4: Prince Charming

4 0 0
                                    

This is it pancit! sobrang saya ko dahil papasok na ako ngayon sa isa sa pinakasikat na school dito sa Manila. Kahit papano ung mga kabang iniisip ko nung papunta pa lang kami dito ay nawala. Kaya nagpapasalamat ako sa Diyos dahil di kami pinagtatagpo ng landas ni Levi. Di naman sa ayaw ko siyang makita, pero parang ganun na nga. Hehe

"Couz, di ka pa ba nagsasawang tumitig diyan sa salamin?" tanong sa akin ni Havana habang nakatingin sa reflection ko sa salamin. Kanina pa kasi ako nakatayo sa harap ng salamin. Eh sa natutuwa ako sa uniform naming pang Korean. Ang cute kaya ^.^~

"Ang cute kaya couz, idagdag mo pa ung maganda kong mukha." parang nandiri naman siya sa sinabi ko. Ganyan talaga pag mag-pinsan, walang suportahan lalo na pag sinabi mong maganda ka -.-

"Okay na sana ung uniform e, kaso dinagdagan mo pa." di ko na lang pinansin ung sinabi niya at hinagisan siya ng unan sa mukha

Bulls eye! (di ko alam kong tama ung spell, correct me if I'm wrong)

Dali dali naman akong tumakbo palabas ng kwarto at sinarado ung pinto "Mauna na akong pumasok sayo couz. Labyuu!" sigaw ko sa kanya habang pababa ng hagdan. Baka pag di pa ako bumaba gantihan niya lang ako

Mas mabuti na ung sigurado

Kumuha naman ako ng dalawang chicken sandwich sa mesa at nagpaalam na kay Mama at Tita para pumasok. Paglabas ko ng bahay nagtawag lang ako ng tricycle sa may paradahan at hinintay na ibaba ako sa Staples University

-

Nandito na ako sa loob ng school at sinusubukang hanapin ung HRM Department. Sana nga lang at di ako maligaw, kaso mukhang naliligaw na ako -.-! Nahihiya naman akong magtanong sa mga estudyanteng nakakasalubong ko at baka sabihan nila akong feeling close

Naglakad lakad lang ako hanggang makarating ako ng cafeteria. Kong dito kaya ako magtanong? Papasok na sana ako sa loob ng may makasalubong akong mga estudyanteng nagtatakbuhan

"Nandiyan na daw siya!"

"Dalian mo! tignan natin!"

"Kyaahhh! ung prince charming koo!"

Prince Charming? wag mong sabihing may nag aaral na prinsipe sa school nato? Magsisimula na sana akong magday dream ng bigla akong maitulak ng isa sa mga estudyante

"Sorry." paghingi ng paumanhin ng babaeng nakabangga sa akin

"Ok ka lang ba?" dagdag niya pa habang nakatingin ng diretsyo sa mga mata ko. Ang ganda niya, para siyang model ng bra at panty sa AVON. charoott!

"Hey!" bumalik naman ako sa sarili ko ng iwagayway niya sa mukha ko ung palad niya. Bigla naman akong nahiya at tumungo, masyado ata akong namangha sa kagandahan niya

"A-ah sorry." natawa naman siya sa naging reaksyon ko

"Okay ka lang ba?" tumango naman ako

"Cora nga pala." pagpapakilala niya tsaka inilahad ung kanang kamay niya. Nagdadalawang isip pa ko nung una kong kakamayan ko ba siya pabalik o hindi. Pero mas nakakahiya naman kong di ko siya kakamayan diba?

"Nicole." nakangiting sagot ko tsaka nakipag shake hands

"Sorry nga pala kanina." pag uulit niya. Di rin naman siya unlimited e no? kanina pa siya nag sosorry e

"Wala un, ayos lang." sagot ko

"Ahmm.. may hinahanap ka ba? kanina pa kasi kita nakikitang palakad lakad." nahiya naman ako bigla. Ganun na ba ako ka obvious na lakad ng lakad. Eh sa hindi ko nga alam ung classroom ko -.-!

Nagkamot naman ako ng ulo. Wala akong kuto a. wag kayong judgemental! "Alam mo ba kong saan ung HRM Department?"

"HRM din course mo? parehas tayo." tuwang tuwa naman siya ng malaman niyang parehas kami ng kinuhang course

"Tara! pumunta na tayo sa classroom natin." yaya niya sa akin tsaka ipinulupot ung kanang kamay niya sa braso ko at nagsimulang maglakad

Di naman siya excited sa lagay na to

_______,,,,,,_________,,,,,,,__________,,,,,,___

Written by: Nickzyvirusdetected

Now, I Remember YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon