10: Box

3 0 0
                                    

Pagkatapos ng pagtatanong sa akin ng IS dumiretsyo na ako sa classroom at hinintay si Cora. Mukhang malalate ata siya

Nginitian ko naman siya ng makita siyang papasok ng classroom kasabay ng prof. namin na may dala dalang invitation at bag

"Good morning everyone." bati ng prof. namin tsaka kami bumati pabalik

"May invitation akong ibibigay sa inyo para sa darating ninyong Acquaintance Party." nagsihiyawan naman ung mga kaklase ko

"Yeah! party party!"

"Woohhh!"

"Masaya to!"

"QUIET!" sigaw ng prof. namin na nagpatahimik sa buong klase

"7pm ang start ng event at gaganapin ito by next week sa Hotel ng school. Kaya ngayong week na to dapat naghahanda na kayo ng mga susuotin ninyo." susuotin? napabuntong hininga naman ako. siguro naman may dress si Havana na pwede niyang ipahiram sa akin

"Kong may mga tanong pa kayo, raise your hands."

"Ma'm formal po ba ang isusuot namin?" napairap naman ung prof. namin kay Kenneth na siyang nagtanong

"Alangan naman Mr. Torres, may '
Acquaintance Party ba na nakapang bahay ang suot." natawa naman kami sa naging reaksyon niya. Ngumuso pa siya at nagpakalumbaba

"May mga tanong pa ba kayo, maliban sa walang kwentang tanong ni Mr. Torres."

Nagtaas naman ng kamay si Shiela
"Yes Ms. Mondragon."

"Hanggang ilang inch po ung heels ng mga babae."

"Dapat 1-5 inch lang, wala ng lalagpas pa dun." tumango naman si Shiela

"Okay ma'm."

"Meron pa ba?" nung wala ng nagtaas ng kamay isa isa na niyang iniabot sa amin ung mga invitation

"Bago ko pa makalimutan, wag na wag niyong wawalain ang mga invitation ninyo dahil ipapakita niyo yan bago kayo makapasok ng venue."

"Yes ma'm." sagot naming lahat tsaka na siya nagpaalam dahil aasikasuhin na daw nila ang gaganaping event dito sa school

-

"May isusuot ka na ba?" tanong sa akin ni Cora habang naglalakad kami papuntang cr

"Maghihiram na lang siguro ako sa pinsan ko."

"Ayaw mo bang pumunta sa MOA?" umiling naman ako. May ipon naman ako kahit papano, pero baka di rin magkasya

"Baka di rin kasi magkasya ung ipon ko."

"Edi ililibre kita." nagulat naman ako sa sinabi niya

"Wag! manghihiram na lang ako ng dress sa pinsan ko."

"Ayaw mo ba?" nagpuppy eyes pa siya habang nakatingin sa akin. Isang beses na din niyang nagawa sa akin yan nung time na nilibre niya ako ng pagkain sa cafeteria. At sa totoo lang, effective ang acting niya -.-!

Napabuntong hininga naman ako "Nakakahiya."

"Anong nakakahiya dun? at isa pa ako naman ang nag alok sayo, nagkusa ako." napakamot na lang ako ng ulo. Mukhang wala na akong magagawa

"Basta! ililibre kita sa ayaw at gusto mo. Period." sambit niya tsaka na pumasok sa isa sa mga cubicle ng banyo. Kanina pa pala kami nakatayo dito

-

Mag-isa na lang akong bumalik sa classroom namin dahil tinawag si Cora ng President namin na si Camille. May meeting ata sila kasama ng iba pang President at Vice President ng bawat Department

Ng makarating ako ng classroom may nakita akong kahon sa ibabaw ng upuan ko. May nakalagay naman na sticker at nakitang nakapangalan sa akin. Kanino naman galing to?

Bubuksan ko na sana ung kahon ng may mapansin ako sa peripheral vision ko na nakatingin sa akin. Napangisi naman ako, mukhang alam ko na kong kanino galing to

Ryder's POV

"Kamusta?" tanong ko kay Lance na siyang inutusan ko para padalhan ng box si Nicole na naglalaman ng maraming i--

"Boss, nakahalata ata siya." napakunot noo naman ako

"Paanong nakahalata?"

"Mukhang alam na niya na sayo galing ung box." nasampal ko naman ung noo ko. Palpak!

"Gawan mo ng paaraan, dapat mabuksan niya ung box."

"Ano ba kasing laman nun boss."

"At kailan ka pa naging interviewer!? gawin mo na lang ang inuutos ko."

"Okay boss."

"Good." tsaka ko na pinatay ung tawag. Mukhang palpak ang plano ko

Nicole's POV

Kumuha ako gunting at dahan dahang pumunta malapit sa pintuan kong saan may nakita akong nakatingin sa akin kanina. Sa mga araw na may ginagawa sa aking kabwisitan si Levi aminin ko man o hindi, pero hindi talaga ako naging handa. Pero ngayon, handa na ako. Handa na akong manaksak ng tao. charoot!

"Okay boss." huminto naman ako at nagtago. Mukhang kausap niya sa cellphone si Levi. Magkano kaya binayad niya dito? kaya pati pagtawag sa kanya may pa 'boss boss pa. Bosbusabos naman -.-!

At bago pa maibalik ng lalaki ung cellphone niya sa bulsa tinutukan ko na siya ng gunting sa leeg

"Sino ka." tanong ko sa lalaki. Itinaas naman niya ung dalawa niyang kamay sa ere

"L-lance."

"Anong ginagawa mo dito. sinong nag utos sayo." di naman siya sumagot. Mukhang pagtatakpan niya pa ung bosbusabos niyang si Levi

"W-al--" di niya pa natatapos ung sasabihin niya ng sumigaw ako

"SINO!" sigaw ko. practice lang, malay mo effective. Hehe

"S-si Boss." nasampal ko na lang ung noo ko sa katangahan niya. Pangalan ang kailangan ko hindi ung tawag niya sa nag utos sa kanya -_-

To be continued..

_______,,,,,,_________,,,,,,,__________,,,,,,___

Written by: Nickzyvirusdetected

Now, I Remember YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon