11: Suprised

3 0 0
                                    

"SINO!" sigaw ko. practice lang, malay mo effective. Hehe

"S-si Boss." nasampal ko na lang ung noo ko sa katangahan niya. Pangalan ang kailangan ko hindi ung tawag niya sa nag utos sa kanya -_-

Hinila ko naman siya papasok ng Janitor room at itinali sa pader. Ewan ko lang kong makatakas pa siya dyan

"Sinong boss ang tinutukoy mo." tanong ko ulit sa lalaki

"Si a-ano, si.."

"Sino nga!" hina highblood ata ako ng lalaking to

"S-si R-ryder." napangisi naman ako. sabi ko na nga ba eh

Lumapit ako sa kanya at itinaas ung hawak kong gunting "W-wag mo k-kong saktan, s-sinabi ko n-na sayo." natawa naman ako sa itsura niya. Wala naman talaga akong balak na saktan siya, tinatakot ko lang siya

"Hindi kita sasaktan kong idadala mo pabalik kay Levi ung box na dapat ay sa akin."

"P-pero." itinutok ko naman sa kanya ung hawak kong gunting

"Wala ng pero pero! gagawin mo ba o gusto mong pagpyestahan ng lamok dito." napalunok naman siya. Mukhang effective ang acting ko. Kahit papano nakatulong din sa akin ang panunuod ng mga action movies

"S-sige gagawin k-ko, basta pakawalan mo na a-ako dito." ngumisi naman ako

"Deal."

Ryder's POV

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area please try your call later."

Napamura naman ako ng hindi ko macontact si Lance. F*uck! ano na bang nangyari sa lalaking un. Nandito ako ngayon sa secret room namin kong saan ako at ang mga utusan ko lang ang nakakalam. Naupo ako sa sofa at sinubukan ulit kontakin ang number niya pero kagaya kanina wala pa ring sumasagot

"Bullsh*t!"

Napatayo naman ako ng may kumatok sa pintuan. Baka si Lance na to. Siguraduhin niya lang na nagawa niya ng maayos ung pinapagawa ko

Binuksan ko ung pinto at napakunot noo ng may makitang regalo sa tapat ng pintuan. Sino namang hangal ang nagturo sa secret room namin

To: Prince Charming
From: Levinatics Fansclub

FUN FACT:

- Walang fansclub si Ryder na Levinatics ang pangalan. Sadyang mataba lang ang utak ni Nicole kaya gumawa siya ng sarili niyang fansclub para sa gagawin niyang plano

Sinarado ko ung pinto at ipinatong sa mesa ung bitbit kong regalo na galing na naman sa mga fans ko. Ibang klase!

Binuksan ko ung regalo at napamura ng may nagsiliparang insekto palabas ng kahon

"Putang *na! ito ung kahon na hinanda ko para kay Nicole!"

Nicole's POV

Tawa ako ng tawa habang nagtatago sa likod ng sasakyan na mukhang pag mamay-ari ni Levi. Rinig na rinig kasi hanggang dito ung tili niya. Ang bilis talaga ng karma!

Pasalamat nga siya at bumili pa ako ng gift wrap at laso para balutin ung kahon. Effort din un no! takot ko na lang na mahuli niyang ung kahon na pinadala niya para sa akin at natanggap niya ay iisa

Tumingin naman ako kay Lance tsaka nag thumbs up. Napakamot na lang siya ng ulo. Pasalamat nga siya at un lang ang ginawa ko sa amo niya. Pero ung mga ginawa sa akin ng amo niya hindi makatarungan!

Unang una, pinalagyan niya ng dalawang malalaking bato ung bag ko kaya umuwi ako ng bahay na sobrang sakit ng balikat. Pangalawa, pinalitan niya ng suka ung water bottle ko na ang dapat laman ay tubig. Pangatlo, pinuno niya ng mukha niya ung labas ng locker ko kaya napagkamalan ako ng mga fans niya na may gusto sa kanya. Like wtf! Pang apat, sinadya niyang tamaan ako ng bola habang naglalaro sila ng basketball kaya nawalan ako ng malay ng halos dalawang oras. Pang lima, pinalagyan niya ng super glue ung upuan ko kaya umuwi ako na punit ang palda. At ang huli! padadalhan niya ako ng kahon na may mga lamang insekto na siya ring nagbukas. Kasalanan niya yan! di niya kasi ginalingan

*Bzzt bzzt* kinapa ko naman ung cellphone ko sa bulsa ng may maramdaman akong nag vibrate

From: Cora

Nicole, nasaan ka? nandito na ako sa classroom

Nireplyan ko naman siya agad

To: Cora

Papunta na ako diyan, may inasikaso lang ako saglit

From: Cora

Okay! ;)

Tumingin naman ako kay Lance na mukhang kinakabahan na sa boss niyang bosbusabos. Kasalanan niya din yan, bakit kasi siya nagpahuli

Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad papuntang classroom. Ang layo pa ng lalakarin ko. Paano ba naman kasi malapit sa parking lot ung secret room nila

Nakarating na ako ng classroom at nakita si Cora na tutok na tutok sa cellphone niya. Minsan nangingiti pa siya kaya di na niya ako napansin na nandito na sa classroom

Dumiretsyo naman ako sa likod niya at sinilip ung ginagawa niya. Kaya naman pala siya kinikilig eh, nakakita ba naman ng pic. ni Jimin na naka topless. K-pop fan din kasi si Cora at gustong gusto niya ang BTS lalong lalo na si Jimin na ultimate crush niya

Mahina naman akong natawa ng bigla niyang izoom-in sa mismong abs ni Jimin ung picture. Napangisi naman ako. Huling huli sa akto!

_______,,,,,,_________,,,,,,,__________,,,,,,___

Written by: Nickzyvirusdetected

A/N: Kaway kaway sa mga army na kagaya ko. Hello sa inyo! sinong bias niyo sa BTS? Ako si Taehyung *_*
Hihi!~

Now, I Remember YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon