. Sige Nicole! pagtakpan mo ang katangahan mo

"HAHAHAH! ano bang pinagsasabi mo. Nagkataon lang siguro na tumunog ung cellphone mo tapos tinignan ko ung oras." natatawa pa ring sambit ko para effective ang acting ko. Ewan ko lang kong di pa sila maniwala, ang taas kaya ng grade ko nung SHS sa mga role play

"Pero may suot kang relo." sambit naman ni Maxine kaya huminto ako sa kakatawa at tumingin sa relo ko. Putakteng yan!

"A-ah eh, di kaya to gumagana! props lang ganon. Hehe." kamot ulong sambit ko tsaka tinago sa bag ko ung suot kong relo. Ang galing kasi ng palusutan mo Nicole eh!

"Okay." sambit naman nilang tatlo tsaka ulit tumingin sa cellphone ni Shiela. Nakahinga naman ako ng maluwag. Dinaig pa nila ang prescon. kong magtanong

"Nicole! may naghahanap sayo." napatingin naman ako kay Jenny na pulang pula ang mukha ng tawagin niya ang pangalan ko

"Sino?" taka kong tanong pero mukhang napipi na siya sa sobrang kilig at hindi na makapag salita. Kaya tumayo na ako at pumunta sa tapat ng pinto. Sino namang naghahanap sa akin?

"Harry, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya ng makita siyang nakasandal sa pader na parang nagpo-photoshoot. Si Harry ung lalaking nagyaya sa aking sumayaw noong Acquaintance Party. At nalaman ko din kay Cora na star player siya ng soccer

Tumingin naman siya sa akin at ngumiti ng sobrang lapad "Yayain sana kitang kumain sa labas mamayang uwian. Kong okay lang sayo." napakunot noo naman ako

"Oh teka! as a friend." napangisi naman ako at natawa sa sinabi niya. Kaso may gagawin ako mamaya

"Pwede bang sa susunod na araw na lang." nakita ko naman ang pag lungkot ng mukha niya pero agad din naman niyang binawi ng ngiti

"Ayos lang naman." sagot niya kaya napangiti ako. Siya ung taong madaling pakiusapan kaya natutuwa ako sa kanya

"Ahmm.. may sasabihin ka pa?" nagkamot naman siya ng ulo

"Pwede bang makuha number mo?" nahihiyang sambit niya kaya natawa ako. Binigay ko naman sa kanya ung number ko at nagpaalam na siyang umalis. Pero bago un, may binigay muna siya sa aking box ng chocolate at kumaripas na ng takbo. May lahi din pala siyang kabayo!

"Iba din." nagulat naman ako ng makita si Cora sa harap ko habang nakatingin sa tumatakbong palayo na si Harry

"Alam mo ba na ngayon lang nag seryoso yan sa babae." sambit ni Cora. Dahil bukod sa star player ng soccer si Harry ay playboy din siya. Un ang sabi ni Cora, kasi ngayon lang naman ako lumipat sa Staples University at di ko pa siya masyadong kilala. Pero lahat naman tayo nagbabago diba?

"May update na ba kay Ryder?" out of the topic na tanong ni Cora kaya napatingin kaming dalawa sa tatlo na ngiting ngiti na ngayon. Mukhang di ko na siya kailangang sagutin dahil alam na namin ang sagot

"May update na ba?" tanong ni Cora sa tatlo ng makalapit kami. Sabay sabay naman silang tumango. Bat nung si Cora ung nagtanong walang malisya? Bat nung ako tumingin lang sa cellphone ni Shiela may malisya na? Ano to? favouritism?

"Okay na ang asaw--" pero bago pa matapos ni Ria ung sasabihin niya tinakpan nila Shiela at Maxine ung bunganga niya. Mukhang ayaw nilang tawagin ng isa sa kanila na asawa si Levi. Gusto nila sila lang! mga sira-ulo!

"Okay na ang Prince Charming namin nagpapahinga na siya sa bahay namin." napakunot noo naman si Maxine sa sinabi ni Shiela

"Anong bahay niyo?"

"Bahay nila ang ibig kong sabihin." pagtatama naman niya kahit 'bahay namin naman talaga ung sinabi niya

"Ayusin mo kasi." sambit naman ni Maxine at nakangiting tumingin sa amin "Wag kayong mag-alala, aalagaan ko siya." tinignan naman siya ng masama nila Ria at Shiela

"Ang ibig kong sabihin.. aalagaan siya ng Mommy nami-- este! mommy niya." pagtatama naman niya dahil sobrang sama ng titig sa kanya ng dalawa. Kong nakakamatay lang ang titig malamang pinaglalamayan na siya ngayon

_______,,,,,,_________,,,,,,,__________,,,,,,___

Written by: Nickzyvirusdetected

Now, I Remember YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon