Episode 11 --- Goodnight Like Yesterday ---

2.2K 26 2
                                    

Mychiel's POV

Kakagising ko lang and Im preparing to go to school. Dumerecho ako sa CR at naligo, inayos ang sarili, nagpaganda, mga karaniwang ginagawa ng mga babae.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at maayos na ang aking itsura, ready to go to school.

Beeeeep Beeeeeeep!!!
(Huhubells di pa nakakabili si author ng sound effects)

Ay nandyan na siya agad? Excited lang sunduin ako? Sinilip ko siya sa may bintana ng kwarto ko at siya nga ang bumusina. Nginitian ko siya at sinenyasan na sandali lang.

Muli akong tumingin sa salamin at isinuot ang kwintas na niregalo sakin ni Tristan. Pagkasuot ay tumingin ulit ako sa salamin sa huling pagkakataon para ayusin ang sarili ko. Nginitian ko muna ang sarili kong repleksyon bago tuluyang bumaba at pumunta sa nagmamay.ari ng kotse.

"Kahit kelan talaga napakabagal mong kumilos. Ginising na nga kita sa pamamagitan ng pagtawag sa phone mo, pero wala pa din. Dinaig mo pa ang pagong. Ahaha!" sermon kaagad niya. Magandang bungad para sa umaga! -.- Masasampal ko to ee. Kung di ko lang to ------- "Ano tutunganga ka na lang dyan? Iiwan na kita! Ahaha!" aba't talaga naman!

"Teka naman! Rush hour ka? Nagmamadali? -.- Ang aga pa kaya oh!" pagkasabi ko nun ay sumakay na ko sa kotse niya at pinaandar na niya yun papuntang school.

"Bat kasi ang kupad mo? Ahaha! Minsan nga dyan ako matutulog senyo para maaga kita mabuntis este magising pala. Hahaha!" -___- kung di ba naman isa't kalahati kalandian nitong taong toh.

"Hoy! Umayos ka! Di ka na nakakatuwa! Masasampal na kita diyan! -_____-" sabi ko at tumingin na lang sa bintana ng kotse niya. Napansin ko naman ang pagbusangot ng mukha niya, pero hindi ko na pinansin yun.

Habang nakatingin ako sa bintana ng kotse niya ay nakita ko ang isang lalaki na naglalakad. Napahawak ako sa kwintas ko at muli ay nagbabadyang tumulo ang luha ko. Pero pinigilan ko iyon.

Nakarating na kami sa school at bumaba na din ako sa kotse niya.

"Hoy Mychiel! Ihahatid kita mamaya aa. Wag mong subukan na takasan ako kundi ikaw ang magbabayad ng pang.gas dito sa kotse ko, full tank! Ahaha!" sabi niya.

"Oo na Mr. Xevier Montereal!! Naghihirap ka na ba at ako ang pinapasagot mo sa pang.gas mo? Ahaha! Siya sige na at mahuhuli na ko sa first subject ko." pagkasabi nun ay tumalikod ako sa kanya.

Pagkatalikod ko kay Xevier ay saktong papalapit sa kinatatayuan ko si Tristan.

Napahawak ako sa kwintas na binigay niya sakin. Tiningnan ko siya habang papalapit sa kinatatayuan ko. Walang emosyon ang mukha niya at napakalamig ng aura niya. Tiningnan ko siya sa mata ngunit para itong walang kaluluwa. Walang emosyon. Mga matang tila walang pakialam sa nakikita niya.

Palapit na siya ng palapit sa akin, nang makalapit na siya sa akin ay nilampasan niya lang ako na parang di niya ko kilala. Parang hindi ako nag.eexist sa ginawa niya sakin. Parang hindi niya ko nakita.

Ang sakit. Sobrang sakit pa din. Oo. 1 buwan na ang nakakaraan mula ng makita niya kaming magkahalikan ni Xevier. Sa loob ng isang buwan, sinusubukan ko siyang kausapin ngunit hindi niya ko pinapansin. Parang hindi niya ko nakikita at naririnig. Ginawa ko na lahat ng naisip kong gawin para mapatawad niya ko ngunit lahat ng yun ay bigo.

Ngayon ay umaasa na lang ako na sana isang araw kausapin niya na ko, na sana bigyan niya ko ng pagkakataong makapagpaliwanag.

Si Xevier? Siya ang tumutulong sakin sa tuwing nalulungkot ako. Siya ang nagpapasaya sakin. Sinabi din niya sakin na tutulungan niya din akong makausap si Tristan.

The Man I Slept With [Completed] {Editing Slowly}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon