[22]

336 8 0
                                    

Faye's POV

Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumabas ng elevator.
Nag spray ng pabango na sobrang tinitipid ko. Ito na ang last stock ko ng branded na pabango.

Nandito na ako ngayon sa tapat ng unit 607, pinindot ko ang doorbell.

"Wow, you look great Faye as always, come in." Nag smirk lang ako sa Manager na nasa harap ko, at tuluyan ng pumasok sa unit niya.

May kalakihan ang unit, very manly ang design, dark blue and white ang combination ng wallpaper.

"Kumain ka na ba? I prepared some food for you, halika kumain muna tayo." Paanyaya sa niya sa akin.

Tumango lang ako at sumunod sa kanya sa kusina.
Maganda ang table setting, simple pero class ang dating.

"Have a sit."

"Thanks." Matipid na sagot ko.

"You look nervous, oh c'mon Faye, relax. I won't do anything to you unless you told me so." Sabi niya gamit ang mapang-akit nyang boses.

Napairap nalang ako.

Tuso ang lalaking kaharap ko ngayon kaya kailangan maging tuso din ako. Hindi ako pwedeng maisahan ng isang 'to dahil baka tuluyan na akong hindi ma ka bangon pag nagkataon.

"Can we just eat?" Iritadong sabi ko sa kanya. Nakakailang ang pagtitig niya.

"Relax ka lang Faye. Ano bang problema? Masama na palang tumingin sa'yo ngayon?" Pangiti-ngiting sabi niya.

"Ano ba talagang gusto mo? Ayoko ng makipag plastikan sa'yo! Diba tinanggihan mo na ako? Anong nakain mo at tinawagan mo ako para pumunta dito?" Hindi na ako nakapag timpi.

"Wala lang. Para namang hindi mo ako kilala. Mula noong mga bata pa tayo Faye alam mo na kung ano ako" seryoso ang mukha niya habang titig na titig sa mga mata ko.

"So you're messing around again Jerson Salameda, i wonder bakit pati ang showbiz ay pinasok mo na din. Akala ko hindi mo na ako masusundan dito." Pilit kong pinatatag ang boses ko, dahil ayokong mahalata niyang natatakot ako sa bawat tingin niya.

"I love messing around MAHAL KO, and we both know that." Lalo akong kinabahan sa sinabi niya lalo na ng banggitin niya ang endearment namin noon.

"You once used me, it's pay back time. Hindi ko hahayaan na manira ka ng relasyon ng iba para lang makabangon ka." Nanginig ang tuhod ko sa sinabi niya. Hindi, mali, buong pagkatao ko ang nanginig. Paano niya nalaman? Paano niya nalaman ang plano ko kay Mark at Nicka?

"Ganyan ka na ba kababa ngayon? Ibibigay mo ang katawan mo may maipang bayad lang sa taxi? Maninira ka ng relasyon para lang magkapera? You're not a slut Faye!" Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Nag unahan na sila sa pag bagsak. Pilitin ko bang pigilan ang bawat pagpatak nila wala akong magawa. Great Faye, wala ka na namang magawa.

Nanliliit na naman ako sa sarili ko. Nagagalit na naman ako sa sarili ko.

Nag angat ako ng tingin ng maramdaman kong hinawakan ni Jerson ang kamay ko.

"Wala ka ng kawala sakin Faye. Mula pa noon diba? I already told you that you are mine. I own you. Pinahirapan mo lang ang sarili mo. Kahit saan ka magpunta nandoon ako. Kahit saan ka magtago, mahahanap kita. Kahit itaboy mo ako,sisiguraduhin kong sa akin parin ang bagsak mo."

"All this time Jerson pinaikot mo ako! Tell me Jerson! Are you happy?! Masaya ka ba sa lahat ng nararanasan ko ngayon? Are you happy?! Tell me Jerson! Tell me!!" Pakiramdam ko sasabog na ako sa galit.

All this time, pinaglalaruan niya ako!

Tumayo na ako sa upuan at tunungga ang bote ng wine na nasa lamesa at nag lakad papunta sa terace ng condo niya. I want to scream! Gusto kong mag wala! I'm so freakin' tired!

I MARRY THE MAN WHO HATES METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon