[18]

620 13 1
                                    

Author's note.

Sorry kung matagal na walang update at ang ikli ng chap. 17..

Enjoy reading..

♥ sweetcehl

================================

[18]

Nicka's POV

Back to work na naman ako.

Maaga akong pumasok ngayon sa office dahil tambak ang trabaho ko ngayon, lalo na't malapit na ang aniversary ng company.

Biglang nag ring ang cellphone ko, tiningnan ko muna kung sino ang tumatawag, ganun nalang ang kaba ko dahil unregistered number.

Huminga muna ako ng malalim bago tinap ang answer button.

"Ang tagal mo namang sumagot. Kinabahan ka ba Nicka?" Bungad sakin ng pamilyar na boses.

"Faye?" Tanong ko sa kausap.

"Yeah, its me Nicka. Kamusta ka?"

"Anong kailangan mo?" Hindi ko mapigilan ang pag usbong ng inis ko sa kanya. May balak ba siyang masama?

"Wala naman,kukunin ko lang ang dapat na akin." Nang-uuyam na sabi niya.

"Faye, hindi ko maintindihan kung anong klase ng laro itong ginagawa mo, pero pwede bang tigilan muna kami ni Mark?! Nag mamahalan kami Faye, ikaw naman ang nang-iwan noon diba?!" Hindi ko na napigilan ang pag taas ng boses ko dahil sa sobrang inis na nadarama ko samahan pa ng kaba na baka kung ano ang gawin niya.

"Oo Nicka!! Oo ako ang nang-iwan! Kaya nga ngayon kukunin ko na siya ulit dahil nandito na ako! Bumalik ako para kunin na siya! Malaking pagkakamali ang iwan siya at ngayon itatama ko ang pagkakamaling 'yon. Naiintindihan mo ba Nicka?!" hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya, tila may bumara sa lalamunan ko dahilan para hindi ako makapag salita.

"At itong tatandaan mo, kahit kailan hindi naging iyo si Mark! Paano ka nakasisiguro na mahal ka niyang totoo ha? Wala kang proweba Nicka! Naging panakip butas ka lang!" Naninikip ang dibdib ko sa mga sinasabi niya. Hindi!! Hindi ako lolokohin ni Mark!! Totoong Mahal niya ako!

"Tama na Faye!!! Tama na!!!" Hindi ko na siya pinag salita pa agad ko ng inoff ang cellphone ko.

Nanginginig ang tuhod ko at pinag papawisan ako ng malamig.

Sobra akong natatakot sa pwedeng mangyari.

Napatingin ako sa aking kamay kung saan nakalagay ang engagement ring na bigay ni Mark.

Mahal niya ko diba?

"Hon, are you okay? What happened?" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Mark, nang mag angat ako ng mukha agad siyang lumapit sakin.

"Anong nangyari hon? Mag salita ka. Bakit ka umiiyak?" Hindi ko alam na umiiyak pala ako, kaya naman agad kong pinunasan ang pisnge ko na nabasa dahil sa aking luha.

"I'm fine Mark. Namiss ko lang si Dad." Pag sisinungaling ko. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya na si Faye ang dahilan ng lahat ng ito.

"Wag ka ng umiyak hon. Bibisitahin natin siya okay?" Tumango nalang ako dahil pakiramdam ko lalong bibigat ang pakiramdam ko pag nag salita pa ako ng bagong kasinungalingan kay Mark.

Niyakap niya ako at hinalikan sa buhok.

Napanatag naman ang loob ko sa ginawa niya.

"Madami ka pa bang ginagawa hon?" Tanong ni Mark sakin na ngayon ay nakaupo na sa upuan ko at sumenyas siyang kumandong ako sa kanya.

"Medjo madami pa hon. Malapit na ang anniversary ng Empire. Kailangan maging perfect ang lahat." Sagot ko sa kanya habang nilalaro ang buhok niya.

"Alam mo minsan naisip ko dapat hindi ka na nag tatrabaho. Mas gusto ko kase yung, pag uwi ko ng bahay sasalubungin mo ako at ng mga anak natin." Sabi niya na may napakalapad na ngiti. Napangiti naman ako sa sinabi niya at na imagine ko kaming dalawa sa ganung eksena.

"Pero wala pa naman tayong anak hon, kaya ayos lang na mag trabaho muna ako." Sagot ko kay Mark.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong buhatin hindi ko tuloy napigilang hindi mapatili sa gulat.

Binuhat niya ako na parang bagong kasal.

"Wag kang mag alala hon, aaraw arawin natin para may mabuo na tayong baby." Sabi ni Mark na may pilyong ngiti at sabay kindat.

"Hon, ano ka ba nasa office tayo." Saway ko sa kanya dahil inihiga niya ko sa sofa.

"Hon, okay nga ito para may thrill. Para maiba naman. Mas exciting to."

Sagot niya sakin

"Pero Mark baka may makakita satin." Sabi ko sa kanya

"Yun na nga yung thrill hon. Bilisan na natin baka may pumasok." Sabi niya at sinimulan akong paulanan ng maliliit na halik sa mukha.

Hindi ko na napigilan ang tawa ko dahil nakikiliti ako sa manipis niyang balbas.

=================================

Halo pooo!

Sorry kung hanggang dito nalang muna.

Hahaha, yung term thrill at excitement sa pakikipag chenes ay nakuha ko lamang po sa workmate ko.

Ganun daw dapat ang mga mag asawa para hindi nagiging routine nalang ang mga nangyayari sa buhay nila. Hahaha :)

Ngayon alam niyo na.

Haha chos!

Sige poo exit na ako :)

Don't forget to leave a comment.

If you're generous enough then vote :)

Thanks.

♥ sweetcehl

I MARRY THE MAN WHO HATES METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon