Mark's POV
Alam ko para akong tanga dahil pumayag ako sa gusto ng babaeng yun!
Pero kung yun ang gusto niyang kapalit ibibigay ko.
At gusto ko na agad matapos to kaya ngayong umaga na to uumpisahan ko na ang pagiging mabuti sa kanya.
Ipaparanasan ko ang kabutihang gusto niya ng makonsensya na siya at ibigay na ang hinihiling ko.
Buo na ang desisyon ko na pag nag hiwalay na kami ni Nicka susundan ko si Faye sa ibang bansa at dun na bubuo ng pamilya
Siya lang ang gusto kong mapangasawa.
Wala ng iba.
At siya lang ang mamahalin ko.
Wala ng iba.
Nickas's POV
Ang sakit ng ulo ko.
At pakiramdam ko tinatamad akong.bumangon pero kailangan dahil ipag luluto ko pa ng baon si Mark.
Kaya agad na akong tumayo, nag punta sa cr para mag toothbrush tyaka nag lakad papuntang kusina.
Malapit na ako sa kusina at naaamoy ko ang amoy ng sinangag.
Nakakagutom.
Ang bango talaga mag luto ni Nana. Amoy palang mabubusog ka na.
Tuloy tuloy akong pumasok ng kusina at laking gulat ko sa nakita ko.
Hindi si Nana ang nag luluto.
"Mark..." mahina kong sabi pero narinig niya ako kaya napalingon siya bigla
"Good morning wife!" Masiglang bati niya at naka ngiti pa. May kung ano akong naramdaman sa tyan ko.
Anong nakain niya at bigla bigla nag shift siya into sweet husband.
"Upo ka na sa dining ihahain ko na to." Sabi pa niya.
Hindi ko alam kung anong irereact ko sa ginagawa niya pero somehow nakaramdam ako ng tuwa.
Ano ka ba Nicka! His doing all this things para makipag hiwalay ka na! Sabi ng isip ko.
Oo nga pala! Nakipag deal nga pala ako sa kanya.
Nag assume na naman ako.
"Ang aga aga ang lalim ng iniisip mo. Tara kain na tayo wife. Mamaya pala sabay tayo mag dinner sa isang resto." Sabi ni Mark habang pinag hahain ako ng kain sa plato ko. Nakakapanibago na nakakailang kase parang ang bilis bilis ng pag babagong ginagawa niya ngayon.
Nicka! You ask for this! I enjoy mo nalang. Sabi na naman ng isip ko.
Naalala ko na naman tuloy yung text message na nareceive ko from faye sabi niya "Im giving him to you. Now, do your part, make him love you. baka mag bago isip ko at kunin ko na siya ng tuluyan sayo."
Yan ung text sakin ni Faye kaya naman naisip ko ang ideya na ito.
Sana sa pamamagitan nito,
Mahulog ang loob sakin ni Mark.
Sana mag work ng maayos itong plano kong ito.
God, help me. Make this guy love me. :(
_======================
Sorry po sa mga short UD's
Busy po si author sa training para sa work niya. Sana basahin niyo padin po ito.
Pipilitin ko po na mapadalas ulit ang UD tulad dati.
Please please sana basahin niyo padin.
Thanks po
♥ sweetcehl
BINABASA MO ANG
I MARRY THE MAN WHO HATES ME
Teen FictionMarriage is a very serious thing. When you marry someone that means you're ready, Emotionally,mentally,physically and financially. But what if you marry the man who hates you? Are you going to stay beside him?