[3]

695 13 0
                                    

Maaga akong nagising

At ang sakit ng likod ko dahil sa sahig ako natulog.

Kailangan kong mag handa ng breakfast.

Dahil dadaan dito ngayong umaga ang Mommy ni Mark.

Gigisingin ko na muna siya para masabihang darating ang Mommy niya.

"Mark.."

Tulog mantika talaga to kahit kelan

"Pssst.. mark.." niyuyugyog ko naman ngayon ang likod niya. Naka tagilid kase siya ngayon.

"Tsk! Ano ba!!" Galit na sabi niya.

"Pupunta dito ang Mommy mo ngayong umaga."

Mahinahon kong sabi sa kanya.

"Oo na!!! Wag ka nalang mag pakita mamaya para hindi ko kailangang mag panggap na sweet sayo! Dahil sukang suka ako sayo!!"

Ang sakit talaga mag salita ni Mark.

Minsan naiisip ko ano ba ang mali sakin? Minsan na akong nag lakas loob na tanungin kung bat sukdulang hanggang langitnang galit niya sakin pero lalong sumama ang aura niya kaya umalis ako sa harap niya.

Madalas kase pag badtrip siya hindi niya na cocontrol kaya nakakapanakit siya.

Pero mahal ko talaga siya.

I remember those times na tinatanaw ko lang siya sa malayo at kontento na sa mga ngiti niyang napaka ganda.

Dapat ba nakontento nalang talaga ako dun?

Dapat nga ba?

Haay..

Kung ano anong iniisip ko.

Makapag prepare na nga lang ng breakfast.

Papunta na akong kusina

Gising na din pala ang katulong namin.

"Good morning po" bati ko.

"Good morning din." Magiliw na tugon naman niya sakin.

"Mag bbake po ako ng cake para po naiuwi ni Mommy mamaya. Mocha flavor po ang gusto ni Mommy diba?" Pag tatanong ko kay Nana.

"Oo Nicka..bilib na talaga ako sayo. Pati Mommy ni Mark pinag sisilbihan mo." Sagot naman ni Nana sakin.

"Naku wala po ito Nana. Pamilya ko na din naman po sila. Sila Dad po kase lage ko ding pinag bbake yun ng cake." Sagot ko habang hinanda na ang mga ingredients na gagamitin ko sa pag bbake.

"Miss mo ang daddy mo noh? Bakit hindi mo sila bisitahin?" Tanong sakin ni Nana.

"Sa weekend ko nalang po sila pupuntahan" sagot ko naman.

"Teka Nicka bat namumula at may pasa yang pisngi mo? Ano nangyari jan?" Tanong ni Nana habang hinahawakan ang pisngi ko

"Ay naku nana wala po ito." Mabilis kong sagot at inilayo ang pisngi ko sa kanya.

"Sinaktan ka na naman niya?" Muling tanong ni Nana.

Hindi nalang ako sumagot. Dahil pinipigilan kong maiyak.

"Alam mo Nicka hindi naman siya dating ganyan. Pero kung ngayon palage ka nyang sinasaktan. Hiwalayan muna Nicka. baka kung mapaano ka na niyan. Ang bata bata mo pa. May mahahanap ka pang iba."

"Nana naman. Alam niyo namang mahal ko si Mark diba?"

"Pero wag mong kalimutang mahalin ang sarili mo Nicka. Hindi ka pinanganak ng nanay mo para gawing punching bag lang." Naiyak na ako ng tuluyan. Namiss ko tuloy lalo si mommy. Si Nana kase eh. Pero nag papasalamat ako na siya ang katulong namin dito. May napag sasabihan ako ng sama ng loob ko. At nakakatulong talaga ang mga advices niya.

I MARRY THE MAN WHO HATES METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon