[7]

620 10 0
                                    

Nicka's POV

Hala! Anong oras na ba? Bigla akong naalimpungatan.

5:30 am pa lang pala.

Akala ko tinanghali na ako ng gising.

Aray ko. Medjo masakit ang bandang ibaba ko.

Naalala ko na, may nangyari nga pala samin ni Mark.

Magandang sign na ba ito?

Pag nabuntis kaya niya ako magugustuhan na niya ako?

MAmahalin na kaya niya ako pag ka tapos ng nangyari?

Ay naku Nicka!!

Wag kang tanga!

Iniisip ni Mark si Faye ang kasama niya kagabi.

Nababaliw na ata ako.

Nag tatalo ang isip ko.

Biglang natigil ang pag mumuni muni ko ng naramdaman kong gumalaw si Mark.

Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari

"Anong nangyari??!!!" Gising na si Mark. At nakita niya na pareho kaming walang saplot.

Hindi ko alam kung pano ko siya sasagutin.

"Sumagot ka!!!"

Sigaw niya ulit.

"Hindi ba obvious Mark? May nangyari satin. Sa sobrang kalasingan mo kagabi inakala mong ako si F-faye." Masakit pero wala akong magagawa. Yun naman ang totoo eh.

Halatang nagulat si Mark sa sinabi ko.

Pinilit kong hindi umiyak sa harap niya. Kailangan kong ipakita sa kanya na matatag ako.

Akala ko mag sosorry siya.

Pero wala ni isang salita ang lumabas sa bibig niya.

Tumayo siya at pumunta sa CR.

Tyaka lang ako tuluyang naluha.

At dahan dahang pinulot ang nga damit ko at sinuot.

Kailangan ko ng bumaba para ma i pag handa ng almusal at baon si Mark.

Mabigat man sa loob ang nangyari kagabi.

Wala akong karapatang magalit.

Lasing siya.

Wala sa sarili.

Kaya kasalanan ko. Dahil pwede ko naman siyang tanggihan nung oras na yun pero di ko ginawa.

Pero sana kung mag bunga man yun nangyari kagabi. Sana tanggapin ni Mark.

Nandito na ako sa kusina at nag hahanda ng lulutuin.

Naririnig kong nag didilig na ng halaman si Nana.

Maaga talaga siyang gumigising.

Ayos na din na mag isa ako ngayon sa kusina dahil gusto ko ding mapag isa.

==============

Natapos na akong mag luto at nailagay sa baunan ung baon ni Mark.

Aakyat na ako para gisingin siya kung sakaling tulog siya.

Sana naman hindi niya ako sigawan this time.

Pero himala yun.

Dahil walang araw na hindi niya ako sinisigawan.

Nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto.

Dahan dahang binuksan ung pinto.

Nagulat ako kase nakaupo siya sa gilid ng kama. At ang dalawang kamay niya nakahawak sa kanyang noo.

Para bang may iniisip siya.

Isasara ko na sana ang pinto.

Pero bigla siyang nag salita.

"Nicka..pumasok ka." Seryoso at malumanay niyang sabi. Nagulat ako kase ngayon niya lang ako kinausap sa ganitong tono.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

Sa totoo lang kinakabahan ako.

"Gusto kitang makausap ng masinsinan." Sabi niya pero hindi parin siya nakatingin sakin.

"Sige. Tungkol saan ba?" Pinipilit kong kumalma dahil sobra akong kinakabahan.

"Ung nangyari satin. Hindi ko sinasadya. Nicka may mahal ako. At siya lang ang mahal at mamahalin ko. Pasensya na." Pasensya? May sasakit pa ba sa salitang pasensya? Daig ko pa ang batang inagawan ng lollipop at sinabi ng kumuha na hindi niya sadya kaya pasensya na.

Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Si faye ba Mark?" Nag lakas loob akong tanungin siya.

Kahit na sobrang sakit.

"Oo. Pasensya na talaga." Ayan na naman siya sa pasensya niya.

"Naiintindihan ko." Wala naman akong ibang choice kundi intindihin siya. Wala na nga talagang pag asa na mahalin niya ako.

"Hindi naman tayo pwedeng mag hiwalay dahil maaapektuhan ang Company ng mga parents natin. Pareho lang naman tayong nahihirapan dahil sa desisyon nila." Hindi Mark. Hindi ako nahirapan sa desisyon nila. Pero ikaw talaga Mark ang nag papahirap sakin.

"Naiintindihan ko." Eto na lang ang lagi kong sinasabi at ginagawa sa kanya.ang intindihin siya :(

"Pwede bang maging mag kaibigan tayo? PAsensya na sa mga nagawa ko sayo. Nung mga panahon na un galit ako sayo dahil nag hiwalay kami ni Faye dahil nalaman niya ang tungkol sa arrange marriage. Kinausap siya ng mga parents ko. Kaya sayo ko sinisi ang lahat."

Kaya pala sukdulan ang galit niya sakin.

Kaibigan? Hanggang dun nalang ba talaga? pag kakasyahin ko nalang ang sarili ko sa ganun?

"Ok sige. Friends." Then i fake a smile. Ang sakit sakit.pakiramdam ko anytime sasabog ang puso ko sa sobrang sakit.

"Salamat. Pero may gusto pa sana akong ihingi ng pabor sayo."

"Ano yun?" Ano naman kaya ang ipapagawa niya.

"Kung pwede sana wag kana dito sa kwartong to matulog. At kung pwede wag kang nag papakita sakin. Nag seselos kase si Faye. Pero hindi niya alam ang pangalan mo." Ouch. Ang harsh mo talaga Mark.

Ang sakit sakit ng ginagawa mo sakin Mark.

Pero anong magagawa ko?

Mahal kita eh.

"Ok sige yun lang pala eh. Kayang kaya ko yun. Sige bumaba ka na para makakain ka na." Tatalikod na sana ako dahil nag babadya na namang tumulo ang luha ko.

Pero niyakap niya ako bigla.

"Salamat Nicka." Ang sarap sana kung habang yakap niya ako iloveyou nicka ang sinasabi niya. Pero salamat Nicka ang narinig ko. Ang sakit. Pero ayos na din kesa wala.

Alam ko para na akong pulubi dahil namamalimos ako ng kahit konting pag mamahal. T_T

Pero anong magagawa ko?

Kung may ibang mahal ang mahal ko. :(

I MARRY THE MAN WHO HATES METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon