[5]

654 12 0
                                    

Nakarating na ako lahat lahat sa bahay hindi parin maalis sa isip at dibdib ko ang pangamba.

Pero wala namang sineseryoso si Mark diba?

Fling lang naman ang mga nakakarelasyon niya

Tyaka bagong transfer lang si Faye.

Wala akong dapat ipag alala

Baka mag ka pangalan lang sila.

Nicka masama yang ginagawa mo.

Pinag iisipan mo ng hindi maganda ang asawa mo.

Mali yun.

Haay!

Nasisiraan na ata ako ng bait.

Kumikirot talaga ang puso ko.

Hindi ko alam ang gagawin kung si Faye nga ang karelasyon ni Mark ngayon.

"Hoy! Umalis ka nga jan sa kama!" Andito na pala si Mark.

"Gusto mo bang mag handa ako ng pampaligo mo Mark? O gusto mo munang kumain?" Alam ko pagod na pagod siya kase graduating na siya.

"Alam mo kung anong gusto ko? Yung mamatay ka na para hindi na kita makita"

Aray. Ang sakit naman nun. Nararamdaman kong nag iinit ang mata ko anytime may lalabas na namang luha.

Pero pinilit kong ngumiti.

"Kaw talaga mapag biro ka Mark. Sige lalabas na ako para makapag pahinga ka na." Mark ang sakit sakit na ng ginagawa mo sakin. Hindi ka dating ganyan. Ibang iba at napaka layo mo sa taong nakilala ko.

"Mamatay ka na!!!" Rinig kong sigaw niya pag ka labas ko ng kwarto.

Wala na akong nagawa tuluyan ng lumabas ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Kaya mo yan Nicka. Mamahalin ka din niya.

Yan ang lagi kong sinasabi sa sarili ko.

Makapag handa na nga lang ng hapunan. Alam ko pag gising nun pag kain ang hahanapin nun

"Nicka andito ka na pala." Bati ni Nana

"Opo Nana kani kanina pa po." Nag mano akonsa kanya.

"Kaawaan ka ng Diyos. Kumain ka na ba? Mag merienda ka muna." Buti nalang talaga andito si Nana.

"Ano po kayang masarap lutuin ngayon Nana?" Tanong ko sa kanya. Sa kanya kase ako nag tatanong ng mga ulam na gusto ni Mark.

"Malamig ngayon. Mag sinigang na lang tayo." Suggestion ni Nana

"Sige po. Ako na pong mag luluto." Sabi ko naman.

"Oo sige. Pero bago yon eto ang juice at sandwich mag merienda ka muna. Maaga pa naman para mag luto ng hapunan."

"Salamat Nana. Ang bait bait mo talaga." Totoo ang bait talaga ni Nana. Lagi syang nasa tabi ko para tulungan at palakasin ako.

"Asus nambola pa itong batang ito. Oh siya sige na mag sasaing na muna ako. Kumain ka lang jan."

"Opo Nana. Salamat po ulit." At ayun umalis na siya at nag punta ng kusina.

Nilantakan ko naman itong sandwich at juice.

"Hoy! Akin na ang susi ng main door at gate." Nagulat ako. Nasa likod ko pala si Mark.

"Bakit? Anong gagawin mo?" Bat niya kailangan ang susi ng pinto at gate?

"Aalis ako at baka abutin ako ng madaling araw kaya akin na ang susi."

San naman kaya siya pupunta?

"San ka ba pupunta? Antayin nalang kita."

"Ibigay mo na sabi!!!!!! Wala akong obligasyong sabihin sayo ang gagawin at pupuntahan ko." Sabi ko nga Mark ibibigay ko na..gusto ko siya minsang pilosopohin pero wala akong lakas ng loob.

Kaya kinuha ko na sa lalagyan ng susi ang susi at binigay sa kanya.

"Ingat ka Mark. I love you" sabi ko sa kanya pag ka abot ko nung susi.

"Mamatay ka na!!!" Ang sweet naman ng sagot niya. Iisipin ko nalang na iloveyoutoo yun.

At tuluyan na nga siyang umalis.

Hindi niya matitikman ang luto ko.

Sayang..hindi ko din siya makikitang kumain.

Napaupo ako sa sofa.

At pinag masdan ang kabuoan ng bahay.

Napaka ganda ng bahay na to.

Pero hindi makita ang ganda kase hindi masaya ang taong nakatira dito.

Kaya nga inggit na inggit ako sa mga pamilya na maliit ang bahay pero masaya sila. Punong puno ng pag mamahal ang bahay nila.

Samantalang dito sa bahay namin ni Mark. Walang bakas ng pag mamahalan ng dalawang tao. Walang bakas ng masayang pag sasama.

Ano ba yan umiiyak na naman ako.

"Nicka tama na yan. Mag pahinga ka na kaya muna. Tutal wala naman si Mark. Ipahinga mo muna lahat ng yan. Itulog mo para mag ka lakas ka ulit." Nasa tabi ko na pala si Nana. Hindi ko man lang namalayan.

Hindi na ako nag salita. Tumango nalang ako at umakyat papuntang kwarto.

Pag ka higa ko sa kama.

Naramdaman ko ang pagod at agad na nakatulog.

I MARRY THE MAN WHO HATES METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon