Episode 2 --- The Complicators ---

6.6K 114 27
                                    

Tristan's POV

"Wag kang mag-alala. Nandito lang ako. Wag kang matakot baby. I love you." sabi ko sa kanya at hinalikan ko sya sa noo. Ayokong nakikita na nasasaktan o natatakot si Mychiel. Mahal na mahal ko siya at handa kong gawin ang lahat para maramdaman niya yun. Sisiguraduhin kong hindi siya mawawala sa akin dahil kapag nawala siya, hindi ko alam kung ano gagawin ko sa buhay ko. Marami na kaming pinagdaanan at ayokong  masayang lahat ng yun. Sigurado na kong siya na ang babaeng papakasalan ko.

Tama! Ako si Tristan Turner, ang boyfriend ni Mychiel. Masaya kami sa piling ng isa't isa. Aaminin ko, hindi talaga perpekto ang relasyon namin. Nag-aaway at nagbabangayan din kami pero hindi namin pinapalipas ang isang araw na hindi kami nagkakabati. Protective ako sa kanya. Pwede niyo ding sabihin na possessive din ako. Gagawin ko ang lahat para sa kanya, kahit pa ang magpakatanga. Martir na kung martir pero wala akong pake.

Hinatid ko na si Mychiel sa bahay nila at pauwi na ko sa kanila.

Ang galing ni baby. Ang galing ni baby. Ang galing ni baby. Ang galing galing.

Wag ka message tone ko yan. Haha! Narinig ko sa commercial ee. Saktong may "baby" kaya dinownload ko at ginawa kong message tone.

"[Ingat ka pauwi baby. Don't worry about me. Okay na ko. I love you <3 :*]" nagtext si Mychiel.

"I will baby. I love you too. Rest ka na muna, I'm sure pagod ka na. :* " reply ko sa kanya.

Nandito na ko sa bahay at nagpapahinga na. Naisip ko nanaman yung lalaking nakabangga kay Mychiel, si Xevier. Iba ang tingin niya kay Mychiel. May kung anong bahid ng malisya ang mayroon sa bawat titig niya kay baby. Para niyang sinusukat ang buong katawan ni Mychiel na tila ba ay hinuhubaran niya at gagawin ang lahat sa katawan ng babaeng pinakamamahal ko. Praning na kung praning pero sabi nga nila, kilala ng magnanakaw ang kapwa magnanakaw. Lalaki rin ako at alam ko kung paano tumingin ang isang lalaki na may masamang balak. 

Isa pa sa mga hindi ko maalis sa aking isip ay iyong pulubi na nakabangga ni baby. 'Yung mga salitang binitawan niya bago kami tuluyang makalayo sa kanya. Sisirain niya kami? Bakit? Dahil sa ginawa namin? Ano ba ang ginawa namin sa kanya? Ni hindi nga namin siya kilala. Ano ang ibig niyang sabihin sa ginawa namin? 

_____________

Xevier's POV

"Nasan na ba yung handouts ko?!" bulong ko sa sarili ko habang naglalakad at hinahanap ang handouts ko sa bag ko nang bigla akong may nabangga. 

"Sorry Miss, hindi ko sinasadya, hindi kasi ako nakatingin sa dinaraanan ko, may hinahanap ako sa bag ko" sabi ko at dinampot ko ang mga gamit niya. Pagkatapos kong madampot ang gamit niya ay inalalayan ko siyang tumayo. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagtingin niya sa akin. Natawa na lang ako sa ikinikilos niya dahil halatang-halata na nagwapuhan siya sa akin. Tsk! Walang bago. 

"Miss okay ka lang? May masakit ba sayo?" I asked for formality. 

"Baby!! Ok ka lang?" biglang may dumating na lalaki na akala mo superman na palaging to the rescue. 

"O-oo baby ok lang ako." I see. So he's the boyfriend pero yung tingin sa akin ng girlfriend niya parang gusto akong kainin. I smirked secretly. Don't dare me woman. You'll scream in pleasure if I eat you.

"Nako miss sorry talaga, hindi ko sinasadya. Heto ang mga gamit mo." I said with a worried face at iniabot ang ilan pang gamit na hawak-hawak ko. 

"Brad next time tingnan mo dinadaanan mo ng hindi ka nakakabangga ng iba" this one has an attitude. One of the things I hate. Tch. 

"Baby ok lang ako." sagot no'ng babaeng nabangga ko sa boyfriend niya.

"Are you sure baby?" argh! Just get over with it! Masyado kayong corny sa paningin ko.

"Im ok. Thanks ----" inilahad no'ng babae ang kamay niya para makilala ako. 

"Xevier. Xevier Montereal." pakilala ko at tinanggap ko rin naman ang kamay niya. Iba ang haplos niya sa kamay ko na muli kong ikinangisi. This woman piqued my interest. I'll add her in my "toy" collection.

"Im Mychiel Maxine, and this is my boyfriend Tristan Turner. Sige mauna na kami sayo, may klase pa kasi kami ee." actually it's so obvious that the two of you are in a relationship. Tch. 

"Oh I see. Sige. Sorry ulit Mychiel. Brad sorry ulit." I said and they left. 

Xevier, congratulations. You found another plaything for pleasure. Xevier is my name and pleasure is my last name.

_____________
Elvin's POV

"Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sakin. Sisirain ko kung ano man ang meron kayo ngayon! Tandaan niyo yan!" sigaw ko sapat na para marinig nila. Nang makita kong nakalayo na sila ay kaagad akong pumunta sa isang public comfort room, naglinis ng katawan at nagpalit ng maayos na t-shirt at pantalon. Tinapon ko na 'yong suot ko kanina.

Kaagad akong sumakay sa limousine ko at sinabi sa driver ko na dumiretso sa kompanya ko. 

"Ibabangga ko po ba sa kompanya niyo Mr. Howard?" seryosong tanong ng driver ko. 

"Gusto mo ikaw sagasaan ko?! Tonta!" hindi ko alam kung bakit ganito ang takbo ng utak ng driver ko. Minsan maayos, madalas sira. The only reason I kept him is because he's a fastdriving driver at gusto ko iyon. 'Wag lang talaga akong sisimulan ng mga katangahan niya. 

Nakarating kami sa kompanya ng wala pang kalahating oras at kaagad akong pumunta sa opisina ko. 

Napakatypical ng opisina ko. Sa loob nito makikita ang aking table at computer. Sa loob din ng opisina ko nagtatrabaho ang sekretarya ko na pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay sinalubong na kaagad ako ng mga papeles na kailangan kong pirmahan. 

"Mr. Howard, here are some files that you need to sign." sabi ng secretary ko at muling umupo sa table niya.

Natapos ko na pirmahan ang mga papeles. Tumayo at pumunta ako sa terasa ng opisina ko. Muli ko na namang nakita ang isa sa mga ekspresyon ni Mychiel. Takot. Kitang-kita ko ang takot at kilabot sa ekspresyon niya and I like it. 

Yes! Fear me Mychiel. Fear me and my revenge. Let fear consume you. Because I, Elvin Howard, will be the one who will make your life drowned, consumed, and devoured by fear. 

_____________

A/N: Napahaba ata.. ayan! kilala nyo na yung 3 sa 4 na lalakeng maiinvolve sa buhay ni Mychiel! Pero sino kaya yung isa? :)

Napahaba ata ang introduction ng boys. ahaha! osya sarreh na kung walang kaganapang nangyare. Kelangan nyo lang talaga makilala yang mga yan :)

______________

Medyo binabago ko ang mga bagay bagay! AHAHAHAHA! Sana magustuhan niyo pa rin. 

Raijiin <3 <3

The Man I Slept With [Completed] {Editing Slowly}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon