17: Hide

3 0 0
                                    

Halos lumuwa na ang mga tutuli ko sa tenga sa sobrang lakas ng music dito sa loob. Si Ria, Shiela at Maxine naman ay kasama ko na ngayon sa table. Akala ko nga wala na silang balak bumalik eh. Pero naman! puro tingin sila kay Levi na malapit lang din sa table namin tsaka sila sabay sabay na hahagikgik at maghahampasan

Nasampal ko na lang ang noo ko sa pinag-gagawa nila. Mabuti na lang nakatalikod ako sa pwesto nila Levi kaya di ko siya nakikita. At isa pa, ayaw ko din siyang makita -.-!

"Kyahh! tinignan niya ko!" kinikilig na sigaw ni Ria kaya napatingin ako sa kanya

"Ako ang tinignan niya wag kang assuming." sabat naman ni Maxine

"Ako talaga ang tinignan niya parehas lang kayong assuming." sambit naman ni Shiela. At sa pangalawang pagkakataon, nasampal ko na naman ang noo ko. Kailan ba nila balak tumigil? na oout of place na ko dito T_T

"Good evening everyone!" napalingon naman kaming lahat sa stage at tumigil ang malakas na music

"Welcome to our Acquaintance Party 2019!" dagdag pa ng Dean na siyang nagsasalita at malakas na sigawan naman ang maririnig

"And let us all enjoy the party!" pagkatapos niyang sabihin un namatay ang mga ilaw at napalitan ng iba't ibang kulay. Pati na din ang tugtog ay napalitan. Di na ata Acquaintance Party to Bar Party na. charoott!

Nanunuod lang kami ng mga intermition number habang nakaupo at kumakain. Paniguradong busog ako nito! ang sasarap ba naman ng pagkain lalong lalo na ung beef steak na paboritong paborito ko

"Di ko alam na ang takaw mo palang kumain." sambit ni Shiela na nasa kalahati pa lang ang bawas ng pagkain niya. Eh ako? ubos ko na ung pagkain ko. Kulang pa nga eh

"Oo nga, hindi halata sayo." dagdag naman ni Maxine. Kong alam lang nila na hindi ako tumataba kahit anong kain ko -.-

Napakamot na lang ako ng ulo sa sinabi nila. Minsan lang naman ako maging matakaw eh. Kaso naisip ko hindi pala minsan, madalas. Hehe

Tumayo naman ako at pumunta sa lamesa kong saan nandun ang mga pagkain. Natakam naman ako ng makita ko ang paborito kong beef steak na kumakaway pa at sinasabi sa akin na 'kunin mo ko at damihan mo. At syempre di na ako nag dalawang isip pa at sinandok na ung beef steak. Okay na sa akin ung tatlong sandok kasi masyado naman na atang marami kong lima

A/N: Nahiya ka pa, di mo na lang kinuha lahat

NICOLE: Wala kang pake author! tiyan ko to

A/N: -_-

May nakita naman akong chocolate fountain kaya kumuha ako ng sampung marshmallow at isinawsaw dito. Bente pa nga sana kukunin kong marshmallow eh, kaso baka di na kayanin ng tiyan ko. Minsan takaw mata pa naman ako

A/N: Buti alam mo

NICOLE: Tse!

Ngiting ngiti naman akong bumalik sa table namin at gulat na gulat naman silang tatlo ng makita ang plato ko

"May alaga ka bang dragon sa tiyan mo?" tanong sa akin ni Ria na hindi makapaniwala

"Wala." nakangusong sagot ko. Kong may dragon man sa loob ng tiyan ko malamang busog na busog siya ngayon dahil laging kumakain ang amo niyang takaw mata

"May marshmallow pala pahingi ako." sambit ni Maxine na handang handa ng kumuha ng marshmallow sa plato ko pero tinapik ko ung kamay niya

"Kumuha ka ng sayo." sambit ko tsaka isinubo ung beef steak na nasa kutsara ko

"Damot." nakangusong sambit niya kaya tumayo siya at kumuha ng sarili niyang marshmallow. Di naman ako madamot eh. di lang talaga ako mapag-bigay -.-!

"Nicole." napalingon naman ako ng may tumawag sa pangalan ko

"Pwede ba kitang makausap?" sambit ni Cora na mukhang kinakabahan

"Oo naman." sagot ko tsaka tumayo na ng bigla kong maalala ung pagkaing maiiwan ko. Goodbye beef steak and marshmallows mamimiss ko kayo T_T

Pumunta naman kami ni Cora sa backstage at pinakiusapan ako na kumanta dahil nagkasakit ung dapat kakanta para sa susunod na intermition mamaya. At dahil busog ako ngayon at matagal na din akong hindi nakakakanta sa stage pumayag na ako

"Thank you!" masayang sambit ni Cora tsaka ako niyakap

"Always welcome." nakangiting sagot ko ng may bigla akong maalala

"Ahh.. Cora, pwede bang mag suot ako ng mask habang kumakanta mamaya? kahit ung mata ko lang ang natatakpan." nagtaka naman siya sa sinabi ko

"Bakit naman?"

"A-ano kasi.. nahihiya ako." mukhang di naman siya kumbinsido sa sagot ko pero pumayag na din siya at binigyan ako ng purple na mask. Di naman sana ako magsusuot ng mask kong hindi ung paborito naming kanta ni Levi ang kakantahin ko. At isa pa, ayaw ko ding malaman nila na ako ang kumakanta. Mamaya pumiyok pa ako habang kumakanta edi nabash pa ako. Mas mabuti na ung sigurado

_______,,,,,,_________,,,,,,,__________,,,,,,___

Written by: Nickzyvirusdetected

Now, I Remember YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon