Nag lalakad na ako pauwi.
Kinakabahan parin ako hanggang ngayon.
Di ko talaga makalimutan ung mga mata ni Mark kanina.
Haay. Ano kayang nag aabang na problema sakin ngayon?
Ay! Pusang gala!!
Biglang umulan wala akong payong!
*beep..beep*
Nagulat ako dahil sa biglang pag busina ng sasakyan.
At tumigil ito sa tabi ko
Biglang bumukas ang bintana.
"Hoy! Sumakay ka na ang lakas ng ulan!"
Si Mark. Nakakataba naman ng puso. Nag aalala siya para sakin.
"Ano pa tinatanga tanga mo jan? Sasakay ka ba o hindi?!"
"Eto na sasakay na."
Pumasok na ako sa kotse niya.
Sa totoo lang pangalawang beses ko pa lang sumakay dito.
Ang saya ko ngayon sabay kaming uuwi.
"Oh!" Hinagis niya sakin ung towel niya. Pwede naman i.abot nalang kase mag katabi naman kami. Kailangan ihagis pa talaga. Haay Mark ang sweet mo talaga.
Tahimik lang kami pareho. At sobrang nilalamig na ako dahil sa aircon.
"M-mark.." nanginginig na pati baba ko. Kaya pati pag sasalita ko nag sshake na din
Hindi siya sumagot. Deretcho padin ang tingin niya sa kalsada
"Pwede bang pa-tay-in yu-ng a-aircon?"
Nanginginig na talaga ako sa lamig. Nakayakap na ako sa sarili ko pero nilalamig padin ako.
"Manigas ka jan. Naiinitan ako. Sumakay ka kanina ng bukas ang aircon ng sasakyan ko. Pasalamat ka nalang na pinasakay kita kahit basang basa ka. Kaya wag kang mag inarte jan. Ang landi mo tapos parang lamig lang nag iinarte ka?! Mag payakap ka nalang dun sa lalaki mo ng mainitan ka."
Ayokong lalo siyang magalit sakin kaya nanahimik nalang ako. Pipilitin ko nalang na matulog para hindi ko maisip na nilalamig ako.
=============
Nagising ako dahil may humila sa buhok ko patayo.
"Araaay!"
Sigaw ko
"Puta ka! Tumayo ka na jan! Nandito na tao. Patulohg tulog ka pa jan."
Ang sakit ng pag kakahila niya sa buhok ko.
Lumabas na ako ng sasakyan at kinuha ko na ang bag ko at mga libro.
Malapit na ko sa pinto ng tawagin ako ni Mark na nasa garahe.
" bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Taragis ka! Ito kalat mo! Nag papaligaw ka palang hayop ka! *pak*" hindi ko na napigil ang mga luha ko. Una dahil hindi naman ako nag lalandi at hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit siya sakin. Ang sakit ng sampal niya. Nag init ang buong muka ko. Napahawak ako sa pisnge ko na sinampal ni mark. Nakapa ko na may na ka dikit na papel sa pisngi ko.
Isang maikling note.
Jennicka,
Kung wala kang gagawin bukas after school baka pwedeng mag punta tayo ng mall.
Namiss ko ang bonding natin.
- Jay
Nilukot ko ung papel. Kaibigan ko lang si Jay. At wala akong ginagawang masama. Pero kung dahil dun ay pinag iisipan ako ng masama ni Mark iiwasan ko na si Jay.
Pumasok na ako sa loob at pumunta sa kwarto.
Nasa CR si Mark
"Mark..sorry, wala lang ung sulat na yun. Wala akong nilalanding lalake mark." Alam ko naririnig niya ako.
Alam ko wala siyang pakialam sakin pero kailangan kong mag explain at mag sorry sa kanya dahil asawa ko siya.
"Pakamatay ka na! Wala naman akong paki sayo kahit marami ka pang lalake!" Sigaw ni Mark.
Ang sakit sakit. Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang galit niya sakin.
Ano bang nagawa ko sa kanya?
Parents namin ang nag decide na ipakasal kami. Hindi ako ang nag convince kela Dad.
Nahihirapan na ako pero mahal ko si Mark.
Aantayin ko ung oras na mahalin niya din ako.
Hindi ako mapapagod at hindi ko siya isusuko.
BINABASA MO ANG
I MARRY THE MAN WHO HATES ME
Ficção AdolescenteMarriage is a very serious thing. When you marry someone that means you're ready, Emotionally,mentally,physically and financially. But what if you marry the man who hates you? Are you going to stay beside him?