2: Staples University

6 0 0
                                    

"Couz, ito pala ung mga requirements na dapat nating dalhin mamaya." iniabot naman sa akin ni Havana ung isang papel na naglalaman ng mga requirements na dapat naming dalhin para sa entrance exam mamaya. Nag-hahanap na kasi kami ng mapapasukang school para sa college

"Okay na couz. Salamat." binalik ko na sa kanya ung papel at tumayo para maghanap ng masusuot. 10am kami aalis at may isang oras pa kami para mag-ayos

"May kulang ka pa ba couz?" tanong ko kay Havana na busy sa pag aayos ng mga requirements niya

"Wala naman na, aayusin ko na lang."
tinanguan ko naman siya tsaka kinuha ung twalya ko para maligo. Kong nagtataka kayo, magkasama lang kami sa iisang kwarto ni Havana, pero magkaiba kami ng kama at may tag-isa kaming cabinet

"Mauna na akong maligo sayo couz." sambit ko tsaka isinara ang pinto ng banyo

Pagkatapos naming mag-ayos ay bumaba na din kami at nagpa-alam sa mga magulang namin. Simpleng printed white shirt, high waist jeans, at vans na sapatos lang ang suot ko

-

Unang school na pinuntahan namin ay ang Staples University, na isa sa pinakasikat na school dito sa Manila
Nasa labas pa lang kami ni Havana pero namangha na kami sa gate ng school. Kulay gold! tapos may malalaking letra kong saan nakalagay ung pangalan na 'STAPLES UNIVERSITY

Pero mas namangha kami at literal na napanganga ng pasukin na namin ung mismong loob. Napalawak at NAPAKAGANDA!

"Sigurado ka bang school to couz?" tanong ko kay Havana na hanggang ngayon nakanganga pa rin

Natawa naman ako sa itsura niya "Couz! ung langaw, baka pumasok na sa bunganga mo." tiniklop naman niya ung bunganga niya ng mapansin niyang kanina pa pala siya nakanganga

"Sa ilang taong pamumuhay ko dito sa Manila, ngayon lang ako nakapasok dito." mahinang bulong niya na narinig ko naman

Pero nagulat ako ng biglang magbago ung ekpresyon ng mukha niya at nagform ng heart shape ung mga mata niya "Maraming gwapo dito panigurado." kinikilig pa na sambit niya habang nakatitig sa kawalan. Nasampal ko na lang ung noo ko

"Couz, kaya tayo nandito para mag exam, hindi para mag boy hunting." singit ko naman sa pag di-day dream niya. Ang layo na ng narating eh, nasa Mars na ata

"Panira ka naman couz eh, suportahan mo na lang ako." sambit niya pa tsaka ipinulupot ung kanang kamay niya sa braso ko

Napairap na lang ako sa sinabi niya
"Oo na lang." sagot ko tsaka na kami naglakad papuntang library

-

"Couz! pagod na ako." hinihingal na sambit ko kay Havana habang nakaupo sa mga bench dito sa school. Paano ba naman kasi, kanina pa namin hinahanap ung library pero di namin makita

"Ako din couz, feeling ko madedehydrate na ako sa kakalakad natin." sagot naman niya na hingal na hingal din

"Di mo ba napapansin, parang paikot ikot lang tayo." feeling ko nga naikot na namin ung buong school e

"Pinagloloko ata tayo ng guard e, sabi niya nasa first floor ung library, e nasa fourth floor na tayo." binatukan ko naman siya

"Couz naman e! bakit ngayon mo lang sinabi na nasa first floor ung library!" Eh sa di ko naman narinig ung sinabi ng guard. Tapos ito namang si Havana alam naman palang nasa first floor ung library, inakyat pa namin hanggang fourth floor! Jusko! bakit ko ba naging pinsan to!

Halos atakihin naman ako sa puso ng makababa kami ni Havana ng first floor. May mga nakasalubong din kaming mga estudyante na halatang kakatapos lang mag exam at ung iba naman ay palabas pa lang ng library

"Kasalanan mo to couz e. tignan mo nga mga itsura natin para tayong ni-rape." inis na sambit ko kay Havana habang nag-aayos sa harap ng salamin. Mabuti na lang at may dala kaming pang retouch kong hindi baka napagkamalan na kaming narape

"Sorry na nga couz e." nakapout pa na sabi niya na akala mo ikinaganda niya un. Nagmukha lang siyang aso -.-

"Pasalamat ka mabait ako, kong hindi papalayasin kita sa bahay niyo." kumunot naman ung noo niya sa sinabi ko

"Hoy couz a! bad yan!" natawa na lang ako sa naging reaksyon niya, para siyang asong di makatae. HAHAHAHA!

Ng makuntento na kami sa mga itsura namin at naging taong muli, lumabas na kami ng cr at pumunta na sa library

"Good morning ma'm." bati naming dalawa ni Havana sa prof. na siyang nagbibigay ng exam. Inabutan naman niya kami ni Havana ng tig tatlong questionnaire at tsaka sinabihan na di kami pwedeng magtabi sa iisang table. Dapat daw magkahiwalay. kasi wala daw forever! charoott!

Umupo naman ako malapit sa may bintana habang si Havana naman ay umupo malapit sa table ng prof. Sa tansya ko mga bente mahigit pa kaming nag eexam dito sa loob. Sinimulan ko ng sumagot at binasang maigi ung mga tanong. Kaya mo to Nicole! makakapasa ka

Ng matapos na akong mag exam nag inat muna ako ng kamay at tinignan si Havana. Mukhang tapos na din siya, kaya sabay na kaming tumayo at nagpasa

-

12:39 na ng tanghali ng makauwi kami ni Havana sa bahay nila. Mga 12:11 kasi kami natapos mag exam kanina

"O kamusta exam niyo?" bungad na tanong sa amin ni Tita pag-uwi namin

"Ayos lang naman po." sagot ko tsaka umupo sa sofa sa may sala. Si Havana naman pumunta sa kusina para uminom ng tubig

Napalingon naman kami ni Tita sa may kusina ng magsalita si Mama "Paano niyo pala malalaman kong nakapasa kayo?" tanong niya na halatang kakatapos lang magluto ng tanghalian

"Ioopen daw po namin ung website ng school para makita kong nakasama ba ung pangalan namin sa mga nakapasa. Pag wala po dun ung pangalan namin, magbigti na daw po kami." nagulat naman si Mama at Tita sa huling sinabi ko

"At syempre, joke lang po un." natatawang sambit ko kaya parehas nila akong sinamaan ng tingin

_______,,,,,,_________,,,,,,,__________,,,,,,___

Written by: Nickzyvirusdetected

Now, I Remember YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon